Chapter 33

236 11 3
                                        

Review

Chivalry’s POV

Bakit? Bakit walang nag-announce na may early examination kami? Nakalimutan kong mag-review! Next-next week, exam na namin. August one agad ang early examination namin, ang alam kong schedule by august twenty-five and twenty-six iyon.

"Students, mag-review na kayong lahat. I am expecting na matataas grades niyo, lalo na yung apat na nag-hahabulan sa honor list. Kilala niyo na kung sino iyon, kaya sana kayanin niyo," tumingin naman sa akin si Ma’am, "Lalo kana, Laurent, anak. Marami kang na-missed na lesson, kaya mag-pa-review ka sa mga kaklase mo, hiramin mo notes nila. We are expecting na matataasan mo yung binanggit ko."

"Opo, Ma’am. Noted po." Sagot ko nalang.

Ngumiti ito, "Kapag ang grades niyo ay matataas, ililibre ko kayo sa isang restaurant. Alam niyo naman siguro rules ng univ natin hindi ba? Every quarter average ay ipapaskil sa main ground. Kaya kung ayaw niyong maramdaman na napahiya kayo, do your best and focus." Ayon lang sinabi niya at umalis na, break time na kasi.

Wala kaming palitan ng teacher para sa announcement na ’to.

Nang-hihina ako sa narinig ko, ang dami kong na-missed na lesson. At kailangan ko pang humiram ng notes.

Nag-annouce rin sa group chat namin, by second quarter aalisin na agad yung gen-math, ipapalit yung philo. Kailangan na raw namin ibalik iyon, kapag sinama lahat ng subject, baka raw mag morning to afternoon class kami, which is super hard dahil may mga juniors kaming kasama na afternoon and morning class katulad namin. Mahihirapan kami, marami mga juniors namin.

Ten subject per week, salitan. Sa twelve subject na iyon, mostly dalawang subject per one teacher. Kaya hati rin oras nila. Alanganin talaga kinalabasan, kinulang kami sa teachers and class rooms. Pero, maganda naman kahit papaano nakaka-habol kami.

Kahit sa ibang section, ganon din. Pare-pareho lang kami. Sa ngayon, pinag-uusapan pa lang ng mga councils and mga teachers kung maga-afternoon class paba kami. May ibang teachers na agree, syempre meron ding hindi. Baka raw kasi bumagsak mental health namin, which is true naman. Marami na kaming ginagawa, kahit pa bibihira kami siputin ng mga teachers, may iniiwan naman silang gawain katulad ng individual activities, performance tasks, group activities and reports.

Kahit na ganon, medyo nahirapan kami. Walang explanation na maayos, ayaw rin nila kami kausapin minsan ng maayos, nakakairita nga e.

Minsan na nga lang sila mag-turo sa amin, wala pang proper explanation. Tapos sasabihin kesyo ang tamad namin kapag hindi kami nakapag-pasa or bumagsak kami sa subject nila.

Pero, kahit papaano nasa amin na rin naman kung magpapasa kami sa subject nila o hindi, halos wala na nga silang paki sa amin e. Kawawa section namin, hindi na nga priority, hindi pa love at hindi pa binibigyang pansin.

Nabalik lang ako sa reyalidad dahil may humampas sa lamesa ko, nakita kong nakatayo na silang lahat at halatang nagugutom na, nasa pinto na e.

"We’re calling you ten times! But, you’re occupied. Are you okay?" Tanong ni Ian sa harap ko.

"Oo, nag-debate kasi mga bulate sa utak ko," sagot ko nalang at nagpa-unang lumakad, pupuntahan ko kasi mga babae kong kaibigan.

"You’re so matagal, kanina pa kami nagwa-wait sayo," conyong saad ni Darcey.

Buti nasanay na ’ko sa kanya, kung hindi baka nabira ko na ’to. Ayoko pa naman sa maarte mag-salita.

In short, ayoko sa akin. Ang arte ko rin kasi.

"Order ako, treat ko of course. Yung nasa set na. Anong bet niyong set?" Tanong ni Amaya.

"Mas mura nalang i-order natin," suhestiyon ko.

The Last Girl StandingStories to obsess over. Discover now