ADDICTION I

2.8K 39 1
                                    

ADDICTION I

"Shet! Bakit tanghali na?!" Awtomatikong napabangon ako sa higaan nang makitang maliwanag na sa labas. May klase pa ako

Agad akong naligo at nagbihis saka sinuot ang uniform na naka hanger. Wala na ang kakambal ko sa kwarto, baka iniwan na ako. Bakit ba kase di niya ko ginising?

Pagbaba ko ng hagdanan ay kaagad ko itong naabutan na naghahanda ng almusal namin. Mabilis kong niyakap sa leeg ang kapatid ko

"Aray Naman!" Maldita at maangas niyang reklamo dahil sa ginawa ko at mahina akong itinulak

"Bakit di mo ko ginising Ki?" Tanong ko sakanya. She's Kira. She's my twin sister, but unlike other twins, magkaiba kami ng mukha at hindi mo aakalaing magkakambal kaming dalawa.

Our parents died 5 years ago, and that's the most traumatic event that happened to me. Hindi ko makakalimutan ang gabing walang awang pinatay sa harapan ko ang mga magulang ko ng mga hindi ko kilalang lalaki

"Tulog mantika ka kase, nahiya naman akong gisingin ka" mataray niyang sagot. Napangiti ako. Kahit naman ganun ang pakikitungo niya sakin ay hindi ko parin maiwasang matuwa.

I know her, she's concerned about me. Sunod sunod kase ang projects and presentations sa school namin and alam niya na hindi na ako nakakatulog ng maayos nitong mga nakaraang linggo

"Love mo lang ako eh, Love you too kambal" nakangiti at pabiro kong saad sakanya. Natigilan naman siya saka inirapan ako dahilan para mapahagalpak ako sa tawa




Late na kami nakapasok. Kasama ko si Kira naglalakad papunta sa room namin. Kabadong kabado na ako habang ang kasama ko Naman ay walang emosyong nakatitig sa dinadaanan namin. Parang walang pakialam sa paligid

"Ki, sorry nalate tayo. Sana nauna ka nalang" nag aalala kong saad. Nadamay pa ang kapatid ko sa pagkalate dahil sakin

"Hayaan mo na. Alangan naman iwanan kita" walang emosyon niyang saad

Palagi siyang ganyan, pero kahit ganun ay alam kong sinasabayan niya lang ako dahil ayaw niya na mahuli ako. Di man niya sabihin, alam ko naman sa mga kilos niya na kahit anong mangyari ay sasamahan niya ako sa lahat.

Napanguso ako. Matalino si Kira, hindi siya siraulo kagaya ko, ako yata ang malaking kabaliktaran niya

"The two of you, why are you late in my class?" Napayuko ako nang makita si Doc Arsenal, ang terror Prof namin sa physics. Malas, bakit siya pa naabutan namin

"Sorry doc, nalate kami ng gising" kalmado ngunit walang emosyon na sagot ni Kira. Hindi ako umimik dahil takot ako sakanya, pero pag nakatikod na ay saka ko naman ito iirapan

"Both of you are still absent in my class! Now, sit down!" Strikta nitong saad. Pumasok na kami ni Kira at umupo. Nakokonsensya talaga ako. Nadamay pa kapatid ko dahil sakin

Napatingin ako kay Kira na kalmado lang na umupo. Sabagay, kahit naman umabsent o malate siya ng ilang beses ay di pa rin siya babagsak, matalino nga naman. Habang ako? Kahit pa yata present ako sa lahat ng subject ay di pa rin sasapat, bagsak ako sa mga exams kapag di ako nakapag aral ng isang araw

"Akala ko di na kayo papasok?" Napatingin ako kay Calleiah, best friend namin ni Kira.

"Late ng gising eh" busangot ko at nakinig na sa harapan


Bagsak ang balikat ko na nakatingin sa test paper ko. Bagsak na naman ako sa exam. Napahinga ako ng malalim nang maramdaman ang pagtapik ni Calleiah sa balikat ko

"Bawi ka nalang sa susunod, marami pa namang exams eh" mas lalo akong nanlumo sa sinabi niya. Alam ko naman iyon, pero hindi pwede.... Nakakahiya pa rin

"Ayan, di kase nag aral. Imbes na pag aaral ang atupagin, paglalandi ang inuuna" napanguso ako dahil sa sinabi ni Kira. Palibhasa kase halos perfect na mga scores nila. Passing pa. Buti pa sila matalino, habang ako....

