Adrahasis
I didn't fucking have the perfect time to talk with the headmaster about sending me again back to my hometown because I respectfully leave them without a word. And because of my fucking anger, I didn't have the chance to talk about the mission and about the reason why he wanted to execute the fucking king's life.
Hindi ko masikmura na nasa iisang lugar lang kami ng matanda na 'yon kasama pa ang anak niya. Hindi ko magawang huminga ng normal kasama silang dalawa dahil sa bawat paghinga ko, parang hinay-hinay nilang binabawasan ang buhay na meron ako. Kaya kapag nagtagal pa ako na kasama sila, hindi ko na alam kung magiging ligtas pa ba ako.
"You have to be careful of releasing your true power, Adrahasis, you know how dangerous it is for you." Huminga ako ng malalim at tumango sa sinabi ni Professor Rica. Nandito kami ngayon sa room niya, wala ng mga estudyante sa labas maliban sa mga first years, may activity kasi ang sophomores hanggang seniors sa bagong tayo na arena. Looks like they are having a magic ranking if I remember it right.
"I can't help it, Professor, your students are too dumb, spoiled and stupid. I just taught them a lesson. At tiyaka, pinaalala ko lang sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin." Anya ko na siyang ikinahinga niya ng malalim. "Ayokong matulad sila sa'kin na lahat ng kasamaan at kababuyan ng matandang 'yon ay naisalo ko. At ayokong makita nila kung gaano kawalang-hiya ang gurang na 'yon." Dagdag ko pa at inis na inilagay ang mga palad ko sa mukha.
Kung walang alam ang mga estudyante na 'yon, siguradong-sigurado ako na mapapahamak sila lalo na't wala silang ideya sa magiging kalalabasan kapag patuloy silang aakto ng ganoon. Kung patuloy sila sa paglabag ng mga batas rito, hindi imposibleng may isa o dalawa sa kanila na mapapahamak... o baka mas marami pa!
"Just bare with them, Adrahasis, I know you're already strong enough. But you still have to control your emotions, alam mong 'yan ang nagpapahamak sa atin." Natigilan ako dahil sa sinabi ni Professor.
Bigla ko na lang naalala ang sinabi ko no'n kay Demetrio na mapapahamak talaga siya kapag hindi niya makokontrol ang emosyon na meron siya. Hinding-hindi niya makokontrol ng mabuti ang mahika na meron siya kapag papairalin niya ang emosyon.
And here I am, not applying those fucking advice to myself.
Kamusta na kaya ang mokong na 'yon? Hindi ko man sabihin pero naiisip siya palagi ng utak ko, pati ata 'tong puso ko kung merong lang bibig eh, sigurado akong pangalan niya ang laging sasambitin.
"Naiintindihan ko naman Professor, nasa utak ko na lahat ng mga tinuro mo sa'kin noon. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi makaramdam ng sobrang galit kapag nasa harapan ko na sila." Sagot ko na siyang ikinangiti ng tipid ni Professor. Akmang magsasalita na sana siya ulit nang matigilan kami pareho dahil sa bumukas ang pintuan.
Agad nagbago ekspresiyon ko at napangisi agad nang bumungad sa amin ang mukha ng isa pang propesor na tinitingala ko rito sa akademya. Ang propesor na siyang nagturo sa akin ng 'archive magic' at ang isa sa mga pinakamatalinong propesor rito.
"Professor Cyle!" Agad akong tumayo at agad nakipag-fist bump sa kaniya, napatawa na lang ito at ginulo ang buhok ko.
"Hoy bata, ang haba na ng buhok mo tapos hindi ka tumaba! Wala namang nakapagsabi sa'kin na ang goal mo pala sa buhay ay maging babae?" Napailing na lang ako dahil sa kalokohan niya at bumalik ulit sa kinauupuan ko. Agad siyang lumapit kay Professor Rica at humalik sa pisngi nito.
YOU ARE READING
The Last Maidservant of the Weakest Kingdom |Multiworld's Secret| [BL]
Fantasy"Even if I fucking die here, there are still lot of versions of me in other worlds that will hunt you!" **** He is Adrahasis, the lone and last aide to enter the castle of Teodorica, an island considered the weakest of all the islands. A kingdom th...