ADDICTION XV
'See me at my office'
Nakagat ko ang loob ng pisngi ko nang mabasa ang message na natanggap ko mula kay Prof Xian. Hindi pa man siya nagpapakilala ay alam ko na agad na siya Ito
'This is Professor Ivanov by the way'
Sunod na mensahe. Yes I know Daddy. Napailing ako dahil sobrang landi ko talaga kahit kailan. Ewan ko ba, noon pa man hindi na ako nagkakagusto sa ibang lalaki maliban kay Prof. Hindi ko alam bakit nga ba ako patay na patay sakanya
Excited akong nagpaalam sa mga kasama ko lalong lalo na nina Calleiah. Nagtataka naman silang dalawa ni Kira dahil sa inasal ko na ngayon ay pangiti ngiti
"Bakit ka nakangiti?" Takang tanong ni Calleiah sakin. Imbes na sumagot ay ngumiti lang ako sakanila. Kita ko namang napataas ang kilay ni Kira. Halatang nagdududa sa kinikilos ko
"Anong nangyari sa kambal mo?"
"I don't know, she just wake up three days ago smiling like that. I think I need to call a mental facility or a psychiatrist" napailing ako sa bulungan nila. Psychiatrist agad? Excuse me lang, bawal ba ako ngumiti dahil sunod sunod na ang pagkakataon na magkasama kami ni Prof
Inaya na niya akong lumabas! It was a date I think! Kahit walang label basta kinikilig ako sakanya. Tsaka isa pa, it's been three days since the two of us started hanging out and starting knowing each other. He told me that he wants to know me well first, I don't know if nanliligaw na ba siya sakin. He never ask me
He said that he wants to know me deeper before entering into something deep more than friendship. He firmly believe that friendship first before relationship. Kinikilig ako on how gentle and green flag he is
Ngayon ko napatunayan na hindi siya marahas gaya ng sinasabi ng marami. They judged him easily based on what they physically see. But they didn't dig down deeper to know him well, to know his heart
"Bye guys, alis muna ako ah? Mauna na kayong umuwi. Mwah!" I gave them a goodbye kiss before heading to my boyfriend's office. So what kung inaangkin ko na siyang boyfriend ko?
He told me that Collin and him is not in a relationship, so pwede akong maging girlfriend niya, and besides single naman kami pareho
I took a picture of myself before posting it on my instagram. Nakamake up pa ako para fresh akong haharap sa gwapo kong daddy. I captioned it, 'Feeling excited'
Hindi mawala wala ang kilig ko habang tinatahak ang papunta sa office niya. Nang makarating ako ay saka ako huminga ng malalim bago kumatok.
Hindi kagaya ng ibang mga opisina dito na puro glass walls, ang opisina ng mga propesor ay sobrang sarado at halos hindi makita sa loob. Idagdag pa na sobrang dilim, para bang ayaw nilang makisalamuha sa kahit na sino
Hinanda ko na ang pinakamaganda kong ngiti. Alam kong siya lang mag isa sa loob dahil wala ang mga kasama niya tuwing ganitong oras
Nabura ang ngiti sa labi ko at napalitan ng hilaw na ngiti nang makita kong sino ang bumukas ng pintuan. It was Professor Cavalcante
"Yes Miss Fernandez?" Nakaramdam ako ng takot nang marinig ang pinakamalamig niyang boses habang walang emosyon na nakatitig sakin
"U-uhm. G-good afternoon po" I don't know what to say. Nakakahiya naman sabihin sakanya. Nakaramdam ako ng kaba
"Come in" mahinang tinulak ng propesor ang pintuan para doon ako dumaan papasok. Nanatili siyang nakatitig sakin at hinihintay akong pumasok
Napaiwas agad ako ng tingin at napayuko. Just like other students, I also don't feel comfortable whenever he's around. Malalim siya makatitig, nakakapangilag ang asul niyang mga mata na para bang kapag tumingin ka ay gusto mo nalang aminin lahat ng kasalanan mo sa harapan niya

BINABASA MO ANG
Ivanov's Addiction
عاطفية"Keep running baby. If ever I caught you, I will punish you so hard until you beg" -Xian Andrew Ivanov PHOTO NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHFUL OWNER. SOURCE: PINTEREST