"Grabe ka naman Ki, kailangan lang siguro ni Mira ng tulong natin. Okay lang yan best friend, tutulungan kita mag aral sa susunod" ngiting sabi ni Calleiah. Kahit kailan talaga ang bait nito sakin

Parang siya pa yung kapatid ko kaysa kay Kira. Para kase itong ibang tao Kung ituring ako.

"Nag aaral nga hindi naman pinapasok sa utak, palagi nalang kaseng nakabantay at pinagpapantasyahan si Prof Ivanov" nang marinig ko ang sinabi niyang apelyido ay di ko maiwasang mapakagat ng labi.

"Masama ba iyon?" Napanguso ako pero may nakapaskil na ngiti sa labi "Bagay naman kami ah?" Delulu na yata ako. Napanaginipan ko din siya kagabi. Si Prof Ivanov, iyong hot professor namin sa Calculus. Ang hot at ang gwapo niya kahit na naninindig ang balahibo ko sa katawan kapag nakatitig siya sakin

"Hindi kayo bagay, gwapo siya pangit ka. Matalino siya bobo ka" walang hiya talaga itong kapatid ko eh. Kung di ko lang to kapatid matagal ko nang sinampal tu namimihasa eh, alam ko naman di na kailangan ulit ulitin

"Inggit ka lang kase gwapo ang future husband ko" napailing si Calleiah dahil sa sinabi ko pero di naman nagreklamo, samantalang si Kira ay nakatitig sakin na para bang ako ang pinakasiraulong tao sa balat ng lupa. Bahala siya

"I'm telling you, Mira. Stop your delusions about that mysterious and scary professor. Hindi ko siya gusto para sayo. Masama ang kutob ko sa lalaking iyon" seryosong saad ng kakambal ko. Hindi na talaga siya nagbibiro

Noon pa talaga ay ayaw na niya kay Prof Ivanov, halos lahat ng babae sa school nababaliw sakanya tapos si Kira at Calleiah lang ata ang hindi. Sabagay, si Calleiah ay crush si Prof Cavalcante. Bagay si Kira at si Prof Brent

"Ang gwapo ng mukhang iyon tapos kung makahusga ka parang ang sama naman niya. Hello, nakakakilig kaya kapag tinititigan niya" parang gaga kong saad habang nakangiti

"Tsaka crush ko lang naman siya" hinampas ni Kira sa ulo ko ang test paper ko na bagsak naman ang score

"Crush mo? Akala ko ba kapag nagka crush nagkakaroon ng motivation? Bakit parang wala naman yata? Tsaka di ka ba nahihiya? Tingnan mo nga score mo sa test niya 34/100, mahiya ka naman sa crush mo na habang nirerecord ang score mo at kinu compute ang grades mo makita niyang bagsak"

Sa totoo lang ay pumasok din iyan sa isip ko. Pero hindi ko naman kontrolado ang utak ko eh. Anong magagawa ko kung bobo talaga ako? Wala naman di ba?

Tsaka matatanggap naman siguro ni Prof ang isang magandang tulad ko kahit na bobo ako. At least magaling ako magluto at kaya ko naman siyang mapagsilbihan kapag nagpakasal na kaming dalawa.

Walang hiya akong nakatitig kay Prof Ivanov na seryosong nag didiscuss sa harapan namin. Ang gwapo ng asawa ko mga ineng, kapag makita niyo siguro nako.... Nakaharap ka palang sakanya ay luluhod ka na para pagsilbihan siya

Ang mga mata niya.... Kahit walang emosyon ay nakakapanghina. Napatingin ako sa katawan niya na natatakpan ng suot niyang tuxedo, ang sarap niya rin siguro ano?

Napa aray ako nang maramdaman ang kirot sa braso ko. Kinurot ako ng kapatid kong pinaglihi sa sama ng loob

"Kanina ka pa tinatawag" matigas niyang bulong at tumingin sa harapan.

Napatingin din ako doon at nakita si Prof Ivanov na mariing nakatitig sakin. Crush niya rin kaya ako? Sana nga, para naman mutual feelings kaming dalawa

"Ms. Fernandez, see me at my office. You got the lowest score in my exam and you're the only one who failed my exam, we need to talk about it"

Nanginginig ako dahil sa malamig niyang boses. Hindi dahil sa takot ako, kundi dahil nakaramdam ako ng pagkasabik sakanya

Ivanov's AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon