ADDICTION XXV
Pareho kaming tulala. Ako hindi makapaniwala habang siya ay para yatang nagsisi
"Just forget about it" biglang saad niya saka napasabunot sa sariling buhok. Inis siyang pumikit at iniwan ako
I'm still thinking about what he said earlier. Para akong tanga habang paulit ulit na nagplay sa utak ko ang inamin niya.
I was alone in the room, Xian gave me this room temporarily habang inaayos pa ang kwarto niya. Wala siya dito, kaya naman malaya akong matulala
May narinig akong katok dahilan para mapalingon ako sa pintuan. Tumikhim ako at agad na binuksan iyon. It was the maids. Dalawa sila
"Kakain na raw po" magalang na saad ng isa. Nginitian ko sila pareho pero masungit naman akong inirapan ng isa. What's her problem?
"Kakain na, baka naman may balak kang bumaba" nagulat ako sa sinabi niya pero sinagi siya ng isa dahilan para matigil siya at maunang maglakad
"Halika na nga Dimple, hayaan mo na yang babaeng yan. Malaki na yan" rinig kong saad niya. Humingi naman ng pasensya ang isa kaya ngumiti nalang ako
Sumunod ako sakanila dahil hindi ko naman alam saan ang dining table. Tahimik lang kaming tatlo pareho. Nanlalaki ang mga mata ko habang dumadaan kami sa napakagandang disenyo ng bahay. It was purely a castle. Para tuloy akong isang prinsesa at sinusundo ng mga tagapagsilbi
"Kayo po pala ang asawa ni Señor, ang ganda niyo naman po ma'am" ngiting papuri sakin ng babaeng nagngangalang Dimple. Ngumiti nalang din ako pero halatang nagulat sa una niyang sinabi
"Salamat, pero hindi naman ako asawa ni Xian" nagtaka naman ang mukha nito. Umiwas ako ng tingin
"Ganun po ba? Pasensya na po" nginitian ko lang siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nakarating kami sa isang napakagandang dining table
Natulala ako dahil sa laki ng dining table na nandito, ang gara. May mga nakasabit na chandeliers sa itaas na nakadagdag sa ganda ng buong paligid. Para kang nasa kainan sa loob ng palasyo. Nakatingin ako sa mga kasambahay na abala sa paghahain ng mga pagkain. Nakatayo lang ako sa gilid, gusto ko sanang tumulong pero hindi sila pumayag
Ang daming pagkain, may iba pa bang kakain maliban samin at sa mga kasambahay?
Lumabas si Xian mula sa kung saan. Nakapambahay lang siya pero ang lakas ng dating niya. Puting t-shirt at black shorts pero ang gwapo na nito
Binabati siya ng mga kasambahay pero hindi man lang siya namansin hanggang sa dumako ang tingin niya sakin. Napaiwas ako ng tingin nang maalala ang inamin niya.
"Come here, Mira" tawag niya sakin saka siya naupo sa silya na pang Padre de pamilya. Napatingin ako sa paligid. Nakatingin sa akin ngayon ang mga kasambahay kaya naman nakaramdam ako ng hiya.
Napahinga ako ng malalim saka naglakad papalapit sa gawi niya. Naghila ako ng upuan ko pero natigilan nang magsalita siya
"What are you doing? Come here and feed me" malamig at taas kilay niyang utos saka tinapik ang hita niya. Napakurap ako at nagtatanong siyang tiningnan. Seryoso ba siya?
"I hate waiting. Gutom na ko" para siyang na stress. Lihim akong napairap saka napatingin sa mga kasambahay na magalang na nakahilera habang nakayuko
"Hindi ba sila kakain? Ang dami nito, halikayo saluhan niyo kami---
"They're not allowed to eat with us. Now come here and feed me. I'm f*cking hungry" naiinis niyang saad. Bakit ba kailangan ko pa siya pakainin? What is he? An impotent? Gusto ko sanang magreklamo pero hindi ko magawa
BINABASA MO ANG
Ivanov's Addiction
Romansa"Keep running baby. If ever I caught you, I will punish you so hard until you beg" -Xian Andrew Ivanov PHOTO NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHFUL OWNER. SOURCE: PINTEREST
