Hickey..
Chivalry's POV
"Pwede bang pumirmi ka? Hindi kita malinisan!" Inis kong sigaw sa lalaking 'to.
Ang gulo, ibagsak daw ba sarili niya sa sofa. Naka-higa ulo niya at kalahati ng katawan niya. Pikit pa mata niya kaya mas lalo akong nahirapan
"Ano ba! Paano ko mahuhubad damit mo!" Mukhang nagulat siya dahil mabilis siyang tumingin sa akin.
"A-are you..." Nagugulat niya 'kong tinuro.
Inis kong hinampas kamay niya, "Siraulo! Pupunasan ko katawan mo para malinisan kana."
Tumawa naman siya at hinubad damit niya, at Lord! Salamat sa biyaya, mahal na mahal kita. Hahaha!
"Stop eye-raping me, woman." Gago! Nagulat ako kaya nahampas ko siya.
"Hoy! Gago ka! Kung ano-ano sinasabi mo!" Inis ko siyang dinuro.
Kaso mali ata yung ginawa ko, hinila ba naman niya 'ko kaya napa-upo ako sa kanya!
"Fuck, what the hell is your problem? Kanina mo pa 'ko hinihila!" Napa-english tuloy ako sa kaba.
Yung upo ko, peste. Hindi ako komportable, magka-harap kami. Inshort, naka-kandong ako sa kanya. Jusko po. Mahabaging langit, kaawaan ako at hayaan akong maka-ligtas sa tuksong nasa harap ko.
"You... what did you do to me?" Pinag-dikit pa niya noo namin.
Ako? Wala naman akong ginagawa sa kanya kundi hampasin siya.
Umiling lang ako habang naka-tingin sa daliri ko, hindi na 'ko mapakali. Anytime aatakihin na 'ko sa puso.
Gamit ang isang kamay, pinang-hawak niya iyon sa bewang ko pang-suporta, samantalang yung isa gamit niya para iangat mukha ko. Tangina, kapos na kapos na 'ko sa hangin kaka-halik niya.
Hayop, napa-igtad ako dahil dalawang kamay niya na ang may-hawak sa bewang ko, halos mapa-tingala na 'ko dahil nasa leeg ko na yung mukha niya.
"A-ah.." Kusang lumabas iyon sa bunganga ko dahil kinagat niya na naman leeg ko.
"Damn it." Hindi ko na alam ginagawa niya.
Kung lasing ako kanina, ngayon mas lalo akong nalasing. Nalalasahan ko pa alak sa labi niya. Halo-halo na nararamdaman ko at hindi ko ma-explain iyon, hindi ko alam anong klaseng pakiramdam iyon.
Ilang minuto akong naka-patong sa kanya, at natauhan lang kami pareho dahil may naramdaman ako sa baba! Jusko... Ito na nga ba sinasabi ko, ang landi mo kasi Chivalry! Ayan tangina, may nagising na sa katawan niya. Nakakahiya! Hiyang-hiya ako, nawala ata alak sa katawan ko sa hiya.
Binaba niya 'ko at nag-mamadali siyang pumunta sa kwarto niya, kumuha pa siya ng dalawang damit, binigyan ako e.
"I'm going to take a bath, wait for me," tumango lang ako.
Nahihiya ako, at ngayon ko lang naramdaman yung hiya. Kalandian kasi e. Ngayon ko lang din napansin na naka-tube bra nalang ako, nasa baba ko na kasi yung dress, hindi ko alam kung paano niya naalis yon. Baliw na baliw ako sa nararamdaman ko kanina.
Inayos ko sarili ko at pumunta sa cr dahil tapos na siya, malaki ito at mabango. Mabilis lang akong naligo para mahimasmasan ako, mag-bibihis na sana ako kaso may naka-agaw ng atensyon ko. Yung katawan ko.
Putangina.
Puro pula leeg ko! Anong gagawin ko gago? Baka palayasin na 'ko ng Tatay ko nito.
Tinignan ko naman yung damit, long-sleeve ito at maitatago leeg ko. Meron din siyang pajama na sinama. Sinuot ko naman agad ito at lumabas. Gusto kong patuyuin buhok ko dahil meron siyang blower. Itututok ko na sana sa buhok ko, kaso inagaw nitong isa at siya na gumawa.
YOU ARE READING
The Last Girl Standing
Teen FictionChivalry lives a life that most people would never understand. To others, she's just a normal student trying to get through school and enjoy time with her friends. But behind that simple life is a world she has always known-one that requires strengt...
