ADDICTION XVI
Kanina pa ako kinikilig habang magkahawak kamay kaming dalawa ni Prof Xian. I can feel the continuous heartbeat of my heart. Parang aalis na sa dibdib ko
Kanina pa siya sinusundan ng tingin ng mga babae sa daan na ikinairita ko pero nang maramdaman ang pagpisil minsan ng kamay niya ay kumakalma ako
I can feel his soft and calloused hands that's invading over mine. Para lang akong batang paslit na nakasunod sakanya
Kanina pa nagkabanggaan ang mga balikat namin. Naaamoy ko ang mabango niyang amoy na mas nakakadagdag sa kilig kong nadarama
"What do you want?" Natauhan ako mula sa pagpapantasya nang magsalita siya.
Napanganga ako nang nakapasok na pala kami sa isang maliit pero napakamahal na restaurant.
Para lang itong coffee shop dahil sa liit at hindi aakalain na restaurant ang loob. Napatingin ako sa menu at halos mapangiwi at umatras nang makita ang presyo nito.
Para akong nahilo. May isang pagkain pa na halos kasing presyo lang ng tuition fee ko
"A-ah, tubig nalang po" ang tanging nasabi ko pero kumunot lang ang noo ng gwapong kasama ko
"Y-yung parehas nalang po sa inyo Prof" sabi ko sakanya. Tumango siya at nagtawag ng waiter.
Lumabas ang isang lalaking waiter habang nakangiti sa amin
"Hi ma'am, sir, good afternoon! May I have your order?" Magiliw na tanong nito. Sinabi ni Prof ang order namin
Ngumiti sakin ang waiter kaya ginantihan ko rin ito. "Stop smiling at him" malamig na saad ni Prof dahilan para matigilan ako. Tumikhim ako at nagtingin tingin nalang sa labas.
Glass wall at kitang kita ang view sa labas. Pero napapansin ko na hindi Ito kita sa loob. Nakaramdam ako ng ilang lalo na at kami lang dalawa.
Tumingin ako kay Prof na ngayon ay nakatitig din sakin. Yung titig niya na hindi naman nakakatakot. Iyong normal na titig lang
Gandang ganda siguro siya sakin noh? Pasimple kong inipit ang iilang hibla ng buhok ko para naman mas mabigyan siya ng pagkakataon na mas matitigan ang ganda ko
"P-prof..." Hindi ko na talaga kaya. Mukhang wala siyang balak magsalita at mukhang ayos lang sakanya na tumitig sakin
"Xian.... I want to call me by my name, Mira. From now on, I don't want you to call me Prof, or sir whenever we're outside the campus. Got it?" Tumango ako dahil mukhang humahaba na ang salitang nasasabi niya
"E-ehem! X-xian..." Nakita kong kumurba ang ngisi niya nang marinig ang nauutal kong boses habang binibigkas ang pangalan niya. Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya. Bakit parang inuungol ko iyong pangalan niya?
"Yes baby?" Napanganga ako habang pilit na itinatago ang pag iinit ng pisngi. Shuta
"B-bakit ang init dito?" Pinaypayan ko ang sarili ko habang nagrereklamo. "Sobrang init naman. Wala ba silang aircon?"
"Baby it's too cold in here, may rason siguro kung bakit nag iinit ka" halos masamid ako dahil sa sinabi niya at hindi na tuloy makatingin sakanya
"Mira...." Todo iwas na tuloy ako ng tingin sakanya kahit na ramdam ko ang titig niya
"Why don't you look at me in the eyes? Akala ko ba gusto mo ko?" Hindi pa ba siya titigil? Kanina pa siya nang aasar eh
"O-opo"
"Then look at me. I'm here Mira, you can start asking me questions. Kahit ano" napakurap ako pero nagawa pa ring magtanong
"X-xian...." Nag aalangan akong itanong Ito sakanya. Pero kailangan ko magtanong
"May naging girlfriend ka na ba noon?" Nanatili siyang nakatitig sakin pero ngayon ay nagawa ko iyong pantayan
"I didn't" halos magtalon talon ako sa kilig pero pinigilan ko. Totoo kaya?
