ADDICTION II
Nakangiti ako habang nagliligpit ng mga gamit. Kahit na excited ay hindi maiwasang manginig ng dalawang tuhod ko at hindi ko maiwasang mangamba at makaramdam ng konting takot
Siguro dahil sa presensya ni Prof Ivanov. Kilala siya sa pagiging marahas. Marami din namang bumagsak sa subject niya especially sa exams at lahat ng iyon ay nagtitino pagkatapos kausapin niya
Ano kayang ginawa niya?
"Mira, pwede namang hindi mo nalang siya siputin" alinlangan ang mukha ng kapatid ko habang nag aalala naman si Calleiah
"Chance ko na toh na malapitan si Prof" pabiro kong ngisi dahilan para batukan ako nito
"Ito naman, para namang kakainin ako ni Prof Ivanov. Kung makaasta ka, pero okay na rin na kainin niya ko, masarap naman ako" nakatanggap ulit ako ng pangalawang batok mula sakanya
"Lumabas kang walang galos at walang katiting na sugat mula sa opisina niya, kapag hindi, baka mapatay ko yang propesor na yan" galit na saad ni Kira na ikinairap ko. Over reacting siya
"Alis na ko. Mauna nalang kayo sa canteen, after ko suyuin ang asawa ko susunod ako" natawa ako dahil sa pinagsasasabi ko. Siraulo na talaga ako, minsan talaga iniisip ko na baka obsessed na ako kay Prof, biruin mo na bago ako matulog ay nag iimagine ako na katabi ko siya at kayakap? Meron pang malalaswang imaginations ko sa isipan kasama siya. Hindi na maganda toh. Pinagnanasaan ko na siya
Kumatok ako ng tatlong beses sa opisina niya. Napatingin ako sa kamay kong nanginginig at pawis na pawis habang kinakatok ang pintuan. Ramdam ko rin ang napakalakas na kabog ng dibdib ko dahil sa takot.
May naramdaman naman akong excitement pero siyempre mas lamang talaga ang kaba
Bumukas ang pintuan at nakita ko ang isang nakasalamin na lalaki sa loob. Estudyante rin siya dahil parehas kami ng uniform
"Pasok ka na. Inaantay ka na ni Prof" walang bakas na emosyon sa mukha niya. Pero maamo ang boses
Bago siya tuluyang lumabas ay tinititigan niya muna ako bago siya nagpakawala ng makahulugang ngisi at iniwan ako. Natulala ako at napakunot ng noo. Naka high ba Yun?
Pumasok ako sa loob at bumungad sakin ang madilim pero magandang ambiance ng opisina. Malamig sa loob dahil sa sobrang lakas ng aircon, pero hindi man lang natuyo ang pawis sa mga palad ko
"Lock the doors, sweetie and come here" awtomatikong napalingon ako nang marinig ang malamig na boses
Natulala ako nang makita si Prof Ivanov na nasa may di kalayuan. Nakasandal siya sa dingding malapit sa table niya habang humihithit ng sigarilyo
Mariin siyang nakatitig sakin. Mas lalo akong natulala nang ngumisi siya dahilan para mapaiwas ako ng tingin at mahiya. Shuta, natulala ako sakanya. Ang hot ba naman kase
"O-opo" magalang kong saad at nilock ang pintuan ng opisina niya. Nakagat ko ang pang ibabang labi nang mapagtanto ang dahilan Kung bakit niya gustong ipalock ang pintuan
May gagawin kami. Siyempre, alangan naman magbilang kami ng butiki dito sa loob Mariin akong napapikit at napakapit sa seradura ng pinto. Pinihit ko ulit pero ayaw talaga mabuksan, unless kung may Susi ako
"Come here sweetie, we need to talk about your grades and performance" nanginig na ang tuhod ko at bigla akong natakot. Kinagat ko pa ang pang ibabang labi ko.
Humarap ako kay Prof na nakatayo na ilang dipa ang layo sakin. Nagulat ako nang makitang nakahubad na siya ng pang itaas na damit. Ang ganda ng katawan niya, maraming tattoo na nakadagdag sa kagandahan ng kanyang katawan

BINABASA MO ANG
Ivanov's Addiction
Roman d'amour"Keep running baby. If ever I caught you, I will punish you so hard until you beg" -Xian Andrew Ivanov PHOTO NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHFUL OWNER. SOURCE: PINTEREST