ADDICTION X

998 22 0
                                    

ADDICTION X

"Wake up sweetie" isang malambing na boses ang gumising sa diwa ko. Napaubo at napasinghot ako pagkatapos ng masamang panaginip

Nang imulat ko ang mga mata ko, tumabad sa harapan ko ang napakagwapong mukha ni Prof Xian. Nag aalala habang hinahaplos ang mukha ko

Sandali akong napatitig sakanya at ang mabigat kong dibdib ay unti unting kumalma habang nakatitig ako sakanya. "Nightmares?" Mahinang tanong niya habang matamang nakatitig sakin at marahang hinahaplos ang pisngi ko

Napaiwas ako ng tingin at hindi tumitig sakanya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako umiiyak gaya ng dati kapag nananaginip ako ng masama, siguro kase may kasama ako

"S-si Kira. Baka umuwi na siya" mahina kong saad at agad na bumangon. Napatingin ako sa katabi ko at nakitang nakahubad siya ng damit habang sinusundan ako ng tingin

"I prepared some dinner for you, your twin sister is at the kitchen" nanlaki ang mga mata ko at napatitig sakanya

"Yeah, she saw me. Don't worry, nagpaliwanag naman na ako" balewala niyang saad at kinuha ang mga damit

"Your luggage is also prepared, eat you dinner so we can leave after" naguluhan ako sa sinabi niya. Gusto kong magtanong pero di ko magawa. Nakita niya siguro ang nagtatanong kong mga mata

"Your sister and I talked about this. Pumayag siya. You can now live with me" saad niya saka ako hinalikan sa noo at agad na iniwan

Napangiwi ako dahil sa sakit ng katawan ko pero pinili ko paring bumangon. Naligo at nagbihis ako. Kailangan ko makausap ang kapatid ko. Akala ko ba ayaw niya akong umalis?

Nang bumaba ako sa sala ay naabutan ko silang dalawa na masinsinan na nag uusap

"Just make sure nothing will happened to my sister or else" nakita ko ang nagbabantang tingin ng kakambal ko. Nakatalikod si Prof Ivanov sa gawi ko kaya hindi ko nakita ang reaksyon niya

"Don't worry little rascal, she's safe with me. From now on, I'll be her guardian" awtomatikong napahinto ako dahil sa narinig

"I will also be her tutor so that she'll be good at school" nagulat ako nang tumingin siya sakin. Napatikhim ako at hilaw na ngumiti dahil sa sinabi ni Prof

"Yeah. Iyon po siguro ang dapat niyong gawin, pasensya na po. Bagsakin talaga ang kapatid ko na iyan" balewalang saad ni Kira. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sakanya

Nawalan ng emosyon ang mukha ko at sandaling napaisip. I should've avoid this man. Oo at gusto ko siya pero hindi iyon sapat para manatili itong kahibangan ko sakanya. He has a girlfriend

"Pasensya na pero hindi ako sasama" ikli kong sagot at agad na lumapit sa gawi nila saka kumuha ng maiinom. I felt their gazes towards me but I didn't mind to look at them

"Salamat nalang po sa alok niyo pero hindi po ako sasama" kung dati ay halos mangisay ako sa kilig dahil nandito siya at napapansin ako, ngayon naman ay ayoko na. Nawalan ako ng gana

"If that's what you want then okay" malamig na sagot ni Prof Xian at agad na inayos ang sarili niya

"I gotta go, thanks for the day sweetie" saad niya saka nilapitan ako at binigyan ng isang halik sa pisngi na ikinagulat ko

Napatingin ako kay Kira na ngayon ay walang emosyon lang na nakatitig sakin. Tulala ako hanggang sa umalis na ang sasakyan niya at naiwan kaming dalawa

"I bet you'll be in trouble now Mira. Wish granted" ramdam ko ang pagkasarkastiko sa boses ng kapatid ko

"Ayoko na sakanya" nakita kong napangisi ang kapatid ko

"Why so sudden? Dati naman ay kinikilig ka kapag nandiyan siya. Why change?" Alam kong aasarin lang ako ng kapatid ko kaya naman ay nag iwas nalang ako ng tingin at hinayaan siya

"What was that kiss? And why is he in your room? I bet you two did something---

"Kira, alam kong matalino ka pero nakakairita pagiging tsismosa mo" inirapan niya ako

"Why? Don't worry, I will still support your delusions" hindi ko siya sinagot at nagpatuloy nalang sa ginagawa. I should have stay away from Prof Xian. I should stay away for good

Isang linggo ang lumipas bago ako nakabalik sa klase. Buti nalang at hindi masyadong napag uusapan sa school ang ginawa kong gulo noong nakaraan. Mukha namang Wala silang pakialam sakin. Sino ba naman ako para alalahanin nila? I'm just a scholar here

"Oh, kumusta ka na?" Napangiti ako sa tanong ni Calleiah sakin

"Okay na ko bes, laban parin hanggang dulo" kinindatan ko siya dahilan para matawa siya. Kumunot ang noo ko nang makita ang pulang marka na nasa bandang leeg niya. Is that a hickey?

