ADDICTION XXVIII
Sino ang babaeng kasama niya? Bakit may kasama siya?
Nanatili lang akong nakatitig sakanilang dalawa habang pareho silang binabati ng mga maids at iilang guards papasok. Nakahawak sa braso ni Xian ang babae
"Señor, magandang araw po" napatingin sa amin sina Xian nang marinig ang boses ng mayordoma. Natigilan siya lalo nang makita ako
Napalunok siya bago agad na inalis ang braso ng babae sa pagkakahawak sakanya at lumapit sakin. "Sweetie...." Ngumiti siya sakin saka ako hinalikan sa noo saka niyakap ng mahigpit
Lahat ng tampo at inis ko ay naglaho bigla dahil sa pagyakap niya lang sakin. Matagal niya ako bago binitawan
"Let's go to your room, I miss you very much" malambing niyang saad saka ako hinila papaalis peri natigilan kami nang magsalita ang kasama niya
"X-xian, where are you going?" Napatitig ako sa babae na ngayon ay nalilitong nakatitig sa aming dalawa
"Manang, give her what she wants" seryosong utos ni Xian sa matanda na ikinatango nito
"What? Will you going to just left me here?! You can't do this to me. Your dad told you to accompany me--
"Shut up and get a life, Yeshiva. I'm not interested in you. And besides, mahiya ka naman. My wife's there" malamig niyang saad sa babaeng nagngangalang Yeshiva. Oh, so this girl is Yeshiva, yung babaeng nabanggit nina Prof Montero
Hindi makapaniwalang nakatingin sa amin ang babae at dumako ang mata nito sa akin. Nginitian ko ito saka tinalikuran kasama si Xian.
Pumasok kami sa kwarto ko. Hinila niya ako saka niyakap at humiga kaming dalawa sa kama. Inayos niya ang comforter saka ibinalot sa mga katawan namin
"Xian saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko dala ng kuryosidad. Nagmulat siya ng mga mata at tumitig sakin. Nakikita ko ang pagod sa magaganda niyang mata pero nagawa niya pa rin ngumiti
"I'm sorry for not informing you about my sudden flight to Russia. I thought it's an underground meeting but it's not. There's a letter coming from Russia. My father wants to see me" saad niya na ikinatahimik ko. Kaya pala nawala siya ng ilang araw
"I want to send some emails or messages to my mens who's assigned here but I realized there's no connection. It's a sudden. I thought I'd be there for just one or two days but my dad didn't allow me to get back there not until I agreed to what he wanted" nilingon ko siya na ngayon ay nakapikit na ulit
"Ano ba ang gusto niya?" Narinig ko ang paghinga niya ng malalim bago sumagot
"Don't worry about it, it won't happen. Hindi naman ako papayag sa gusto niyang mangyari" gusto ko pa sanang magtanong pero naramdaman ko na pagod si Xian
Hinayaan ko nalang siya hanggang sa nakatulog siya habang nakayakap sa akin. Nang masiguro kong tulog na siya ay agad akong bumangon para bihisan siya. Napansin ko na ang suot niya nung umalis siya ay iyon din ang suot niya nang umuwi
Kumuha ako ng mabango at komportableng damit saka shorts na rin. Bumalik ako sa kama at hinubad ang suot niyang damit nang matigilan ako. Ang dami niyang pasa. Nangingitim na at ang ilan ay kulay lila
Napatakip ako sa bibig dahil puno ng pasa at iilang sugat ang likuran niya. May mga bendahe na pero alam kong presko pa ang dugo. Anong nangyari sakanya? Bakit siya nagkaganito? Saan ba talaga siya nagpunta? Nakuha niya ba toh nung umalis siya ng bansa?
Sinuotan ko siya ng damit at agad na kumuha ng gamot para sa mga pasa niya. Buti nalang at hindi siya nagising pero ramdam ko na nasasaktan siya kapag pinapahiran ko ng gamot pero hindi naman siya nagising ng tuluyan

BINABASA MO ANG
Ivanov's Addiction
Romance"Keep running baby. If ever I caught you, I will punish you so hard until you beg" -Xian Andrew Ivanov PHOTO NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHFUL OWNER. SOURCE: PINTEREST