ADDICTION XIX

3.7K 55 2
                                        

ADDICTION XIX

"И это ты, Мира, прости" seryoso niyang saad habang nakatitig ng mariin sakin. Ano raw?

Hindi ko maintindihan kung ano iyon pero nang makita ko ang reaksyon sa mga mata niya ay nakikita ko doon ang lungkot at pagsisisi

"A-ano po iyon?" Hindi siya umimik at nag iwas lang ng tingin

"No one in this world loves me. Even though I can now prove something to my parents, feels like I'm all alone. Lonely" mahina niya bigkas

Tinitigan ko siya. Bigla akong nakaramdam ng konting awa sakanya. "Wag mong sajihin iyan Xian, hindi mo alam, marami palang nagmamahal sayo" pasimple kong saad

Ako Xian. Mahal kita--- sus! Landi! Napatikhim ako sa naisip. I'm just pertaining to myself. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko

"I suggest they should stop loving a broken man like me. Wala silang mapapala, baka kapag nalaman at nakilala lang nila ako ay lalayo na sila" Hindi ko inaasahan ang sagot niya

"And besides, they're just loving me because I had everything now. Pero kapag wala ang mga iyon, sa tingin mo ba tatanggapin nila ako?" I can feel the pang in my chest. Sakit nun. Pinagdududahan niya ang pagmamahal ko sakanya

"M-meron.... Siguro" hindi ko siguradong sagot

"How about you, Mira?"

"Would you still accept me even if you knew the whole me? The dark side of me? My traumas?" Ngumiti ako dahil sa tanong niya saka ngumiti

"Oo naman po. Malakas kayo sakin eh" sinubukan kong tumawa dahil naiilang ako sa tanong niya pero hindi man lang siya nakitawa sakin

"K-kahit na marami akong kasalanan? Kahit na yung naging kasalanan ko ay hindi katanggap tanggap?" Napailing nalang ako. I can hear from his voice that he needs validation for something and hoping for the answer he would like to hear

"The world isn't perfect, the moon isn't perfect, the beautiful meteors isn't perfect, the sea isn't perfect. All of them has their own flaws and imperfections. Walang perpekto kahit gaano pa kaganda tingnan, malalaman at malalaman mo pa rin kung ano ang mali"

"If they aren't perfect, so as human. Hindi perpekto ang tao. Nagkakamali, pero ang magagawa nalang natin ay pagsisihan natin ang nagawa natin, at matututo tayo sa pagkakamaling nagawa, iyon nalang ang bagay na dapat nating gawin"

Hindi siya umimik kaya naman hindi na rin ako nagsalita. Wala na rin naman akong ibang masabi

Hindi kami nag imikan lalo na nang ihatid niya ako sa bahay ko. "Salamat sa paghatid" matamis akong ngumiti at nabura iyon nang makitang walang gana lang siyang tumango

"G-good night, Xian" doon na siya napalingon saka nginitian ako. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya para sabihin na magiging maayos din ang kung ano man ang bumabagabag sa isipan niya

Nag aalangan ako. Gusto ko siyang halikan pero hindi ko magawa. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya at baka itulak ako papalayo pero nilakasan ko na ang loob ko

Tutal hindi naman ito ang unang beses na maghalikan kami. Pero kinakabahan pa rin ako. Akmang hahalikan ko na Sana siya pero nauna siyang magsalita "Sleep well... See you tomorrow" mahina niyang paalam at hinalikan ako sa pisngi ng dalawang beses

"I think your stalker won't visit you tonight. He must be tired" biglang saad niya dahilan para matigilan ako

"Pano mo naman nalaman?" Taka kong tanong. Ngumisi lang siya sakin saka umiling

Ivanov's AddictionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon