Chapter 26

237 3 0
                                        

Threat

Chivalry's POV

Kanina pa 'ko nabu-bwisit sa lalaking 'to, papasok na sana ako kaso huminto ba naman sasakyan sa harap ko. Siraulong Dasilvio 'to, akala ko sasagasaan ako.

"Huwag kang tumigil, masasampal kita." Banta ko, pero ang siraulo tinawanan lang ako.

"Your hair band is cute, pearl." Ang kingina, pilit tumawa.

Hindi ko nalang siya pinansin, sumakay nalang ako sa passenger seat. Mas matatagalan kami kung papansinin ko pang-bu-bwisit niya sa akin, baka ma-late lang kami sa kagagawan niya.

Tarantadong 'yon, sinabihan akong maganda kahapon ngayon tinatawanan ako sa itsura ko. Parang nakakatakot daw ako. Ganon din sinabi ni Kuya Charles kaninang madaling araw, patay kasi ilaw sumaktong black pa buhok ko. Natakot siya bigla e, bumalik sa kwarto ang tanga.

"Wait, I didn't notice your piercing above your ear. Dalawa pa." Mayabang akong ngumisi sa kanya at pinakita piercing ko.

"Pak sa kabaliwan, kaya hindi pinapansin e." Bahagya siyang natawa sa sinabi ko.

"They ignore you? Why?" Tanong niy, tinitigan ko lang siya hanggang sa makuha niya, "Oh, your tattoo is still the reason why they're ignoring you. I'm sure tita Hera will get mad."

Tumango nalang ako bilang sang-ayon sa sinabi niya, ayaw talaga ni Mama na hindi ako pinapansin. Lalo pa't wala siya sa tabi ko, kaya kailangan nasa akin full attention nila, lalo na si Papa. Baka raw kasi mag-layas ako, tulad dati.

Hahaha, nilayasan ko sila pero isang araw lang dahil na-miss ko sila agad.

"Baba, nandito na tayo. Baka may maka-kita pa sa atin." Nag-mamadali akong bumaba dahil sa sinabi niya.

Kaso, sa sobrang malas kong tao may kakilala kami na naka-salubong kami.

"Hoy! Ano 'yan? Bakit mag-kasama kayo?" Bungad na tanong ni Lysandra sa amin.

Ang lakas ng sigaw niya, mamaya may maka-rinig sa amin.

So? Ano naman kung may maka-rinig, hindi naman kayo.

Sabagay, pero baka kasi ma-issue diba? Lagot pa tayo.

Huwag nalang pansinin, papansin lang iyan.

Sabagay-ay teka! Gago kausap ko na pala sarili ko, hindi ko namalayang nakatingin na silang dalawa sa akin. Weird look ang binigay nila sa akin.

"Anyare sayo, Ry? Sumisimangot ka mag-isa." Medyo napahiya ako ah.

Alanganin nalang akong ngumiti at sinabing aakyat na 'ko, ayokong ma-late 'no. Absent na nga kahapon, late pa ngayon. Baka ma-lintikan na 'ko niyan.

Tahimik akong pumasok sa room, walang ni-isang kumausap sa akin. Mas maganda na rin 'yon, ayoko muna talaga silang kausap. Papansin lang yung isa, akala ata exception siya porket kilala ni Mama.

"You forgot your wallet." Abot sa akin ni Ian.

"Salamat, hulog ka ni kamatayan." Seryosong biro ko, sinamaan niya lang ako ng tingin bago pumunta sa pwesto niya.

"Ano yun? Bakit sila nag-uusap?"

"Naiwan? Ibig sabihin sabay silang pumasok!"

"Grabeng only exception yan!"

Tangina talagang bulungan yan, hindi na matapos-tapos. Daig pa nila yung chismosa, hindi mo malaman kung bulong o nagpa-parinig na talaga sa taong pinag-uusapan nila e.

"Ry!" Takte, ang lakas ng sigaw!

"Oh? Bakit?"

"Sorry! Huhu, biglaang emergency kahapon hindi kit-ohh!" Nagulat pa 'ko dahil dinuro niya ako habang nanlalaki mata.

The Last Girl StandingWhere stories live. Discover now