Missing
Chivalry's POV
"Punyeta, tantanan niyo ’ko!" Inis kong sigaw sa mga kupal.
Nandito silang lahat sa bahay, ang daming pagkain at ang nakakainis, sobrang kalat nila at ang ingay! Nakakahiya sa mga kapit-bahay namin, baka i-report kami bigla.
"Hoy! Gago yung manok nawawala!" Sigaw ni Ethan kaya lahat kami napahinto.
"Sinong patay gutom ang kumuha? Sumagot na! Hindi na kayo makaka-ulit sa amin!" Inis kong sigaw.
Inis dahil gutom na gutom na ’ko.
"Huli kang gago ka! Nag-tatago kapa ha!" Sigaw naman ni Tobias habang hawak-hawak sa damit si Vincent.
Nasa bibig niya pa yung manok habang hawak yung isang pinggan na puro manok, akala niya ba hindi siya mabibilaukan sa ginagawa niyang ’yan. Nag-tatago amputa.
"Hoy! Abusado kang kupal ka! Lumayas na nga kayo rito, ayaw niyong umayos!" Halos lumuwa na mata ko sa sobrang inis ko sa kanila.
Wala namang party o kahit anong events pero kung makapag-ingay, akala mo sila lang tao rito e. Mamaya, magalit pa mga kapit-bahay namin dito sa subdivision, sina Papa at mga Kuya ko nasa... ewan, hindi ko alam. Hindi pa sila umuuwi e, wala rin katulong namin.
"Oo na, galit na galit gustong mang-halik. Hahaha!" Pare-pareho silang natawa.
"Ayan! Diyan kayo magaling, pag-dating sa kalokohan iisa lang takbo ng utak niyo!"
"Where’s Cala and Cali?" Sulpot na tanong ni Ian.
"Mag-hintay ka sa sofa, kukunin ko para sayo." Ngumiti naman siya sa ’kin pero tumalikod agad ako.
Tangina ano ’yon? Bigla akong nahiya.
Bigla akong naka-rinig ng tawanan sa pwesto nila Ian, nagmadali na ’kong umakyat para kuhanin sila sa kwarto ko.
"Babies! Come here, ibababa ko kayo sa kanila." Tawag ko, sumunod naman sila pareho kaya kinarga ko na.
Naka-diaper at damit sila kaya hindi mabaho at madumi, hindi ko rin kasi sila pinapalabas unless ako ang kasama. Baka mamaya, maputikan o mapag-tripan ng mga bata, e biglang tanggalin mata nila. Pusa pa naman madalas pag-tripan ng mga batang tambay. Bumaba na ’ko, walang pinag-bago, napaka-ingay pa rin nilang lahat. Maliban sa tatlo, naka-upo sa sofa, yung iba naman napapa-iling nalang sa ingay nung iba, lalo na sa boses ni Vincent, Tobias at Ethan. Hayop sila, paligsahan sa sigawan. Akala mo naka-lunok ng mikropono.
"Oh, ito na sila. Hawakan mo muna, kukuha ako pagkain nating dalawa."
"Wow, invisible ata tayong dalawa rito Icarus. Hindi tayo dinamay." Pang-aasar ni Aiden. Hinawakan niya pa braso ni Icarus, kaya itong isa nainis.
"Fuck, don’t touch me." Inis niyang bulyaw sa isa at tumayo para lumipat ng pwesto.
Tatawa-tawang sinundan ni Aiden si Icarus, wala na ’kong nagawa kundi pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain namin.
"Your dad told me na mag-sleep over kami rito, since tomorrow the class is cancel again due to... I don’t know."
"Lupet din ng univ natin ah, panay cancel e kaka-pasok pa lang. Pakiramdam ko wala na ’kong natututunan." Mahina naman siyang natawa sa sinabi ko, "Ay teka, anong sleep over? Gago ba kayo? Hindi pwede!" Sigaw ko sa mukha niya.
"Your dad insists! Don’t shout at me!" Pabalik niyang sigaw.
"Wala akong pake!"
"Then I don’t care too! Wether you like it or not!"
YOU ARE READING
The Last Girl Standing
Novela JuvenilChivalry lives a life that most people would never understand. To others, she's just a normal student trying to get through school and enjoy time with her friends. But behind that simple life is a world she has always known-one that requires strengt...
