Adrahasis
"Give me that you motherfucker!" Malakas na sigaw ng prinsipe at sinugod ang lalaking may hawak ng hiyas. Nakangisi ito na para bang inaasar si Demetrio.
"Hindi lang ikaw ang bandidong may gusto sa hiyas na 'to!" Asar pa ng lalaki. Magsasalita na sana ako para sabihing hindi bandido ang kaharap niya pero agad kong naalala na nagpapanggap nga lang pala kami sa islang 'to! Hindi nila puwedeng malaman na may dugong bughaw itong kasama ko!
I can't even tell if Sophus can be trusted but if he will act strange and will put us in danger, then I won't think twice, I'll make him shut his mouth.
"Fuck, I am not lik——"
"Demetrio!" Sigaw ko sa kaniya na siyang ikinalingon niya kaagad sa akin. Tumakbo papalapit sa kaniya habang ang mga mata ko ay hindi bumabaling sa ibang direksiyon. Galit lang siyang nakatingin sa akin at alam kong atat na atat na siyang makuha ang hiyas. Pero kailangan naming mag-ingat... kailangan niyang mag-ingat lalo na't ang mga bandidong kaharap namin ay hindi lang basta-basta!
At tiyaka mas lalo lang ata siyang nairita sa akin nang tawagin ko siya sa pangalan niya lang mismo! Pero wala na akong pakialam at agad ng pumaharap sa kaniya at seryosong tinignan ang lalaking may hawak ng hiyas ng apoy.
"Ibigay mo na ang hiyas kung ayaw mong masaktan, pare-pareho lang tayong may gustong makuha 'yan pero nasisiguro ka bang nababagay ang hiyas na 'yan sa'yo? Sigurado ka bang kaya mong makipagkontrata sa hiyas na 'yan?" Litaniya ko na siyang ikinanuot ng kaniyang noo. Inoobserbahan niya ang buo kong pagkatao dahil sa paraan nang pagtingin niya.
"Akala ko babae, pero teka, gusto mo rin ba ang hiyas na 'to?" Bigla niyang ipinakita ang hiyas at natigilan ako dahil sa mas lalo itong nagliliwanag. Nagliliwanag ito dahil alam nito na may isang katulad ni Prinsipe Demetrio na kayang makipagkontrata rito! "Gaya ng sinabi mo, may tiyansa na hindi ito makikipagkontrata sa akin... kaya puwede ko itong ibigay sa'yo, sa inyo, sa isang kondisyon." Nanliit ang mga mata ko dahil sa kondisyon na sinasabi niya.
"Maid——fuck, Adrahasis, get out of my way. I can fucking do this in my own way." Rinig ko mula sa prinsipe pero hindi ako natinag at mas lumapit pa ng kaunti sa kalabang bandido habang marami pang gulong nangyayari sa kapaligiran. Nagmamatiyag lang rin ako dahil puwede kami lusubin bigla nang hindi namin nalalaman.
And I can't afford to be hurt, and this prince with me. I have to protect him no matter what, I have to fulfill my duty.
"Anong kondisyon ang sinasabi mo? Sabihin mo na at nang makaalis na kami." Seryoso kong sambit na siyang mas lalong ikinalapad ng ngisi niya. Hindi ko alam pero nagsisimula na akong makaramdam ng inis dahil sa mukha niyang 'yan. Napakapangit pa ng gago na akala mo ay ikinagwapo niya ang pagngisi ng ganiyang kalapad! Nagmumukha siyang demonyo na walang sungay!
"Sumama ka sa'kin... at makipagtalik." Parang may kung anong sumabog sa utak ko nang marinig ang mga salitang 'yon sa kaniya! At tila nahinto ang pag-iisip ko ng kung anu-ano dahil sa kapangahasang sinabi niya! Parang may tumunog sa magkabilang-tenga ko na siyang dahilan kung bakit biglaan na lang nanginig ang mga kamao ko sa kaniya ngayon!
"Fucker gay shit! I will kill you!" Sigaw ni Demetrio sa likuran ko pero bago pa man siya makalusob, nasa harapan na ako ng bandido na siyang ikinagulat nito. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig sa nagliliyab kong mga mata dahil sa galit!
YOU ARE READING
The Last Maidservant of the Weakest Kingdom |Multiworld's Secret| [BL]
Fantasy"Even if I fucking die here, there are still lot of versions of me in other worlds that will hunt you!" **** He is Adrahasis, the lone and last aide to enter the castle of Teodorica, an island considered the weakest of all the islands. A kingdom th...