Chapter 13

63 11 7
                                    

Adrahasis




May mga ordinaryong wizards pa rin talaga sa isla na hindi nakakakilala sa mga dugong bughaw. Wala silang kaide-ideya kung anu-ano ang mga itsura nila at ni kahit kakayahan nila ay wala silang alam kun'di ang kani-kanilang pangalan lamang. Nakakalungkot lang isipin na may iba sa kanila na hindi nabibigyan ng marangal o mabuting trabaho dahil nga sa kapos at hindi sila nakapagtapos. May iba ring hindi napapansin dahil nga sa sobrang abala ng buong kastilyo sa iba pang mga bagay.

Kung hindi lang dahil kay Ama, hindi kami papalarin sa buhay at hindi kami matutulungan ng mga may dugong bughaw. Kahit no'n una ay marami akong naririnig mula sa iba na pangit daw at kasuklam-suklam ang kani-kanilang pang-uugali... pero lingid sa kanilang kaalaman na mabubuti sila, mabubuti ang hari at reyna.

Maliban na nga lang sa prinsesa at pinakamatandang prinsipe.

"Hindi ko aakalain na sasalubungin tayo ng patay na mga puno," hindi ko mapigilang sabi habang tanaw na tanaw na namin ang kabilang isla. Nakasakay kami ngayon sa hindi ganoon kalaking bangka pero masasabi kong pwedeng sumakay ang pang-apatan na pamilya rito. "Are they really the island of nature wizards?" Bulong ko pa at tila inoobserbahan ang mga nakikita ko ngayon.

Wala akong makitang mga buhay na puno, ni kahit anong pagkanta ng mga ibon ay wala rin akong naririnig. Pero sa bandang 'yon, naiintindihan ko naman dahil nagiging kahel na ang kalangitan at tila gusto ng bumati ng gabi. Pero hindi ko talaga maiwasang hindi taasan ng balahibo sa batok dahil sa ni kahit isang puno ay wala akong nakikitang buhay sa bandang norte ng isla nila.

"Mag-iingat po kayo diyan, isa ang isla na 'yan sa iniiwasan dahil nga sa rami ng mga bandido na nakatira diyan." Napatingin ako kay manong na siyang isa sa mga ordinaryong wizards na hindi nakakakilala sa mga may dugong bughaw sa kastilyo.

"Iyon rin ang rinig ko kuya, kaya nga mabuti na lang at agad tayong nakarating rito. Kayo po ba?" Magalang na saad ko habang may ngiti sa mga labi. Tumingin siya sa akin habang inaayos na ang mga gamit niya. Ngumiti rin siya sa akin pabalik.

"Kailangan kong bumalik sa Teodorica, hindi ako puwedeng magtagal rito mga ginoo." Tumango ako sa paraan ng pagsagot nito na may galang. Tumingin ako saglit sa prinsipe na wala namang pakialam sa kung among pinag-uusapan namin, nakatanaw lang kasi siya sa isla na papalapit na sa amin. Seryoso ang mga mata niyang nakatingin habang ang mga kamay niya ay nasa kaniyang likuran.

His posture is something that you cannot deny that he's a fucking royalty. His hands in his back, his cold expression, the way he stands with superiority and his physique that screams power. If the old man here is aware of who he is, I think he'll get worry of his life because of the presence of one of the royalties of Teodorica.

"Gabing-gabi na po," turan ko.

"Ay ayos lang ginoo, hindi ko rin hangarin na manatili sa lugar na ito lalo na't may naghihintay sa akin sa aking tahanan. Pasensiya na kung hindi ko na kayo masasamahan, siguro't maiintindihan niyo naman ang aking rason." Litaniya niya na siyang agad ko namang ikinatango at ikinangiti. Kinuha ko ang bag ko at kinuha roon ang mga pilak na mga barya at agad itong inabot sa kaniya. Nakita ko kung paano nagliwanag ang mga mata niya katulad ng liwanag na nakita ko noon kay Ama nang makuha niya ang una niyang sahod.

"Sobra-sobra na po ito, ginoo." Turan niya na mukhang nagdadalawang-isip na kunin ng barya. Pero kinuha ko ang kamay niya at inabot ito talaga sa kaniya. "G-Ginoo," utal pa nitong tawag sa'kin na siyang dahilan kung bakit ako umiling.

The Last Maidservant of the Weakest Kingdom |Multiworld's Secret| [BL]Where stories live. Discover now