ADDICTION XIV

4.7K 50 9
                                        

ADDICTION XIV

Kinaumagahan na ako nakauwi ng bahay. Napahinga ako ng malalim at nakahinga ng maluwag nang makitang wala nang tao sa loob. Paniguradong umalis na si Kira

"Where have you been?" Napaigtad ako nang marinig ang malamig na boses ng kapatid ko na nasa itaas

Napatikhim ako at napatingala sakanya. "Mira, saan ka galing?" Matigas niyang tanong at lumapit sakin. Napaiwas ako ng tingin

"M-may tinrabaho lang ako" pagsisinungaling ko sakanya. Hindi na bago sakanya na may mga sideline akong trabaho para may mga pandagdag kami sa mga bayarin dito sa bahay

"Tinrabaho? Saan? Sa condo ni Prof Xian? Anong trabaho mo don?" Gulat ko siyang tiningnan na ngayon ay walang emosyon na nakatitig sakin

"Why do you have to lie Mira? Really? Kailan ka pa natutong magsinungaling ha? Hindi ka na nahiya! Nang dahil sa lalaking iyan kung ano ano nalang ang ginagawa mo sa buhay mo!" Napayuko ako at napaiwas ng tingin sakanya

"Tigilan mo na iyang paghanga mo sa lalaking iyan---

"K-kira titira na ako kasama siya" natigilan siya at napatitig sakin. Ang kaninang galit niyang mukha ay nawalan ng ekspresyon habang nakatingin sa akin

"Akala ko ba nag usap na tayo tungkol dito?" Humalukipkip siya. Halatang hindi natutuwa sa daloy ng pag uusap namin

"N-nag usap na kami.... Tutulungan niya ako sa pag aaral ko at sakanya na rin ako magtatrabaho para hindi na tayo mahirapan" hindi siya umimik at nilagpasan lang ako

"Masama talaga ang kutob ko sa lalaking iyan eh. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nakita mo sakanya dahil bukod sa gwapo siya, wala naman siyang ibang ginawang maganda!" Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Pero dahil mas matanda siya sakin ay pinilit ko nalang manahimik

"Rumors are spreading that Professor Xian Andrew Ivanov is dangerous. How can you manage to keep yourself in touch with him. Hindi ka ba natatakot ha Mira? Nilalagay mo sa kapahamakan ang buhay mo eh"

Hindi ako umimik at hinayaan lang siyang magsalita

"Alam mo, sawang sawa na ako eh. Sawang sawa na ako na bantayan ka, saluhin ka, alagaan ka, at tutukan ka, nakakapagod na" dahil sa sinabi niya ay hindi ko maiwasang masaktan

"K-kira Hindi ko naman sinabing bantayan mo ko---

"Hindi nga! Pero sa akin ka iniwan ng mga magulang natin! Responsibilidad kita dahil ate mo ko!" Napailing ako saka tumalikod sakanya

"Kapag narinig ko na napahamak ka dahil sa lalaking iyan, hinding hindi na kita papayagan na lumapit sakanya" malamig niyang saad pero hindi ako nakinig at dumiretso nalang sa kwarto ko

Pabagsak kong sinara ang pinto bago inilapag ang mga gamit ko sa ibaba saka humiga sa kama. Sandali akong napapikit. Hindi ko alam pero si Prof Xian nalang ang nakikita kong magiging kakampi. Si Kira? Hindi ko alam kung maniniwala ba siya sa mga pinagdadaanan ko. Yung kaibigan kong si Calleiah, masyadong mabait para isali ko sa drama ko sa buhay

Humiga ako at napatingin sa side table nang may makita akong sulat. Kinuha ko iyon at binasa

'Keep yourself bringing close to me'

Hindi ko maintindihan ang nakasulat at mas lalong hindi ko kilala ang nagsulat. Inalis ko nalang sa isipan ang nabasa ko at agad na humiga saka napatingala sa kisame.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ang huli naming pag uusap ni Prof




"From now on, you'll be under my protection. Dito ka na manirahan sa pamamahay ko" hindi ko maiwasang magulat dahil sa sinabi ni Prof

Ivanov's AddictionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon