ADDICTION XXXIV

4.1K 57 7
                                        

ADDICTION XXXIV

Para akong papel habang naglalakad pauwi sa amin. Lutang at halos hindi maramdaman ang sarili. Kumatok ako ng tatlong beses at hinintay na may magbukas ng pinto

Bumungad sakin ang mukha ni Kira. Natigilan siya nang makita ako pero kalaunan ay nagawa akong yakapin ng mahigpit.

"G-god! I miss you, Mira!" Naiiyak niyang saad. Napangiti ako ng mapait nang marinig ko ang pag iyak niya

"Hindi mo ba ako papapasukin muna?" Walang gana kong tanong dahilan para matigilan siya. Pinahiran niya ang luha sa mga mata at agad akong hinila papasok

Pinaupo niya ako sa sofa saka mahigpit na hinawakan ang kamay ko at tinitigan ako

"K-kumusta ka na? B-bakit ganyan ang itsura mo? A-anong ginawa sayo ng lalaking iyon?!" Tipid akong ngumiti na nauwi sa paghikbi. Napayuko ako nang makaramdam ng sobrang sakit sa dibdib

Mas lalo akong napahikbi ng yakapin niya ako ulit. Nag iyakan kamibg dalawa sa sala

Walang buhay akong nagmulat ng mga mata. Nakatulog ako kakaiyak. Gusto kong ikwento kay Kira ang lahat ng nangyari para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko pero hindi ko magawa.

Ang bigat ng pakiramdam ko, sobrang sakit ng dibdib ko at parang puputok ang ugat sa utak ko.

"Glad you're awake.... Kumusta ang pakiramdam mo?" Lumapit sa akin si Kira at hinawakan ang kamay ko. Natulala ako at hindi agad nakapagsalita. Wala akong lakas

"Ano bang ginawa sayo ng hayop na propesor na iyon? Sana hindi ka nalang sumama sakanya" hinawakan niya ang mukha ko at agad inayos ang nagulo kong buhok

"Hindi ka sana magkakaganito. Sana hindi nalang kita hinayaan sakanya, sabi ko na nga ba at wala siyang magandang maidudulot sayo" gusto ko sabihin kay Kira ang lahat pero wala akong lakas

Siguro dahil sa pag iyak kaya ako nagkaganito. "Sabihin mo saan siya nakatira? Walang hiya ang lalaking iyan---

"K-kira...." Halos pabulong kong tawag sa pangalan niya. Napahikbi ako at yumakap ng mahigpit sakanya. Gusto ko sabihin ang lahat, pero habang iniisip ko palang iyon ay hindi ko yata kaya

"Magpahinga ka na muna... Saka na tayo mag usap kapag okay ka na ha?" Tumango ako sakanya. Inalalayan niya ako mahiga. Napahinga ako ng malalim pagkatapos. Pagpikit ko ay sumakit lang ang ulo ko

Ilang araw din bago ako nakabawi ng lakas. Medyo naging maayos ang pakiramdam ko pero paminsan minsan ay nakaramdam ako ng hilo.

"Miss ka na ni Calleiah, nung nawala ka halos palagi nalang kami walang imikan. May inilihim kase siya sakin eh" saad ni Kira habang sinusuklay ng marahan ang buhok ko

"Nung nawala ka, magkasabay kayong nawala ni Prof Ivanov. Alam mo bang ilang linggo din naging usap usapan na baka pinatay ka niya? Pero nanahimik lang ako at hinayaan iyon. Nawala din naman kalaunan"

Hindi ko siya pinansin dahil kay Xian lumilipad ang utak ko. Iniisip ko siya. Ano kayang ginagawa niya? Ayos lang kaya siya? Sana ay kumakain siya sa tamang oras at inaalagaan ang sarili niya. Kahit galit ako sakanya ay hindi naman pwedeng pabayaan niya ang sarili niya

Sa araw araw na hindi ko siya nakikita ay kumikirot ang puso ko. Para akong pinapatay.

"Professor Ivanov's license was been provoked by the higher authorities when they found out that he's having an affair with you. Akala kase nila ay nagtanan kayo o di Kaya kinidnap ka niya. Palagi akong tinatanong ng mga nakakasalubong ko sa school, na anong klase ko raw na kapatid at di kita nagawang protektahan"

Ivanov's AddictionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon