Adrahasis
"Kaya hindi ka pa nahahanap kasi nililito ko sila, Adrahasis. Kung kinakailangang itago kita ay gagawin ko pero ngayon na lang kita nakita pagkatapos ng pag-alis natin sa akademya. Hinanap kita para balaan pero bigo ako dahil sa hindi ko na maramdaman ang presensiya at mahika mo." Huminga ako ng malalim dahil sa nag-aalalang sabi ni Angela.
Nandito kami ngayon sa bahay, wala sina Papa at Mama, wala rin si Aphelia. Hindi ko alam kung nasa'n sila, gabi na pero hindi pa rin sila nakakauwi.
"Agad akong bumalik rito pagkatapos, Angela, tinago ko ang sarili ko at nagtrabaho sa kastilyo. Bumalik ako rito agad hindi dahil sa kagustuhan ko." Natigilan siya sa sinabi ko at parang nagtataka. Napapikit ako dahil sa hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag ng maayos. "Bumalik ako rito dahil sa may misyon na inatasan sa akin ang akademya, Angela. May utos siya sa akin kaya kailangan ko kaagad kumilos, alam mo namang malaki ang utang natin sa kaniya. At tiyaka, kinakailangan kong itago ang presensiya ko para rin hindi mahanap." Nang maidilat ko ulit ang mga mata ko ay napansin kong para siyang nagulat ng bahagya.
I don't know how will it end, I don't know what will I do if they already found me. If they did, it would be my end! If I still can, I have to do what I started before going back in the academy.
"Hindi ko alam na may koneksiyon ka pa pala sa akademya!" Hindi niya makapaniwalang sabi.
"Hindi ako makakalabas ng akademyang 'yon kung hindi ko siya susundin, Angela. Kailangan kong gawin ang misyon na 'yon para makalaya sa lalaking 'yon. Kapag hindi ko nagawa ang misyon ko, pupuntiryahin niya ang pamilya ko na siyang hinding-hindi ko hahayaan!" Nagtatagis-panga kong sambit sa kaniya na siyang ikinatahimik ni Angel.
Angela knew how cruel and evil that Headmaster was, he was the most evil I've ever known in my entire life! He even killed those students who bended the rules of the academy, he punished those who violated the regulations and it was so awful! It was awful that I was there, watching him killing those students because of being a rule-breaker or troublemaker. I was fucking scared that time, knowing I am still weak and can't still fight!
"Mabuti ka pa," mahinang sabi ko na siyang ikinalambot ng ekspresiyon niya. "Mabuti ka pa dahil nakatakas ka na sa mga kamay niya, nasa likuran mo na ang korte, sila na ngayon ang pumoprotekta sa'yo." Aniya ko pa.
"Adrahasis, hindi rin madaling makapasok sa korte. High Supreme Court especially the councils was not that easy to mingle with, they are perfectionist and a judge. They makes law, yes, but they also destroy laws if they notice that there's something wrong is happening." Alam ko 'yon, hindi na nakakagulat ang ganoong pag-uugali ng mga taga korte. "If it is not because of the beauty I possessed Adrahasis, maybe just like you, I am still in the hands of that fucking Headmaster. Pero, hindi pa rin ako ligtas." Natigilan ako dahil sa huli niyang sinabi kaya mas lalo akong napatitig sa mga mata niya na kasing kulay ng kalangitan.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Utal kong tanong.
"Kung may naghahanap sa'yo dahil sa mahika na kakayahan mo," kinabahan ako nang bigla na lang magbago ang ekspresiyon niya. Naging seryoso 'yon na para bang hindi madali sa kaniya na sabihin ang katotohanan. "M-May naghahanap rin sa akin para patayin ako."
Padabog akong napatayo dahil sa sinabi niya at halos matumba ang lamesa dahil sa ginawa ko! Galit kong tinignan si Angela dahil sa narinig ko mula sa kaniya!
YOU ARE READING
The Last Maidservant of the Weakest Kingdom |Multiworld's Secret| [BL]
Fantasy"Even if I fucking die here, there are still lot of versions of me in other worlds that will hunt you!" **** He is Adrahasis, the lone and last aide to enter the castle of Teodorica, an island considered the weakest of all the islands. A kingdom th...