ADDICTION XII
Napatingin sa akin ang mga tao. Gulat ang rumehistro sa mukha nila, ang iba naman ay walang emosyon habang nakatitig sakin, may iba rin na nakangisi
Napatingin ako sa screen at tinitigan ang mukha ko. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba at kilabot sa gitna ng maraming tao
Nawala ang atensyon sa akin ng mga tao nang biglang umilaw at umingay ang arena. Naghiyawan na parang baliw ang mga tao nang makita ang mga taong maglalaban na pinagpustahan ng marami
Kung bayolente ito para sa mata ng nakararami, normal na laro lang ito sa loob ng underground. Tinawag itong 'Mocking Fight' na kung saan buhay ang nakataya Pinagbabawal ito lalong lalo na sa batas, pero dahil mataas ang bayad na binibigay nila ay hinahayaan Ito.
Marami na akong nakitang namatay o di kaya ay nabalian sa larong ito. Para sa mga makapangyarihang tao na kasingtaas ng mga mafia ay normal lang ito. At kung hindi matibay ang loob mo, wag mo nalang subukan laruin dahil paniguradong talo ka
Hindi ko maialis ang titig ko sa mga naglalaro. Halos magpatayan na sila habang naghihiyawan naman ang mga taong nanonood sakanila.
Kanya kanya silang boto kung sino ang mananalo. Habang tinitingnan sila ay hindu ko maiwasang madismaya at malungkot, sa mundo nila, pera ang pinakamahalaga kaysa sa buhay ng tao. May kanya kanya silang ipinaglalaban. Hiyawan mula sa nagkabali baling mga buto at mga suntok mula sa isa't isa
Hindi ko rin maiwasang malungkot dahil sa dalawang naglalaro. Paano nila nagawang itaya ang buhay nila sa panandaliang laban? Hindi ba mahalaga sakanila ang mga buhay nila? Maraming naghahangad na mabuhay pa ng matagal pero hindi na matutupad dahil kakaunti nalang ang oras nila sa mundo. Samantalang sila, nagagawa nilang makipagpatayan at sayangin ang buhay nila dahil lang sa pera
Nabalik ako mula sa pagkatulala nang maghiyawan ang marami. May nanalo na. Napatakip ako sa bibig nang makitang wala nang buhay ang isang manlalaro at itinanghal na panalo ang isa. Napalunok ako
Hinila na nila paalis ang bangkay ng isang natalong lalaki habang pinag aagawan naman ng mga tao ang premyo. Ganun nalang ba iyon?
Akmang tatayo na ako dahil hindi ko kaya ang nakikita nang maghiyawan ulit ang mga tao. Napaupo ako nang makita ang isang lalaking may malaking katawan habang ang katunggali niya ay hindi ko inaasahan
Nakaitim siya lahat. Ang suot niya ay kapareho ng sinabi sakin ng r*pist ko. Hindi ko maiwasang manginig habang sinusundan ng tingin ang lalaking naglalakad papunta sa harapan.
Hindi ko alam pero nang titigan ko siya ay nanlambot ang tuhod ko at nanghina ako. Bumalik sakin ang takot nung gabing ginawa niya ang bagay na labag sa loob ko
"The third contestant is from the Viper Kings and the fourth contestant is from the Venomous group. Get ready your cheers, embrace yourself cuz the fight will now begin!" Sigaw ng emcee. Nakatitig lang ako sa lalaking nakaitim at hindi ko magawang alisin ang titig ko sakanya
Napatakip ako ng bibig nang makitang nasuntok siya ng kalaban niya. Hindi ko alam kung bakit ako nag aalala sa kalagayan niya
Humiyaw ang marami nang matumba siya at lumamang ang kalaban niya. Napaupo siya habang nakahawak sa bandang tiyan samantalang ang kalaban niya ay binubusog ang sarili sa mga papuri ng mga tao
Nagulat ako nang tumayo siya at hinubad ang suot niyang hoodie. Naghiyawan ang mga manonood at halos mabingi ako. Pero ang mas hindi ko inaasahan ay nang makilala ko kung sino ang nakikita ko
Si Professor Ivanov
Seryoso ang mukha niya at walang emosyon habang swabeng hinuhubad lahat ng suot niyang pang itaas. Itinapon niya iyon kung saan at agad na humarap sa kalaban.
Hindi ako makaimik dahil hindi ko inaasahan ang makikita ko. Napaka impossible! Agad kong kinuha ang telepono ko para kompirmahin pero nakapatay ang kabilang linya. Napalunok ako idagdag pa ang malakas na kabog ng dibdib ko
Nagsimula ulit ang laban at hindi ko na maiwasang matakot. Kung kanina ay nangangamba lang ako ng konti, ngayon naman ay takot na may kasamang panginginig
Alam kong malakas siya. Sana makayanan niya ang kalaban niya. Noong una ay nakakaganti pa siya sa kalaban niya at nakakabawi pa siya. Nang makitang nasuntok siya sa panga ng dalawang beses ay doon na ako kinabahan
Napatakip ako sa bibig ko dahil sa takot para sakanya. Sunod sunod siya na natatamaan ng mga malalakas na suntok. Naghiyawan ang mga manonood at isinisigaw ang pangalan ng nakalamang na kalaban
Napahiga na siya sa sahig at hindi na gumagalaw. Nagsimulang maghiyawan ang mga tao dahilan para tuluyan akong umalis sa kinauupuan ko para puntahan siya
"Prof!"
Napasigaw ako nang makitang nilapitan pa siya ng kalaban niya at tinadyakan sa sikmura dahilan para mapaubo siya ng dugo. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak habang nakatingin sa sitwasyon niya
Marami akong nabangga pero hindi ako nag abalang humingi ng pasensya dahil sa pagmamadali ko. Wala akong pakialam kung anong itsura ko. Ramdam ko ang tingin na ibinibigay ng mga tao pero hindi ko na sila binigyan pa ng pansin
Lumapit ako kay Prof Xian at agad siyang pinahiga sa hita ko. Dumudugo ang mukha niya. Nakapikit siya at namumutla na nang hawakan ko
"P-prof ayos lang po ba kayo?" Mahina kong tanong at maingat na hinawakan ang mukha niya.
"P-prof naman...." Inalog alog ko siya pero hindi siya gumalaw o umimik man lang. Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang luha ko
"H-hindi ko pa nga nasasabi na crush ko kayo eh. Bakit niyo naman ako iniwan? Biyuda na ako" naiiyak kong tugon. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil sa nasabi ko pero wala akong pakialam. Tutal patay naman na siya at di na niya ako maririnig pa
"Magkita nalang po tayo sa next life Prof" naiiyak kong saad at akmang hahalikan ko na Sana siya sa labi pero napamulat siya ng mata at diretsong nakatitig sakin
"I can't believe I still have to pretend dead for you to confess" kahit nagkasugat ang mukha ay nagawa pa niyang ngumisi
Napanganga ako at nanalangin na Sana lamunin nalang ako ng lupa
BINABASA MO ANG
Ivanov's Addiction
Romansa"Keep running baby. If ever I caught you, I will punish you so hard until you beg" -Xian Andrew Ivanov PHOTO NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHFUL OWNER. SOURCE: PINTEREST
