ADDICTION III
Pinilit ko nalang kalimutan ang nangyaring usapan namin ni Prof Ivanov. Isang linggo na magmula nang mangyari iyon at sa tuwing magkakasalubong ang mga mata namin ay ako na ang unang umiiwas
Nakakatakot pala. Alam kong nagbibiro lang siya pero nakaramdam na ako ng pagkailang at pagkatakot sakanya. Hindi na ako nakaramdam ng kilig, di tulad ng dati. Basta, hindi na ako komportable sa mga titig niya, mga titig na parang may kahulugan na hindi ko alam kung ano
"Nandito na yung paborito mong Prof" saad ni Kira Kaya naman agad akong napaangat ng tingin
Napatitig ako sa pwesto nila. Kasama niya ang mga kaibigan niya na mga propesor din ng University na pinapasukan ko. Sikat sila dito, apat ba naman na nagwagwapuhang propesor sa pinapasukan mo skwelahan, tingnan natin kung di ka gaganahan pumasok araw araw
Napatingin ako sa paligid at nakitang halos lahat ng mga babae ay nakatingin sa kanila. Sino bang Hindi? Pero imbes na tumili ay tahimik lamang sila, kinatatakutan sila at hindi masyadong nalalapitan
Bali balita na may fraternity sila. Hindi ko naman alam kung totoo nga ba iyon, nakikisali lang naman kase ako sa chismis ng mga kaklase ko at nakikinig sa mga usap usapan tungkol sakanila
Napayuko ako nang mapalingon siya sa akin. Nagkunwari akong di siya nakita
"Nakatitig siya sayo" sabi ng kakambal ko pero hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy sa pagkain.
Hindi ko sinabi sakanila ang nangyaring usapan namin ni Prof Ivanov. Nakakahiya
"Ms. Miralyn Fernandez" nagulat ako nang marinig ang pangalan ko. Doon na ako napaangat ng tingin at napalunok
Nasa harapan ko ba naman ang apat na propesor at nakatitig ngayon sila sakin. Ngumiti si Prof Montero, siya ang pinakamabait sa kanilang apat, pero mukha naman siyang siraulo
"G-good morning po sainyo" magalang kong saad ganun din ang mga kasama ko. Hindi sila sumagot at nakatitig lang sakin
"What do you want from my sister?" Malamig na tanong ni Kira sakanilang apat. Pinanlakihan ko ng mata ang kapatid ko. Kahit kailan talaga pahamak tu sakin. Nasan ba kase si Calleiah?
"Oh, we don't have any intentions towards her, maybe ask our friend" malamig na sagot ni Prof Cavalcante habang kunot ang noo at tila may hinahanap pero hindi makita
"Yeah yeah, can you please talk to him? Pwede ba? Hindi kase siya makapaghintay dun sa sagot mo sa offer niya" natulala at nagulat ako.
Alam niya?! Nagsimula nang manginig ang tuhod ko at manlamig ang mga palad ko. Napatingin ako sa paligid at nakitang nasa Amin ang atensyon ng halos lahat ng estudyante
"Offer? What kind of offer is that?" Tarantang hinawakan ko ang kamay ng kapatid ko nang makitang naguguluhan at nagdududa na siya
"Just a special project offer for your sister to save her failed grade. I'll wait for your decision Ms. Fernandez, see me at my office if you're ready" malamig na saad ni Prof Ivanov at agad na umalis
Naiwan naman si Prof Cavalcante na parang may gustong itanong samin pero hindi nalang umimik at umalis din kalaunan
"What's the offer he's saying? And you failed his subject?" Gulat na tanong ni Kira sakin. Hindi makapaniwala
"A-ah yes, bagsak ako sa subject niya. Pero don't worry, hahanapan ko ng paraan para makapasa ako I promise" sagot ko nalang sakanya. Napahilot sa sentido ang kapatid ko at napapikit
"I don't know what to do with you Mira. It's too much, sa exams ka lang naman bagsak palagi pero kahit papaano nakakapasa ka naman sa final grade. What's this? You know what? Pagod na akong sermonan ka" there was a hint of disappointment in her eyes
Para namang may naramdaman akong masakit sa dibdib ko. Sobra na ba akong pasaway?
"Nagustuhan mo lang si Prof Ivanov hindi ka na maka focus, remember what you promise to our parents before they died" malamig niyang dagdag at agad akong iniwanan
Napayuko ako. Before our parents died, we promise to them na mag aaral kaming mabuti. That we will make them proud someday. Pero mukhang si Kira lang ang tumupad nun
"Ang gwapo niya talaga!" Kinikilig kong saad habang nakatitig sa cellphone ko. I got a photo of Prof Ivanov. Ang gwapo niya dito. I really like his awra kahit nakakatakot
Pero siyempre, crush crush lang dapat. Halos ma occupy na ng mga litrato ni Prof ang gallery ko. Pero idedelete ko rin naman kapag na print ko lahat.
