ADDICTION XXI
"Who the h*ll told the three of you to come in? You're disturbing us" malamig niyang saad. Naramdaman ko pa rin ang kamay niya sa loob ng palda ko
"Just let them. You may continue" balewalang saad ni Professor Cavalcante at nag iwas ng tingin saka umupo
Nakita ko naman ang pagngisi ng dalawa pa nilang kasama. Sina Professor Montero at Alvaro na parehong kaibigan nila
"Ituloy niyo na. Nahiya pa kayo" naiiling na saad ni Prof Montero saka ngumiti sakin
"Hello" magiliw niyang bati dahilan para mapayuko ako at nahihiyang ngumiti. Nakakahiya ang tagpo na yun kanina. Wala na akong mukhang maihaharap
Napayuko nalang ako habang tahimik lang sa gilid ni Prof.
He grabbed some chair and pull me closer that made me sit on his lap. Niyakap niya ang bewang ko pagkatapos. Nagulat ako pero hindi nagawang makapagreklamo
"Mukhang miss na miss niyo ang isa't isa ah?" Natatawang puna ni Prof Montero. Nabaling ang tingin nilang lahat sa amin
Hindi ako komportable sa mga tingin nila. Hindi naman sila mukhang nanghuhusga. Mukha nga lang nag aalangan at parang may gustong sabihin
"Are you two are in a relationship?" Malamig na tanong ni Prof Alvaro habang nakatitig samin
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Prof Ivanov sa bewang ko saka pasimpleng pinipisil ang kamay ko
"Not yet, but we're already working for it" I look at him. Naguguluhan ako. So, he's planning to be in a relationship with me? Sa iisiping iyon ay di ko maiwasang kiligin ng palihim. Pinipigilan ko lang
"Wow, I don't know if I'll be happy or.... Scared?" Narinig ko ang nakakakilabot na tawa ni Prof Montero habang nakangisi sa amin
"Well if I'm a girl, I should be. Knowing that the man who's obsessing over me is someone who's reliable from my past. It must be scary" makahulugang saad ni Prof Alvaro habang walang emosyon na nakatitig na samin
Naguguluhan ako. What does he mean?
"Stop listening to them. Just face me" bulong ni Prof Ivanov sa tenga ko. Napalunok ako at lumingon sakanya, halos isang pulgada nalang ang layo ng mukha namin
"Protect her at all cost, Xian. Don't make her involved in any other business you had in the underground. Wag mo siyang ipapahamak" malamig na paalala ni Prof Cavalcante at nagbukas ng inumin saka ibinigay sakanya
Umiling siya saka ngumisi. "I'm with my baby, I can't drink" saad niya saka nilalaro ang buhok ko.
Napailing ang mga kasamahan niya at hindu nalang kami pinansin. "Yeshiva arrived yesterday. She's looking for you" inalis ako ni Prof Ivanov sa kandungan niya bago malamig na humarap sa mga kasama
"I don't care" nanatili akong tahimik sa gilid habang sinusundan ang pag uusap nila.
Nakita kong napatingin sa akin ang tatlong Propesor. "You must hide her, you know what Yeshiva can do whenever she finds out you have a flings" paalala ni Prof Alvaro
"That b*tch must be obsessed with you. Bakit kase hindi nalang siya ang patulan mo para manahimik na? Nakakaasar na eh" napatingin ako kay Prof Xian
Sino si Yeshiva? Girlfriend niya ba? "Mira is not my fling. I'm courting her. And she can't touch her, mapapatay ko siya ng Wala sa oras kahit babae pa siya" malamig niyang asik bago lumingon sakin
Nagkatinginan kaming dalawa. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha sa akin at diretso sa leeg ko. Napatanga ako sa ginawa niya. Is he licking my neck in front of them?!
Napangiwi ako nang maramdamang pasimple niya iyong kinagat. Tumigil siya at nakangising humarap sa mga kaibigan
"If you're a true friend of mine, you already knew who I'm obsessed with. Kilala niyo na ang babaeng noon ko pa inangkin" I can hear the playfulness of his voice
Napangisi ang mga kasama niya habang tahimik naman si Prof Cavalcante. "Oo na, but make sure she won't know what you did to her before. Baka layasan ka" natigilan ako at mas lalong naguluhan.
Sino bang pinag uusapan nila? Si Yeshiva pa rin ba? Ako? O ibang babae? Parang may code sila sa pag uusap at naiintindihan nila ang ipinaparating ng isa't isa
"Let's change the topic. That's too sensitive and private" singit ni Prof Cavalcante dahilan para maiba ang usapan
Nag uusap lang sila. Tungkol sa negosyo at underground na ngayon ko lang nakompiram na totoo pala.
"Are you late?" Bulong ni Xian sa tenga ko. Medyo lasing na ang mga kasama niya. Mukhang walang balak pumasok sa mga classrooms na dapat ay tuturuan nila
Mukhang may mananamlay na mga kababaihan ngayon. "Oo, it's almost 2" sagot ko sakanya nang tingnan ko ang cellphone ko
"Do you like me that much huh?" Bulong niya nang makita ang wallpaper ko. Nahihiya akong tumango saka pinatay iyon
"Hatid na kita" nahihiya akong umiling at tumanggi saka tumayo na at kinuha ang bag
"Tsk, hayaan mo na siya umalis mag isa. Para ka namang buntot niyan eh, tinatakot mo si Miss Fernandez. Para kang stalker niya 24/7" natatawang saad ni Prof Montero habang sumigok dahil mukhang tinamaan na ng alak
"Baliw. Stalker niya naman iyan" napakunot ang noo ko nang marinig ang pinag uusapan nila.
"Xian, let her go by herself. You can now go Miss Fernandez" malamig na saad ni Prof Cavalcante na ikinatango ko
Bumusangot naman ang mukha ni Prof Ivanov habang nakahawak sa kamay ko. "Fine. But at least give me a kiss" masungit niyang utos sa akin dahilan para manlaki ang mga mata ko
Narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan niya maliban kay Prof Cavalcante na seryoso lang nakatingin sa amin. Mukhang naiirita na. Nahihiya ako. Umiling ako saka ngumiti kay Prof Ivanov. Imbes na halikan siya sa labi ay sa pisngi ko lang siya hinalikan saka agad na tumalikod at umalis
Narinig ko ang iritan nina Prof Montero at Alvaro. "Naks! Hindi na naman siya makakatulog ngayong gabi!"
"Gagapangin na naman niya yan panigurado" napangiwi ako dahil halatang lasing na ang dalawa. Binalewala ko nalang iyon at nagpatuloy nalang sa paglabas
Kumaway ako kay Prof Xian paalis at ngumiti. Ang cute niya habang nakatingin sakin paalis. Para siyang bata na nakatingin sa nanay habang paalis
Nang isarado ko ang pinto ay napahinga muna ako ng malalim bago inayos ang buhok ko. Naglakad na ako pero hindi pa ako nakakalayo nang makita na humarang si Collin.
Natigilan ako nang makita ang mukha niya. Galit na galit. Pansin ko na umiiyak siya dahil namumula ang mga mata. Natigilan ako nang makitang may kasama siyang isang lalaki
Ito yung lalaki kanina sa coffee shop. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sakin
"You're such a b*tch for flirting with my boyfriend!" Malakas niyang sigaw bago hinablot ang buhok ko na ikinasigaw ko dahil sa sakit

BINABASA MO ANG
Ivanov's Addiction
Romansa"Keep running baby. If ever I caught you, I will punish you so hard until you beg" -Xian Andrew Ivanov PHOTO NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHFUL OWNER. SOURCE: PINTEREST