ADDICTION XXX

3.2K 50 0
                                        

ADDICTION XXX

I was hurt. I can't feel myself. Para akong namanhid. Parang surang plaka na nagpaulit ulit sa pandinig ko ang narinig ko mula sakanya

Is it true? He didn't love me after all? Nakagat ko ang ibabang labi.

"Señora? Ayos lang po ba kayo?" Napatingin ako sa isang kasambahay nang maramdaman ang pagyugyog niya

"May problema po ba? Bakit ho kayo umiiyak?" Tanong niya habang nag aalala akong tiningnan. Natumba ako ng tuluyan dahilan para mabasag ang mga vase na nasa gilid at lumikha iyon ng ingay

"Señora!" Gulat na sigaw ng kasambahay at inalalayan akong tumayo. Nanginginig man ang tuhod ko ay agad kong pinilit na makatayo, palayo sa kwarto ng lalaking akala ko ay minahal ako ng totoo

"What's that noise---

Napatingin ako kay Xian na gulat na nakatitig sa akin. Maya maya pa ay lumabas si Yeshiva. Magkasama nga silang dalawa.

"Sweetie what happened?" Nag aalala niyang tanong at nilapitan ako. Maluha luha ako pero sinubukan kong pigilan iyon. Gusto kong umiyak ng napakalakas

Naramdaman ko ang paghawak niya sa mukha ko. "What happened? Do you feel something?" Sunod sunod niyang tanong pero hindi ako sumagot. Walang emosyon ko siyang tiningnan at saka ibinaling ang tingin kay Yeshiva na ngayon ay nakatayo sa may di kalayuan

Ngumisi siya nang mapatingin ako sakanya. Ang ngisi niya ay napalitan ng matamis na ngiti. Para bang masayang masaya siya. "Wala naman.... A-ayos ka na ba?" Tanong ko at nagpilit ng ngiti sakanya. He also smiled at me before guiding me through my own room

"I'm good now. Magaling kase ang nag alaga sakin" saad niya saka sinarado ang pintuan ng kwarto ko. Tulala lang ako at walang emosyon na hinayaan siya sa ginagawa

"Thank you for taking care of me, Mira" saad niya saka ako hinalikan sa labi. Hindi ako tumugon noong una pero sa huli ay wala akong nagawa dahil nanghihina ako sa mga simpleng paghawak niya

Tinakpan ko ng kumot ang hubad kong katawan ko habang tahimik na umiiyak. Madilim na sa labas. Napatingin ako sa katabi ko na ngayon ay mahimbing na natutulog

Papaano niya nagagawang sabihin na mahal niya ako? Papaano niya nagagawang ngumiti sa harapan ko na para bang wala siyang malaking kasalanan? Ang kapal ng mukha niya na gamitin ako. Kung hindi ko narinig ang pag uusap nila ni Yeshiva ay hanggang ngayon bulag bulagan pa rin ako at hindi ko malalaman ang nga ginagawa nila sa likod ko

Napaiwas ako ng tingin sakanya. Hindi ko na siya kayang titigan. Nasasaktan lang ako at mas lalo lang nadaragdagan ang galit ko. Bakit niya nagawa sakin iyon? Akala ko totoo lahat ng pinapakita niya pero hindi pala

May relasyon sila ni Yeshiva.... Hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit at lungkot. Sumisikip din ang dibdib ko sa naiisip na mas may karapatan siya sakin kaysa kay Xian.

Pinahiran ko ng marahas ang luha sa pisngi ko at agad na umalis sa kama. Kinuha ko ang mga damit ko saka iyon sinuot. Hindi ko na kayang manatili pa dito? Kailangan ko na umalis. Ayoko na dito. Hindi ko kayang tumira kasama ang mga demonyong nagawa akong paglaruan at paikutin.

Lumabas ako at agad na bumaba. Tumingin ako sa labas. Madilim na, alam kong delikado na lumabas ngayon lalo pa at magubat ang lugar na kinaroroonan namin. Takot din ako sa dilim at alam ko na malabo akong makalabas sa napakalking gate na iyon

Naglakad ako papunta sa isang veranda at doon pinagmasdan ang mga halaman na nakapalibot sa mansyon.

"Where are you going?" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Yeshiva. She gave me a smirk

Ivanov's AddictionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon