Cousins
Chivalry's POV
"Congrats to all of you, you can now go home and take a rest." Biglang lumipat mata ni Papa sa akin kaya napa-iwas ako ng tingin, "And you, go home! Puro ka talaga kalokohan bata ka!"
"Ako na naman! Mahal mo paba 'ko?!" Pagda-drama ko, napahawak siya sa dibdib sa gulat dahil sa sinabi kong iyon.
Pati mga kasama ko nagugulat na nilingon ako, samantalang yung katabi ko natatawang umiiling lang sa kalokohan ko, animo'y sanay na sanay na sa akin.
"What the.." Umiiling ito habang tinalikuran ako, raulo.
"Joke, uuwi na 'ko. Pagod na 'ko e." Sabi ko, napa-tayo naman yung iba. "Wait, magi-sleep over sila sa bahay, Pa?" Tanong ko.
"Yes, tutal cancel naman pasok niyo bukas. Para makasama mo si Irvin.." Narinig kong sabi niya, pero ang hindi ko marinig e yung huli niyang sinabi dahil binulong niya nalang.
Ano bang meron at ang hilig nilang bumulong? Daig pa mga bubuyog e.
"Ay.." Lahat sila naka-ngiting naka-tingin samantalang ako inirapan lang sila.
"Aray!" Malakas kong sigaw kaya napa-tingin sila sa akin, wala akong nagawa kundi umiling.
Sinamaan ko ng tingin yung lapastangan na kumurot sa tagiliran ko, pero ang bwisit patay malisyang nakikinig sa tatay kong hilaw. Hinila ko patilya niya kaya napasigaw rin siya, this time nahuli ako ni Papa, nanlisik pa mata niya sa akin. Amputek na yan.
"Umuwi na kayong lahat, pilitin niyong gumising ng maaga. Bibisita mga pinsan ni Chivalry." Bigla nalang siyang tumingin kay Ian kaya tumahimik paligid.
Nyare sa itsura nila? Biglang sumeryoso e, pati paligid nanahimik.
Hindi ko nalang sila pinansin, kinurot ko yung katabi ko para ayain kong umuwi. Kanina pa 'ko inaantok, "Uwi na tayo, antok na 'ko."
Pabebe pa e.
"Yeah, we're going." Hinatak na lang niya 'ko palabas.
Bastos na bata, hindi pa nga 'ko nakakapag-paalam sa Tatay ko. Hatakin daw ba ako bigla palabas, kita ko tuloy na nagulat sila.
"Wait, ihahatid muna kita sa car. Ilo-lock ko iyon, matulog ka muna may iche-check lang ako." Tumango nalang ako, inaantok na 'ko at ayoko nang kumontra pa.
Pumasok na 'ko sa kotse niya at nahiga, narinig ko namang ni-lock niya iyon sa labas kaya natulog nalang ako. Wala rin naman akong gagawin, isa pa nasa kanya cellphone ko. Siya humawak, aalisin niya raw number nung nag-text, at susubukang baguhin number ko.
Sa kalagitnaan ng tulog ko, hindi ko alam kung panaginip ba iyon o totoo. Bigla kasing may humalik sa noo ko at inayos mga butil ng buhok ko, sina-walang bahala ko nalang iyon. Sigurado akong panaginip lang iyon. Isa pa, may ginagawa si Ian ano hindi iyon pupunta agad dito.
Nagising ako dahil may tumatapik sa mukha ko, kinusot-kusot ko pa mata ko bago may mag-salita ulit.
"Cha, wake up. We're here. Our friends is already in your house. Get up."
"O-okay." Akmang bababa na 'ko pero nadulas ako sa apakan!
"Be careful." Shit na malagkit, bakit ganon boses niya inaakit ako huhuh!
"T-thank you, mauuna na 'ko." Sabi ko habang nag-mamadaling umalis sa kamay niya.
Mamaya may maka-kita e.
Ano naman kung may maka-kita? Masama ba?
Hindi naman, nag-iingat lang sa mga tukso ng paligid.
YOU ARE READING
The Last Girl Standing
Teen FictionChivalry lives a life that most people would never understand. To others, she's just a normal student trying to get through school and enjoy time with her friends. But behind that simple life is a world she has always known-one that requires strengt...
