ADDICTION XVIII
"X-xian, tutulungan mo naman ako di ba?" Nakita ko kung paano siya matigilan at hindi makaimik agad dahil sa pabor ko
Napakurap siya at ngumiti sakin ngunit alam kong pilit. "Y-yes. Sure" nag iwas siya ng tingin sakin pero ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa mga kamay ko
"What do you want me to do then?" Ngumiti ako sakanya
"Hindi ko pa alam. Ang gusto ko lang ay managot siya sa batas at pagdusahan lahat ng mga kasalanan niya sa kulungan. Xian...." Hinawakan ko ang mga kamay niya
Sandali kaming nagkatitigan. "P-please tulungan mo ko. Ikaw nalang ang natitira kong pag asa para malaman kung sino ang pumatay sa mga magulang ko"
Kita ko sa mga mata niya ang pag aalangan pero nang makitang determinado ako ay ngumiti siya. "
"Sure. I'll help you. But I won't promise that it'll be easy" tumango ako. Naiintindihan ko. Kahit mga pulis ay hindi naresolba ang kaso simula pa noon kaya napabayaan hanggang sa nasara at nakalimutan
Alam kong siya lang ang tanging makakatulong sakin dahil sa lakas ng impluwensya niya sa loob ng underground. Umaasa ako na sa tulong niya ay mahanap ko na ang pumatay sa mga magulang ko
"Salamat Xian" niyakap ko siya ng napakahigpit dahilan para matigilan siya, pero kalaunan ay niyakap ako pabalik
"Ikaw naman, magkwento ka naman sa pamilya mo" pangungulit ko sakanya. Sinubukan kong pagaanin ang paligid dahil ramdam ko na naging tahimik siya
"I don't consider anyone as a family, except my fraternity brothers. And they are Gavin, Brent, and Drax" malamig niyang sagot. Nagtaka ako
"How about your real family?" Malamig niya lang akong tinapunan ng tingin
"Make it specific, baby. There are many types of families" napatitig ako sakanya at napaiwas ng tingin dahil sa tinawag niya sakin
"I-i mean, magulang.... Yung mama tsaka papa mo, mga kapatid ganun" narinig ko ang sarkastiko pero mapait niyang tawa
"I don't have a family like that" saad niya. Sandali akong hindi makapagsalita at nakatitig lang sakanya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot
Broken family siguro sila. Hiwalay siguro ang mommy at daddy niya
"Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa mga magulang mo pero alam mo Xian, palagi mong tatandaan na mahal tayo ng parents natin. Kahit hiwalay na sila at hindi na nagkakaintindihan, mahal pa rin nila tayo" imbes na sumang ayon ay maiksi lang siyang tumawa
Natigilan ako sa uri ng tawa niya. Iyong tawa na may dalang sakit at hinanakit. "I don't need their love. Even if they died I don't care about them" Kita ko ang galit sa mga mata niya na mas lalong ikinatigil at ikinagulat ko
Napaiwas siya ng tingin at nakita kong napakuyom siya ng kamao. I can feel that he is in pain. But I don't know what to do. I'm the one who opened the topic
"I may have a biological father and mother. But for me they're both a waste. A trash in this world" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya
"Hoy! Wag ka naman ganyan sa parents mo, bibig mo talaga!" Niyugyog ko siya at hinampas ng mahina. Hindi naman siya natinag at nanatiling seryoso
"Not all kids like you are loved by their parents. Parents might be the foundation for everything but not everyone has given an opportunity to be loved by them. May naging magulang lang dahil sa pagiging burara at makasalanan"
BINABASA MO ANG
Ivanov's Addiction
Storie d'amore"Keep running baby. If ever I caught you, I will punish you so hard until you beg" -Xian Andrew Ivanov PHOTO NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHFUL OWNER. SOURCE: PINTEREST
