EPILOGUE

6.8K 105 18
                                        

EPILOGUE

                       4 years after

"Mama, is papa sleeping?" Inosenteng tanong ng apat na taong gulang kong anak sa tabi. Ngumiti ako ng matamis

"Yes anak, Papa's sleeping. You look like him di ba?" Ngumiti ito sa akin saka tumitig sa ama. Napangiti ako nang mapatitig rin sa mapayapang mukha ni Xian

It looks like he's just sleeping, pero ang totoo ay hindi siya nagigising. Napahinga ako ng malalim. It's been four years Xian. Malaki na ang mga anak natin. Hindi mo man lang nasubaybayan ang paglaki nilang dalawa. Alam mo ba, kamukhang kamukha mo sila. Sa bawat araw na nakikita ko ang kambal ay hindi ko maiwasang masaktan

"Papa, please wake up na. Xiandrei and I misses you so much, mama misses you too. Gising ka na papa tapos we will play" napayuko ako habang nakikinig sa anak. Hindi niya pa alam ang nangyayari.

Nasa mansyon na kami nanirahan kasama ng mga anak ko. Dito ko na rin inilagi si Xian dahil gusto kong matutukan ang pagbabantay sakanya. May mga doktor na pumupunta dito para mag check sakanya pero palagi nilang sinasabi na malabo daw na magising pa si Xian. Pero hindi ko siya sinukuan kahit na minsan ay nawawalan ako ng pag asa pero habang nakikita ang mga anak ko namin ay bumabalik ang lakas ko

Hanggang ngayon ay naniniwala pa rin ako na baka balang araw, magigising siya mula sa mahimbing na pagkatulog. Miss ko na siya, habang nakikita siyang nakaratay sa kama ay hindi ko maiwasang masaktan

"Mama why are you crying?" Ngumiti at umiling ako sa anak ko

"Nothing anak. Sige na, maglaro muna kayo ni Xiandrei, lilinisin ko lang si papa ha?" Masunurin itong tumango at agad na tumakbo papalabas

I named my son's after him. Xiandrei Andrew Ivanov and Xaian Andres Ivanov. They're both four and just like their dad, they're both good looking. Namana nilang lahat ng katangian halos kay Xian. I can't wait to introduce them to him

"Tumataas na ang buhok mo, kailangan nang gupitan. Teka lang kukuha lang ako ng gunting ha?" Masaya kong saad at hinalikan siya sa ulo.

Kumuha ako ng gunting sa drawer at bumaik sakanya. Masaya kong ginupitan ang buhok niya. Pinapalitan ko din siya ng damit, pinupunasan at inaalagaang mabuti. Araw araw ay hindi ako nagsasawang magsalita at magkwento sakanya kahit na hindi niya ako naririnig

"Alam mo ba, marunong nang magluto ang anak nating si Xaian, si Xiandrei naman ay pinagkakaabalahan na ang pagpipinta. Kung makikita mo lang, ang galing galing ng anak natin" nakangiti kong saad

"Si Xaian, palaging seryoso at kuhang kuha ang awra mo, si Xiandrei naman palaging bibo at masayahin, namana siguro niya iyon sa akin"

Pinunasan ko ang mukha niya ng dahan dahan at sandaling napatitig. Heto na naman ako, nasasaktan na naman habang nakatitig sayo

"Ako..." Pinigilan ko ang mga luhang tumulo sa mga mata ko

"Naghihintay pa rin araw araw sa pag gising mo" naging mahina ang boses ko. Kusang pumatak ang mga luha sa mga mata

"Miss na miss na kita, Xian. Bumalik ka na. Gumising ka na. Wag mo naman kaming iwanan. Naghihintay kami ng mga anak mo" hinawakan ko ang walang buhay niyang kamay. Hindi niya ako kailanman maririnig, dahil kahit anong sabihin ko, kahit paniwalain ko pa ang sarili ko na buhay siya ay alam kong hindi na.

Napatingin ako sa life support na nandito. Hindi ko maiwasang mapaiyak ng mahina. Ito nalang, ito nalang ang tanging sumusuporta sa buhay niya. Ito nalang ang tanging paraan para mas makasama namin siya. Dahil kung wala ito, hindi na sana namin siya kasama

Ivanov's AddictionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon