ADDICTION V

343 12 0
                                    

ADDICTION V

"He graduated Magna Cum Laude from Harvard University with the course Biomedical engineering, took up his masters and doctors degree at MSU, the number one ranked University in Russia with the course Business Administration, and studied in Universidad Compultense de Madrid in Spain taking Engineering and he's a Magna Cum Laude when he graduated"

Napanganga ako dahil sa sinabi ni Kira sakin. Hindi ko pa maproseso sa utak ko ang mga impormasyong nalaman

"Ang talino pala niya" Wala sa sarili kong Saad. Hindi lang ako makapaniwala. Nahiya ako na hindi sineryoso masyado ang pag aaral samantalang siya ay kung ano anong kurso ang kinukuha at sa ibang bansa pa nag aaral

"At ikaw bobo. Kaya para sakin hindi kayo bagay" napangiwi ako sa sinabi ng kapatid ko. Kahit kailan talaga ang harsh nito pagdating sakin

"Okay lang yan, bagay naman kaming dalawa" ngumiti ako at binuksan ang cellphone ko. Bumungad sakin ang mukha ni Prof na seryoso pero sobrang gwapo

"Stop it Mira" napatingin ako kay Kira dahil sa sita nito sakin

"What?" Inosente ang ibinato kong tingin sakanya

"You look like an obsessed b*tch who's stalking a guy 24/7. You're so creepy" nakangiwi nitong saad at tinitigan ako na parang weird

"I'm not obsessed, I'm just admiring him. I'm a fan and he's my crush" saad ko. Napailing nalang si Kira

"You need to see a therapist. Kailangan mo yun, lumalala ang pagiging delulu mo" mataray nitong saad

"Kung si Prof Ivanov lang sana ang magiging therapist ko, magpapagamot ako kahit wala akong sakit sa utak. I can act like a sick one for him" biro ko. Marahas namang napabuga ng hangin si Kira at inirapan ako bago iwan

Hindi talaga kami magkakasundo ng kakambal ko. Ito naman kase, sobrang seryoso. Buti pa si Calleiah, kahit di kami magkaugali tinotolerate naman ang pagiging gaga ko at sinusuportahan pa ako





"Si Prof Ivanov oh" napalingon ako sa binanggit ni Calleiah. Napatingin ako doon at nakita si Prof Ivanov na seryoso habang kausap sina Prof Alvaro

"Ano pang hinihintay mo?" Tanong ni Calleiah sakin habang nanunukso ang tingin

"Bigyan mo siya ng cupcakes. Malay mo di ba magustuhan niya" napangiti ako sa sinabi ng kaibigan ko. Tahimik naman si Kira habang nakatingin lang sa aming dalawa. Hindi nakikisali

Kumuha ako ng walong cupcakes, para ibigay iyon sakanya. Kinakabahan man ay nagawa ko pa ring ngumiti saka lumapit sa gawi nila.

Unang nakapansin si Prof Alvaro sa akin. Seryoso siya at bumaba pa ang tingin sa hawak kong mga cupcakes na naka box. Actually, business ko ito pero libre na para sakanila

"Cupcakes huh?" Ngumisi ang gwapong propesor sakin at binigyan ako ng daan para makalapit pa sakanila

"Hey man, someone's here" mahina at malamig na untag ni Prof Alvaro dahilan para mapatingin si Prof Ivanov sa akin maging ang iba pa niyang kasama

"Good afternoon po, para po pala sa inyo" nanginginig na ang kamay ko at kinakabahan ako nang iabot ko iyon sakanya. Nakatitig siya sakin at maya maya lang ay kumunot ang noo

"I don't like sweets" para naman akong nahiya at nalungkot dahil sa sinabi niya

"Cupcakes are too sweet. But I think it's delicious" kinuha iyon ni Prof Montero at ngumiti sakin

"Thank you for this baby, I wanna taste it" ngumiti pa siya sakin at binuksan iyon pero hindi niya natuloy dahil hinablot iyon ni Prof Ivanov

"That's not for you" malamig niyang saad at tumingin sakin saka hinawakan ang pulsuhan ko. Para akong hihimatayin sa kilig dahil sa ginawa niya

"Let's go" hinila niya ako paalis habang dala ang cupcakes na binigay ko

Hindi na maawat ang malakas na kabog ng dibdib ko. Napatingin din ako sa kamay niya na nakahawak sa akin, palihim akong kinikig dahil doon

Dinala niya ako sa office niya at pinapasok.

"Don't you have a class?" Tanong niya matapos isara ang pinto at lumapit sa akin. Ganon pa rin ang kulay ng opisina niya. Halos puro itim ito

"M-mamaya pa po" may vacant kami na three hours Kaya naman sinulit ko iyon sa pagbebenta ng cupcakes at iba pang snacks sa mga kapwa ko estudyante. Kahit naman scholar kami sa University ay kailangan pa rin namin ng pagkakitaan para pandagdag allowance na din

"I heard that you're selling snacks together with your twin" Sabi nito at umupo sa upuan niya. Pinaupo niya ako sa maganda at malambot na itim na sofa sa harapan

"Opo, pandagdag allowance ko lang" sagot ko habang abalang nakatitig sakanya na ngayon ay binubuksan ang laptop niya

"Where's your parents?" Natahimik ako dahil sa tanong niya at sandaling napayuko

I'm a bit sensitive when it comes to my parents. I still can't forget how they died in front of me

"Wala na po akong mga magulang" saad ko sa mahinang boses

"Oh, sorry about that sweetie" napaangat ako ng tingin sakanya at nakita kong nakatitig siya sakin kaya naman napaiwas din agad ako ng tingin

"Do you want me to help you?" Tanong niya sakin dahilan para kumunot ang noo ko.

"Saan po?" Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya. Tumayo siya at saka lumapit sa gawi ko ng dahan dahan

Ayan na naman ang puso kong kumakabog ng malakas kapag nandiyan siya.

"You can work for me, I will pay you" saad niya. Ano namang klaseng trabaho Kaya?

"Anong trabaho po?" Sandaling napatitig siya sakin at kalaunan ay napasuklay sa maganda niyang buhok. Ahhh! Ang hot niya promise. Muntikan na akong maglaway sa hitsura niya

"Kahit ano. Ikaw ang bahala" hindi ko maiwasang mapaisip at magulat sa sinabi niya. Ano daw? Ako ang bahala? Eh hindi ko nga alam kung anong gusto niyang ipatrabaho sakin

"W-wala po akong maisip na trabaho ko sa inyo" napaigtad ako nang ayusin niya ang iilang hibla ng buhok ko na nagkalat sa mukha ko

"I notice that you're having a hard time understanding different lessons and you always failed your exams. You also got low scores" dahil doon ay napayuko ako

Sanay naman akong makatanggap ng ganung salita galing sa iba. Totoo din naman na mababa talaga ang mga scores ko at hindi ako kasing talino nina Calleiah at Kira. Nakakahiya pala kapag siya na ang nakapansin

"Do you need my help? I mean, I can tutor you, care to tell me where did you find hard and difficult, I will do my best to help you" seryoso? Lord nanaginip ba ko? Please sabihin mong hindi.

"S-sigurado po ba kayo?" Sandali niya akong tinitigan

"Ayaw mo ba?" Malalim ang boses na tanong niya. Nangilabot bigla ang balahibo ko nang maramdaman ang likuran ng mga daliri niya na pasimpleng humihimas sa leeg ko ng paulit ulit

"U-uhm, gusto po" huli na nang mapagtanto ko ang sinabi ko. Tunog malandi ako at iba din ang ibig sabihin ng sinabi ko

Nakita ko ang pasimpleng pagtawa niya dahilan para sandali ko siyang titigan

"Okay, I'll be your tutor, but in one condition" tumingin siya sakin ng seryoso dahilan para bigla akong kabahan

"Ano po iyon?" Ang huli niyang sinabi ay talagang nakapagpawala sa puso ko

"Live with me"

Ivanov's AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon