ADDICTION XXIV
Nagulat at natulala ako. Sino bang hindi? "A-ano ba. Bitaw nga" mahina kong saway pero hinihila naman siya papalapit sa katawan ko. Teka! Bakit ko ba ginagawa ito? Siguro kase mabango siya
Pero hindi dapat ako magpadala! Galit ako! Inalis ko ang pagkakayakap niya sakin saka agad na naglakad papaalis, pero dahil dakilang mapilit ang lalaking kasama ko, agad ako nitong hinila pabalik at pinigilan.
"Please baby, I'm begging you.... Mira talk to me please, forgive me please...." Napasinghap ako at agad na sinampal siya pero hindi niya iyon ininda
"How dare you sabotage me! How dare you abused me! Dapat kang makulong! At ayoko na makita ang pagmumukha mo, umalis ka na and don't bother me anymore dahil kung ano mang meron tayo, o kung meron man, wala na iyon period!" Nangangalaiti kong sampal sa pagmumukha niya
Hindi niya nagustuhan ang narinig, kitang kita sa reaksyon niya
"You can't do this to me, Mira. You can't leave me, not yet" seryoso niyang saad at agad akong kinarga dahilan para mapatili at magpumiglas
"Xian ano ba?! Ibaba mo ko!" Sigaw ko pero hindi siya nakinig at dire diretso lang na naglakad
Marahas na binuksan nito ang passenger seat bago ako dahan dahan inilapag doon. Nilagay niya ang seat belt at akmang sisigawan ko siya nang makitang sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa.
"May sasabihin ka?" Mahina niyang tanong dahilan para matigalgal ako. Lord, ang gwapo ng nasa harapan ko, baka naman kung pwede christmas gift mo nalang
Napakurap ako nang pisilin nito ang pisngi ko saka ngumiti. Sinarado niya ang pinto bago umikot para makasakay sa driver's seat. Tulala ako at hindi makaimik. Doon lang ako natauhan nang maramdaman ang pag andar ng kotse niya
"Ibaba mo ko" utos ko sakanya nang makabawi pero hindi siya nakinig. Galit ko siyang tiningnan pero parang nanghina lang ako nang malapitan kong makita ang gwapo niyang mukha
Bakit ang unfair? Gusto ko din naman magalit pero kapag nakatitig na siya sakin at pag natitigan ko na siya parang natutunaw ang malaking pader na bumabalakid sa galit kong puso
"Am I handsome?" Napakurap ako at sinamaan siya ng tingin. Nakangisi pa ang loko. Inis na hinampas ko siya sa balikat
"Itigil mo ang sasakyan Xian, bababa ako!" Utos ko ulit sakanya.
"No, not yet. Hindi ka aalis hangga't hindi tayo nagkakaayos. Ayusin muna natin toh Mira. Please" seryoso at mahinahon niyang pakiusap sakin dahilan para maguluhan ako
Why does he sounded like my boyfriend? Hindi ako nagtatampo sakanya dahil nagagalit ako sa ginawa niya
"You sounded like my boyfriend. Wala naman tayong relasyon" napaiwas ako ng tingin.
"I am. I can't wait to see your reaction on what am I really to you. Mas higit pa roon ang kung anong papel ko sa buhay mo, Mira. Pinagbigyan lang kita noon sa pakiusap mo, pero ngayon ako naman" naguguluhan ko siyang tinitigan. Ano?
"Ibalik mo ko samin, saan mo ba ko dadalhin?! This is kidnapping!" Sigaw ko pero hindi ako pinakinggan ng kasama ko
"Bahala ka kung anong tingin mo dito. Kidnapping or what, I don't care all I care about is you!" Pabalik niyang sagot sakin dahilan para matulala ako at hindi makasagot.
Napagod na rin ako kakasalita dahilan para tumigil nalang ako at hinayaan siya kung saan ako dalhin. Kumunot ang noo ko nang dumaan ang kotse niya sa isang liblib at madahong lugar
"W-what are we doing here?" Taka at natatakot kong tanong sakanya. I look outside, the place was covered with different green leaves. Tumingin ako sa unahan at nakitang tumatakbo ang sinasakyan namin sa isang kalsada na nasa gitna ng matago at tahimik na gubat

BINABASA MO ANG
Ivanov's Addiction
Romance"Keep running baby. If ever I caught you, I will punish you so hard until you beg" -Xian Andrew Ivanov PHOTO NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHFUL OWNER. SOURCE: PINTEREST