"S-sa gwapo mo pong iyan? Wala talaga? Sure?" Paninigurado ko. Imbes na sagutin ako ay isang ngisi lang ang pinakawalan niya bago lumingon nang dumating na ang waiter
"Here's your order ma'am, sir. Enjoy!" Ngiti ng waiter at agad kaming iniwan. Tiningnan ko ang pagkain ngayon sa harapan ko.
Kinain ko iyon at napangiwi sa lasa. Hindi gaanong masarap para sakin. Napatingin ako kay Xian pero normal lang siyang kumakain at parang masarap talaga ito para sakanya
"A-anong pangalan nito?" Tanong ko habang tinitigan ang pagkain sa harapan ko na hindi naman masarap.
Mas masarap pa magluto si Calleiah nito eh. Mas masisikmura ko kainin iyon kaysa dito
"It's called Pelmeni, a Russian's unofficial national dish. Isn't it delicious?" Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Delicious daw? Eh halos di ko malunok
"Some russian foods are very unpleasant to eat. Maybe you're not use to it" saad niya nang makita na hindi ko nagalaw ang pagkain ko. Bigla naman akong nakonsensya
Hinanap ko ang pangalan na Pelmeni sa menu at halos lumuwa ang mata ko nang makitang napakamahal nito
"B-bakit ang mahal naman yata?" Gulat kong tanong sakanya nang makita ang presyo
It cost 23,000 pesos. Hindi pa ito nakakalahati sa sweldo ko. Malapit nang nagka presyo lang ng tuition fee ko
"Sobrang mahal naman. Magka presyo lang ng tuition fee ko, tsaka hindi pa nakakalahati sa sweldo ko" mahina kong reklamo
"It's because this food is very special. Speaking of your tuition fees, I already payed it all just what I said before" napatango ako nang maalala iyon. Napag usapan pa namin ni Kira at sinabi pa niyang gagawa siya ng paraan para mabayaran iyon
Ayaw na ayaw niya kay Prof Ivanov noon pa man. "S-salamat po... Promise, babayaran ko po iyon" saad ko sakanya
"I only accept one thing in return, Mira" nagtatanong ko siyang tiningnan. Marahan niyang pinunasan ng table napkin ang bibig niya bago nagsalita
"Just live with me, and you'll be paid" malungkot ko siyang tinitigan
"P-pero po kase si Kira, papaano po ang kapatid ko? Mag isa nalang siya" natahimik siya saka nag iwas ng tingin
"I-i think we can talk to her about that matter. I badly want you to live with me Mira" hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. May nakita akong pangamba sa mga mata niya
Bakit ganun nalang siya ka desperada na tumira ako kasama siya?
"Pwede po bang bigyan niyo ako ng rason para tumira ako kasama kayo?" Nakita ko ang pagkabalisa ng kilos niya. Naglilikot din ang mga mata niya na para bang iniisip kung dapat ba niyang sagutin ang tanong ko
"B-because I want to...." Mas lalong kumunot ang noo ko sa naging sagot niya
"You know, I really like you back then. I keep of taking a glance when you're not looking. And I thought just like other students you're also scared of me that's why I didn't have the courage to get closer to you" napahinga siya ng malalim
"But then I became happy when you confessed to me during the mocking fight, that give me some hope that maybe.... Even by doing this things I can protect you" naging mahina ang boses niya nang sabihin ang huling pangungusap
He gave me a faint smile and utter a word I didn't even understand
"Baka kung sakaling gawin ko ito, mabawasan ang galit mo sakin kapag nalaman mo na ang totoo"

BINABASA MO ANG
Ivanov's Addiction
Romance"Keep running baby. If ever I caught you, I will punish you so hard until you beg" -Xian Andrew Ivanov PHOTO NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHFUL OWNER. SOURCE: PINTEREST