"Anong nangyari sa leeg mo?" Gulat naman siyang hinawakan iyon at dali daling tinakpan iyon saka nag aalangang ngumiti sakin

"W-wala to. Kagat lang yata ng lamok" sandali akong napatitig sakanya. Is she also molested like me? Winaglit ko nalang iyon sa isipan ko. Huwag naman sanang mangyari kay Calleiah ang mga nararanasan ko. Hindi niya deserve na mangyari ang katulad sakin

"Halika, recess na tayo. Ang dami kong na miss sa school!" I tried myself to act jolly para hindi siya mailang. Alam ko na nag iisip siya ngayon kung anong iniisip ko. Sasabihin naman niya siguro ang totoong nangyari kapag handa na siya. At bilang kaibigan, handa akong makinig kahit ano at kahit gaano pa katagal

Naglakad na kami papunta sa canteen at doon na kumain. Buti nalang at hindi ko na encounter ngayon ang grupo ni Collin.

"Laban daw ng Viper Kings at Venomous group mamaya sa underground. Manonood ba kayo?" Natigil ako sa pagkain nang marinig ang pinag uusapan ng grupo ng magkakaibigan

"Oo naman siyempre. Pupusta din ako" parang bigla akong na excite sa iisiping makakapanood ako ng laban sa underground.

Pinagbabawal ang panonood lalo na kung estudyante, pero nagagawa ko namang makapuslit. Gusto ko panoorin ulit kung paano makipaglaban si Prof Ivanov. Lingid sa kaalaman ng lahat, totoo ang Viper Kings fraternity, samahan ng mga mararahas at makapangyarihang tao na umaaktong namumuhay kasama ng mga normal na tao o mga sibilyan

Iilan lang ang nakapagpatunay na totoo sila. At Isa na ako doon dahil ako mismo ay nandoon ng isang paglalaban na hindi ko makakalimutan. Doon ko nakita kung paano makipaglaban si Prof Ivanov. At doon din nagsimula ang pagkainteresado ko sakanya

Dati gustong gusto kong mapalapit sakanya, peto ngayon na unti unti na niya ako napapansin ay parang may nagtulak at bumubulong sakin na layuan siya. Parang pakiramdam ko ay may mali kapag kasama ko siya

Napatitig ako sa tattoo na nakaukit sa singit ko. Napaharap ako sa salamin habang hinihimas iyon. Parang naging parte na iyon ng buhay ko "XAI"

Pagbasa ko sa nakaukit. Maganda ang pagkakaukit nun, at kahit na parte iyon ng masamang bangungot sa buhay ko ay hindi ko parin maiwasang mamangha sa obrang nasa balat ko. Sinubukan kong hanapin ang sagot kung ano ang ibig sabihin nito pero bigo ako. Maraming katanungan ang gusto kong masagot

Maya maya lang ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakatanggap ng text ng kung sino

'That tattoo suits your beautiful groin baby, it's beautiful isn't it?'

Halos manginig ako sa nabasa. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at agad na inayos ang sarili ko. Is he looking at me right now? Hindi ko alam pero ang takot ko ay bumalik

'I'm watching every move you make baby, so you better behave'

Agad ko itong tinawagan. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang hinihintay itong sumagot

"H-hello?" I know this man is my r*pist. The one who took me first

"Hello pretty, how are you?" Malamig niyang tanong na ikinataas ng balahibo ko sa katawan

"P-pinapanood mo ba ako?" Nanginginig kong tanong sakanya. Narinig ko ang mahina niyang tawa

"Yes, I've been watching you for almost a year now. Can't you feel me?" Halos manghina ang tuhod ko. Akala ko ay wala na siya, akala ko ay tinigilan na niya ako pero hindi pa pala.

Bumalik siya. Bumalik siya at iyon ang bagay na ikinatakot ko

Ivanov's AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon