ADDICTION XVII

3.9K 47 0
                                        

ADDICTION XVII

Anong ibig niyang sabihin?

Bakit ako nakaramdam ng kaba nang sabihin niya sakin ang katagang iyon?

"Xian, hindi ko maintindihan" ngumiti siya, pero iyong ngiti na may halong lungkot at takot. Mas lalo akong naguluhan

"Just forget about it. I'm just wondering things out of the box. Bare with me" sagot niya at bumalik na naman sa pagiging seryoso ang mukha

Hindi nalang ako umimik. Wala rin akong lakas na magtanong ulit.

Pagkatapos ng date namin ay naisipan namin tumambay sa may rooftop dito sa lumang building. Hindi na ako umatend ng next classes ko sa hapon para makasama lang siya  paniguradong sermon at kurot ang aabutin ko kay Kira pagkatapos nito.

Hindi ko alam sakanya, ang yaman niya pero dito pa talaga sa lumang building gustong tumambay. Kung wala lang siya malamang kanina pa ako natakot

Pero kahit luma na at walang katao tao nababawi naman sa magandang tanawin sa ibaba

"Xian bakit dito mo naisipang tumambay? Hindi ka ba natatakot dito?" Tanong ko sakanya.

"I am. But darkness gives me peace" malamig niyang sagot at dinama ang malamig na simoy ng hangin

Medyo madilim na at napasarap ang kwentuhan namin. Pero ngayon ko lang nalibot ang tingin sa buong paligid. Kahit luma na ay halatang matibay ang imprastraktura kaya lang maraming nakasulat na mga vandals sa dingding

Kanina pa kami nagkukwentuhan pero ako naman ang kadalasang nagsasalita at panay sagot o tango lang siya.

Habang kausap ko siya ay unti unting nawawala ang noon ay pagkailang at takot ko sakanya. He's a nice person, and he really looks nice when smiling. Nagagawa ko na rin siyang asarin ng konti. At proud ako sa sarili ko dahil doon. Mas lalo akong nahuhulog

It can't be. He's still my professor. I can't take it knowing that he will definitely lost his license because of me. Nakasaad kaya yun sa code of ethics ng mga professors at teachers. Napasearch tuloy ako tungkol don dahil lang sakanya

Kailangan ko munang gumraduate bago maging kami. Teka! He's not asking me to be his girlfriend--- Wait! Isang beses lang naman di ba? Tapos di na siya nagtanong. Available pa kaya yung offer niya? Baka pwede pa avail

"Ang gwapo niyo po pala kapag nakangiti" natigilan siya nang sabihin ko iyon. Ang kaninang matamis na ngiti sa labi niya ay nabura at ngayon ay tahimik na siyang nakatingin sa malayo

"Dapat po nakangiti kayo palagi. It's better to smile so that the world will smiles at you too" dagdag ko sakanya

"How can you say that the world will also smile if I smile?" Tanong niya. Pero hindi naman nagtataka ang mukha

"Kase ganun talaga. Sabi nila, kung gusto mo raw maging maganda ang takbo ng buhay mo, at ang araw mo ngumiti ka. Masama o maganda man ang araw mo, wag mong kalimutang ngumiti. Tatanda ka ng maaga at mamalasin ka kapag nakasimangot ka palagi" mahabang saad ko

Hindi siya umimik kaya naman napangiti ako. I smile with my own thought. Wala naman talagang nagsabi nun eh. Pero iyon ang pinaniniwalaan ko. Turo iyon sakin ng papa ko nung nabubuhay pa siya

"Life is too short to stuck ourselves to that dark past and sad memories of yesterday. We must enjoy what's now"

"What if you can't smile? Because the world doesn't give you reason to do so? People tend to smile because the world is too kind to them,  but how about those people who keeps on fighting the cruel world? Hindi lahat mahal ng mundo" natulala kami pareho

Tinamaan ako dahil sa sinabi niya

"The world is not good at all times. The world isn't perfect." napatango ako

"Yeah, there's no perfect. But what if the world is good all this time but the people living in it is the real evil?" Pagsalungat ko dahilan para hindi siya makaimik

"I miss my mom...." Mahina niyang bulong pero rinig ko naman. Nakaramdam din ako ng lungkot dahil sa sinabi niya

"Ako rin. Sana nandito pa ang mga magulang ko, sana hindi pa sila namatay" napakuyom ang kamao ko sa naisip

"A-are you going to find justice for your parents?" Nauutal niyang tanong sakin. Ngumiti ako at determinadong tumango

"Oo" napahinga ako ng malalim

"And if you face him, what would you like to say and do then?" Marami. Marami akong gustong itanong, gawin, o sabihin sakanya. Hindi ko alam kung makakaya ko bang harapin ang taong iyon kung sakali

"Marami. Pero hindi ko alam kung kaya ko bang harapin ang taong iyon"  hindi siya umimik. Nakita kong napayuko siya

"Nang dahil sakanya naging miserable ang buhay ko. Nang dahil sakanya ay nawalan ako ng mga magulang. Naging magulo ang takbo ng buhay ko. Naging baliw ako, nakaramdam ng takot. Lahat ng iyon ay kasalanan ng taong iyon" ramdam ko ang panginginig ng boses ko

Mahina akong napasinghap at napakuyom ng kamao. Every time I talked about my past, I always feel uneasy and anxious. Kapag naiisip ko iyon ay ramdam ko na parang kahapon lang. Sariwa pa rin sakin kahit matagal na

"W-what if you already met him?" Naguguluhan ko siyang tiningnan

"N-nevermind.... I'm sorry about what happened to you, Mira. I promise, it won't happen to you again. I'm here to protect you. I'm your savior now so you don't need to worry" napangiti ako at napaiwas ng tingin

Ayan na naman siya eh. Nagpapakilig na naman. Hindi ba siya aware na mahalaga para sakin lahat ng bagay na lumalabas mula sakanya? Masyado tong pa fall eh

"S-salamat, X-xian" nahihiya kong saad. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Lalo na nung hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. Iuuwi ko na talaga to sinasabi ko sainyo!

"I will help you cope up with everything, Mira. Just tell me what you wanted. I'll find solutions to it" natigilan ako at napaisip sa sinabi niya

Sumilay ang ngiti sa labi ko nang may maisip

"Xian, alam kong sobra sobra itong hihingiin ko sayo pero pwede bang...." Nag aalangan ako pero determinado dahil alam kong siya ang makakatulong sakin sa bagay na ito

"Tulungan mo kong hanapin ang pumatay sa mga magulang ko" seryoso at diretsahan kong pabor dahilan para makita ko kung paano siya matigilan

Ivanov's AddictionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon