ADDICTION XXVII

3.7K 46 0
                                        

ADDICTION XXVII

"Saan niyo dadalhin iyan?" Tanong ko nang makita ang tatlong maids na may dala dalang dalawang bagahe at iilang gamit

"Magandang Umaga po Señora. Gamit po ito ni Sheila. Iyong kasambahay po na pinalayas" hindi ako nakaimik lalo pa at nakikita ko sa mga mata nila na parang galit sila dahil sa pag alis ng isa nilang kaibigan. At alam kong ako ang sinisisi nila

"Mauna na po kami señora" magalang nilang saad saka umalis pero naiwan ang isa habang nakatingin sa akin

"B-bakit?" Sa pagkakaalam ko siya si Dimple. Iyong kaibigan at kasama ni Sheila noon para sunduin ako

"Pasensya na po kayo sa inasal ng kaibigan ko señora ha? Nadala lang po talaga siya sa pagkagusto niya kay Señor kaya niya nagawa iyon" paghingi niya ng paumanhin, alam kong wala ako sa posisyon para makialam pero may gusto lang akong malaman

"M-may gusto ba talaga siya kay Xian?" Lakas loob kong tanong sa babae. Malungkot itong tumango saka napahinga ng malalim

"Matagal na po Señora. Pasensya na po.... Akala ko po kase noon ay hindi totoong may asawa na si señor kaya sinuportahan ko po siya sa paghanga niya sa amo namin. Kaya lang dumating na kayo, at yun ang kinagagalit niya" tumingin siya sa labas kung saan makikita namin ang pag alis ni Sheila. Ramdam kong nalulungkot siya dahil sa sinapit ng kaibigan

"Hindi na po ako natutuwa sa mga ikinikilos niya. Nakakainis po minsan dahil nagagawa niyang ibalandra ang sarili niya kay Señor. Parang proud pa po siya na may nangyari sakanila. Palagi niya po kase iyon kinukwento sa amin eh" napahinga ako ng malalim at hindi nakaimik

Tumingin ako sa labas. Wala na ang sasakyan. Umalis na si Sheila. Sa totoo lang ay naaawa ako sakanya. Masakit na hindi ka man lang magawang mahalin ng taong matagal mo nang mahal. Pero sa loob loob ko ay hindi ako papayag na magagawa niyang agawin sa akin si Xian.

Alam kong masakit para sakanya na makitang ako ang pinili nito pero kailangan niyang tanggapin iyon

Nakatitig ako sa phone ko na ngayon ay mayroong 300 plus miss calls na galing sa kakambal ko. Halos 100 plus naman mula sa kaibigan ko. May mga sandamakmak na text messages pa na hindi nabubuksan

Puros iyon ay pagtatanong kung nasaan ako at bakit hindi umuwi. Gusto ko sana mag reply kaya lang wala akong load, walang signal dito dahil mahigpit iyon na pinagbabawal ni Xian. Para tuloy akong babaeng grounded sa isang probinsiya na bawal ang gadgets. Walang katiting na signal

Pansin ko na nasa pinakaliblib kami na lugar. Kung susumahin, matatawag na palasyo sa gitna ng kagubatan ang mansyon na ito. Sobrang layo nito sa kabihasnan, parang monasteryo sa sobrang tahimik. At alam kong sobrang layo din ng lalakarin kung aalis ka

Hinanap ko si Xian. Baka may signal siya. Nasa veranda siya ng kwarto niya. Umiinom ng kape habang nakatingin sa laptop. Bigla akong nabuhayan ng pag asa

"Xian, wala may signal ka ba? Kailangan ko lang itext ang kapatid ko na magkasama tayo" diretso akong pumasok sa kwarto niya. Napalingon siya sakin at agad na kumunot ang noo

"What are you doing here?" Tanong niya saka ako sinenyasan na lumapit sakanya. Nang makalapit ako ay agad niya akong pinaupo sa kandungan niya

"Xian kailangan ko ng signal...." Mahina kong pagtawag sakanya nang maramdaman ang pasimple niyang paghalik sa balikat, leeg, at pisngi ko

"Why do you want signal?" Mahina niyang tanong. Nakikiliti ako sa ginagawa niyang paghahalik sakin

"T-tatawagan ko lang ang kapatid ko. Baka nag aalala na siya" natigil siya sa ginagawa

Ivanov's AddictionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon