Chapter 39

48 7 3
                                    

Adrahasis




"Okay ka na?" I don't know what does he mean by that or maybe, I don't really know what does it truly means? I mean is being okay is really okay? Is being okay meaning you have to be alright and be happy? Or it was just a cover up to hide your real emotions about hurtful things? Or it was just a word to come up with lies?

Masakit. Masakit para sa akin na agawan sila ng alaala. Masakit para sa akin na burahin ang mga alaala nila sa mga wizards na alam kong minsan na ring nagpasaya at nagdala sa kanila ng tuwa at liwanag. Masakit pero anong magagawa ko? Kailangan kong gawin ang tama bago pa man mahuli ang lahat... bago pa man malaman ng matandang 'yon ang nangyari. Dahil kung hindi ko ginawa ang tama, tiyak, siya ang gagawa ng paraan.

At mas delikado.

"Ano ba talaga ibig-sabihin ng salitang 'okay', Critticcuss?" Mahinang tanong ko sa kaniya at napansin kong natigilan siya sa sinabi ko. Kumunot ang noo niya ng tumingin ako sa kaniya, nag-abot ang mga kilay niya dahil sa pagtataka sa biglaan kong pagtanong sa kaniya.

I fucking smiled, weakly.

"Hindi mo na pala kailangang sagutin." Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako ro'n. Natigilan ako dahil sa ramdam ko ang init ng mga palad niya ngayo'y mahigpit na nakahawak sa'kin. Hinay-hinay kong inangat ang mukha ko para makita muli ang mga mata niya at nakita ko kung gaano ito kaseryoso habang nilalabanan ang mga titig ko.

"It's okay to feel that way, Hasis, you don't have to force yourself to be okay. Damn! I know it hurts but I understand your side, you don't want my father to know and you just wanted to save them. That's a normal feeling." He responded to my question and that made me feel relief a bit. I fucking knew that I am not expecting a good answer with this asshole but he gave me an exact and on point response.

"Talaga bang tama ang ginawa ko... natin?" I asked once again and that made him sighed so deep.

"Katulad ng sinabi mo noon, kailangang harapin ng mga may sala ang parusa na nababagay sa kanila at kailangang iligtas ang mga inosente na buhay." Sagot niya at naramdaman kong mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "At dahil do'n, marami akong natutunan at isa na ro'n ang pagsisisi ko sa ginawa ko noon sa'yo, Hasis." Natigilan ako dahil sa tinuran niya at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bahagya akong nagulat dahil alam kong totoo siya sa sinasabi niya. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya dahil alam kong kinakabahan siya sa magiging reaksiyon ko.

Hindi ko rin inaasahan na babalikan niya muli ang mga bagay na siyang nangyari no'n.

He knew that I won't believe him... telling me those impossible words from him. But I want to tell him that he should't worry anymore because I already knew that he changed. This fucker realized things and I am happy. I'm proud.

"Please forgive me for what I did to you before, Hasis, to you and to Angela. I am willing to do anything just to have your forgiveness. I am willing to punish myself just to have your trust again." He whispered, I smiled a bit.

Narito kami ngayon sa malawak na field, ang paborito kong tambayan. Ito ang unang pagkakataon na nagugustuhan kong may kausap sa lugar na 'to at ito ang unang pagkakataon na nagugustuhan kong may kasama. Hindi ko na kasi alam kung sino malalapitan ko. Hindi ko naman kayang lapitan si Professor Rica dahil nasasaktan ako. Kahit wala siyang naaalala, kahit nakalimutan niya na ang nangyari at kahit nakalimutan niya na ng buo si Professor Cyle, nasasaktan pa rin ako at nahihiya sa kaniya.

The Last Maidservant of the Weakest Kingdom |Multiworld's Secret| [BL]Where stories live. Discover now