"Mas gwapo pa rin si Prof Cavalcante" napatingin ako kay Calleiah nang banggitin din niya ang favorite Prof niya. Ngumisi ako at tinudyo tundyo siya
"San ka ba galing kanina? Alam mo bang lumapit sila sa table namin? Makikita mo Sana siya ng malapitan" ngisi ko sa kaibigan dahilan para manlaki ang mga mata niya
"Hala seryoso?!" Parang hindi siya makapaniwala at parang nanghihinayang pa.
"Sana pala sumama ako sainyo kahapon" saad niya at umusli ang nguso
Binalik ko ang tingin ko cellphone ko at hinalikan iyon. Ginawa ko pa talagang wallpaper ang mukha niya. Ang hot talaga ni Prof Ivanov. Halatang may lahi siya. Papalahi din naman ako soon
"Ano bang nagustuhan niyo sa mga propesor na iyan?" Mataray na tanong samin ni Kira
"Gwapo kase si Prof Cavalcante eh. Crush ko since first year ako" humagikhik si Calleiah at namumula pa ang pisngi, gustong gusto niya talaga yung color blue eyed na propesor na iyon. Gwapo din naman iyon, pero mas gwapo parin sa mga mata ko si Prof Ivanov. My only one mysterious hot professor
"Ako naman, gusto ko iyong may pa mysterious type person. Iyon ang gusto ko" saad ko at pinatay ang cellphone ko saka pinaandar para makita ang mukha ni Prof
"They're hot, but I don't feel that they're gentle. Mukha at galaw palang barumbado na" mas lalo akong napanguso.
"Prof Ivanov is rough, I wonder what he is in bed" biro ko na kaagad ding napadaing nang hampasin ako ni Kira sa braso. Tumawa Naman si Calleiah
"Malandi ka talaga kahit kailan" natawa ako sa sinabi niya. Of course, joke ko lang iyon. Unlike Calleiah, Hindi kasingdumi ng bunganga ko ang bunganga niya
"Bye bye Calleiah!" Kumaway ako sa kaibigan ko. Pauwi na kami. Kaming dalawa nalang ang nauna dahil may gagawin pang school work si Kira at pinauna na akong umuwi
Nang makauwi ako ay kaagad akong pumasok sa kwarto ko at nagbihis. Hinubad ko lahat ng suot ko at naiwan ang undergarments ko. Wala namang tao kaya hindi ko na kailangan pang pumasok ng banyo
Mamaya nalang ako maliligo. Natigilan ako nang mapansin na parang may nakamasid sakin. Sinuot ko ang damit ko pambahay at inilibot ang tingin sa kwarto. Wala namang ibang nangyari.
Sarado din ang bintana ng kwarto ko. Napabuga ako ng hangin at napagdesisyonang bumaba na para magluto ng hapunan namin ni Kira
Bumaba ako at nagsimula nang maghalungkat sa ref para may makain. Napailing ako dahil ramdam ko talaga na may nakamasid sa bawat galaw ko. Parang nandito lang siya sa loob pero hindi ko siya nakikita.
Napabuga ako ng hangin at agad na nagpatuloy. Kumain akong mag Isa, sakto naman at dumating si Kira at parang nakahinga ako ng maluwag. Pero nandon pa rin ang pakiramdam na parang may nagmamasid sakin. I feel uncomfortable but I also feel unharmed.
Umakyat na ako sa taas at naunang matulog. Hinubad ko ang lahat ng damit ko pati na ang suot kong bra at panty. Sanay akong matulog ng nakaganito at araw araw ko itong ginagawa.
Others would find it weird but not for me. Mas komportable akong matulog nang nakahubad lahat sa ilalim ng kumot.
Mas pinag igihan ko pa ang pagbalot ng katawan ko sa makapal na kumot dahil hanggang ngayon ay naramdaman ko ang maiinit na titig ng kung sino. Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at hinayaan ko ang sarili na dalawin ng antok
Pero bago pa ako lamunin ng dilim, nakita ko ang pagbukas ng bintana at ang pagpasok ng Kung sino sa loob
BINABASA MO ANG
Ivanov's Addiction
Romance"Keep running baby. If ever I caught you, I will punish you so hard until you beg" -Xian Andrew Ivanov PHOTO NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHFUL OWNER. SOURCE: PINTEREST
