Chapter 30

237 6 1
                                        

Drunk

Chivalry’s POV

"Mga bwisit kayo!" Inis kong sigaw sa kanila.

Putragis, kanina pa 'yan sila. Kinikiliti nila ako! Hindi ko alam kung bakit, mga peste sila. Pag-pasok na pag-pasok ko, nang-asar agad sila at nangingiliti.

"Hahaha! Ilabas mo na baon mo!" Pang-aasar ni Lysander.

Pinukawan ko siya ng masamang tingin, "Letche! Bibitawan niyo 'ko o sasaksakin ko kayo isa-isa?"

Binitawan naman agad nila ako, mukha silang tuta na pinagalitan ng amo. Inis akong lumapit sa bag ko para kunin yung tatlong malaking chichirya, binato ko sa kanila 'yon para pag-hatian nilang lahat. Hindi pa 'ko pinapansin ni Ian.

E, ano naman kung hindi ako pansinin? Kawalan ba siya? Sus.

Lihim akong napa-irap, pero napansin ata iyon ni Vincent dahil naka-tingin siya sa akin.

"Bakit ka umiirap? May kaaway kaba, Val?" Takang tanong niya habang ngumunguya.

Inirapan ko nalang siya at tumalikod na, nakakainis. Paano ako papasa na may mataas na grades kung hindi pumapasok mga subject teacher namin? Puro nalang kami kain, ubos na ata pera ko. Pangalawang balik ko na 'to sa cafeteria. Ganito ba talaga kapag hindi paborito? Hindi priority. Nakaka-bwisit.

Pumunta muna ako sa cr, retouch lang. Sabi kasi ni Darcey, mas maganda kapag naka-light make-up ako. Ako naman 'tong si uto-uto, talagang nag-light make-up ang gaga. Nag-powder lang ako at blush on, kaunting lipbalm at mascara. Para naman mag-mukha akong tao sa paningin ng iba.

Pakiramdam ko kasi, kapag wala kang make-up hindi ka tao.

"Pwede na," Sabi ko sa salamin.

Ganda e, ganda-ganda ko.

Kahit anong ganda ko, kung may halimaw naman sa tiyan ko. Wala pa rin, baka ma-turn off pa kapag may ka-date ako, isipin patay gutom ako. Kapal ng hiya kapag ginawa ko pa 'yon, lantakan kumain habang nasa date. Balasura ang putek.

Napa-tingin ako sa phone ko dahil nag-vibrate, mukhang nag-chat yung gc.

ANNOUNCEMENT GC

PRES:

No class tomorrow, suspended. Gagamitin ng juniors room ng mga seniors. Marami sila. Thanks, keep safe.

VP:

Since no class tomorrow, I expect na magagawa niyo yung pinapagawa ng mga Teachers.

Vp pala namin si Ian, lupit din nito e. Strict, pero mabuti na rin iyon. Hindi yung tatamad-tamad mga kaibigan niya, tapos officer pa siya. Kunsintidor siya kapag ginawa niya 'yon. Maganda na rin na alam namin agad na walang pasok or something, no'ng una kasi hindi e, lintek ayaw kasing kausapin ng ibang counsil officers namin. Mabuti pa si Viv at Lysandra, nakikipag-usap sa amin, at inuutusan mga kaklase niya na mag-announce sa amin tuwing walang pasok.

Isa pa 'tong si Damon, puro rin kasi kalokohan kaya ayaw siyang kausapin. Barumbado kung sumagot, kung siguro ako president ng councils, sinaksak ko na siya ng ballpen kapag pinilosopo ako.

Bumalik na 'ko sa room, wala pang tao sa cafeteria. Maaga pa kasi, wala pa yung students. Palibhasa sinisipot sila ng mga subject teachers nila kaya sakto sa oras kung lumabas sila at mag-recess.

"Tss, akala naman ata nila mamamatay sila kapag sumipot sa amin." Bulong ko.

"Gago!" Nagulat ako dahil sumigaw si Claude na nasa tabi ko na pala.

The Last Girl StandingWhere stories live. Discover now