Adrahasis
Lumapit ako kay Heolstor para sana itanong sa kaniya kung nakita niya ba si Papa pero natigilan ako nang malamig niya akong tinignan sa mga mata. Hindi ko alam kung bakit siya nakatitig ng gano'n na siyang dahilan kung bakit ako napalunok ng malalim pero, pinilit ko ang sarili ko na makalapit sa kaniya kahit nakakatakot ang aura niya ngayon. Malayong-malayo sa kapitan na nakasama ko sa kalagitnaan ng gubat noon.
"G-Gusto ko lang itanong kung nakita mo ba si Papa?" Tanong ko sa kaniya at naghihintay ng sagot. Sana ay maalala niya pa ako nang hindi ako mapahiya.
He sighed deeply and then he put his sword back in its sheath while his eyes are still staring at me. The coldness that I saw just seconds ago faded away when he smiled a bit and then nodded.
"Wala siya rito, Adra, nando'n siya sa timog bahagi ng isla. Kasama niya ang iba pa at binabantayan ang lugar. Huwag kang mag-alala, ligtas ang Papa mo." Sagot niya sa akin na siyang ikinahinga ko na lang ng malalim dahil sa sobrang kaginhawaan. Akala ko nandito si Papa at may kalaban rin, mabuti na lang ay wala siya rito dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag napahamak siya!
At mabuti na lang naaalala ako ng lalaking 'to, naaalala niya ang pangalan ko.
"Ikaw? Bakit ka nandito? Delikado dito sa labas kaya sana ay nanatili ka na lang sa loob ng kastilyo. Sabihin man nating ginamot mo ang hari at prinsipe, pero puwede kang saktan ng mga kalaban dahil sa kitang-kita nila na kaya mo silang pagamutin ng ganoong kadali." Seryoso nitong at alam ko na 'yon. "At kahit marunong kang gumamit ng mga espada, hindi pa rin 'yon makakatulong lalo na't malalakas ang mga kalaban. Kung hindi ako dumating, baka nilamon ka na ng kadiliman na galing sa mahika ng lalaking 'yon." Dagdag pa niya na siyang ikinatahimik ko na lang.
Hindi ko alam ang sasabihin ko lalo na't wala siyang alam tungkol sa akin. Sa paningin niya, isa lang akong mahinang katulong na may kakayahang manggamot at gumamit ng mga espada. Sa paningin niya, para lang akong mababasaging bagay na kailangang protekatahan at itago palagi.
"K-Kaya kong lumaban, Heolstor, hindi mo na kailangang mag-alala." Para siyang natuod sa sinabi ko at hindi ko alam kung saang banda siya do'n natigilan.
"Alam mo ang pangalan ko?" Tumango na lang ako sa tanong niya. Hindi nga pala niya sinabi ang pangalan niya sa akin kaya siguro natigilan siya dahil sa biglaan kong pagtawag sa pangalan niya.
"Oo, narinig ko sa ibang mga kawal. Hind——" naputol ang sasabihin ko sana nang makarinig na naman kami ng malakas na pagsabog kaya agad akong naging seryoso muli. Napansin ko na may malaki na namang usok ang lumitaw na siyang dahilan kung bakit napakuyom na naman ang mga kamao ko.
They really don't know how to stop! They really don't know how to research first before attacking our island! And I will make them pay! I will make them suffer!
"Dito ka lang." Nanlamig ako sa kinakatayuan ko ngayon nang marinig ang malamig na boses na 'yon ni Heolstor na ngayo'y nasa harapan ko na habang malamig na nakatingin sa akin. Ito na naman ang nakakatakot niyang mga paninitig na hindi ko maintindihan! Ramdam na ramdam ko na ngayon ang enerhiya niya na palakas ng palakas, gano'n na rin ang mahika na meron siya!
Delikado na nga talaga ang lugar na 'to para sa akin lalo na't nararamdaman na ng mga wizard na 'yon ang kapangyarihan ng isang black wizard! At walang kaalam-alam si Heolstor na siya ang magiging dahilan kung bakit malalagay na naman ako sa peligro!
YOU ARE READING
The Last Maidservant of the Weakest Kingdom |Multiworld's Secret| [BL]
Fantasy"Even if I fucking die here, there are still lot of versions of me in other worlds that will hunt you!" **** He is Adrahasis, the lone and last aide to enter the castle of Teodorica, an island considered the weakest of all the islands. A kingdom th...