Concern
Vincent’s POV
Naabutan kami ni tita na sugatan ang katawan, ganon din si tito.
"What the hell? What happened to all of you?! And my daughter.." Galit na tanong ni Tito.
"Intruders po, ang dami. Halatang si Killian po talaga puntirya, siya po napuruhan. Samantalang si Kelly, ginawa lang pong pain." Ako na sumagot, wala naman silang kwenta sumagot.
"Oh, where’s my son? Is he okay?"
"Hospital na po, kasama si yung classmate namin na babae," nagulat kami dahil parang teenager na kinilig si Tita sa narinig.
"Hon? Why are you..." Natawa ako dahil sa itsura ni Tito, parang tutol e.
"What’s her name again?" Hindi niya pinansin si Tito at sa amin bumaling. Kita ko pang napabuga nang hangin si Tito sa kawalan. Hahaha!
"Chivalry Laurent po," sagot ni Amaya.
"Laurent? Is she connected to Calvin Laurent?" Tumango naman kami, kita kong nagulat silang dalawa ni tito, "W-wow, that’s explain why she looks like female version of Calvin." Tango-tangong sabi ni tita.
Ngumiti lang ako at nag-paalam na, "Mauuna na po kami, Tita. Pupuntahan na po kami namin sila sa Hospital."
Ngumiti siya sa amin, "Go ahead, thank you for saving my daughter. Take care of my son."
"Opo," umalis na kami, baka magalit na si Killian kapag wala pa kami.
"Where do you think you’re going?" Nagulat ako gago! Hinablot ako ni Jaiden.
Inis ko inalis kamay niya sa damit ko, "Hospital, pupuntahan namin si Killian at Val."
Nagulat siya sa narinig niya, "W-what happened to her?" Her? Kapal, si Val lang tinanong.
Malamang, Vincent si Val ang pinsan at kaaway si Killian.
"Intruders, napuruhan." Sagot ko nalang.
"Hospital? What hospital?!" Tangina nito, kung wala lang nakatingin sa amin sinapak ko na ’to.
"Vergara hospital." Iniwan ko na siya at sumakay na.
Chivalry’s POV
Nagising ako dahil sa lamig ng aircon, alam kong nasa hospital na ’ko. Naaninag ko na kanina e. Pero ang pinag-tataka ko, nasaan na naman mga kasama namin? At nasan si Killian? Wala siya rito, hindi ko maramdaman presensya niya.
"A-ah.." Sakit ng katawan ko, lalo na sa binte ko.
"Fuck! Damn it!" Nagulat ako dahil may sumigaw sa gilid ko.
Agad kong sinilip iyon, pareho pa kaming nagka-gulatan ni Ian. Nasa iisang room lang pala kami, ang dami niya ring sugat. May benda pa siya sa braso at kamay niya.
Agad akong tumayo para lapitan siya.
"Ano? Anong masakit sayo? Huwag ka munang tumayo!" Natataranta kong sigaw.
"My arms hurt, I need kiss." Nagulat ako sa sinabi niya, pero mas nagulat ako dahil ngumuso siya.
"Shut it, humiga ka lang at mag-pahinga." Inirapan ko ito, pero ang loko tinawanan ako.
"I don’t want to," sa sobrang inis ko sa sinabi niya, salubong ang kilay kong hinarap ko siya.
"Umayos ka! Nag-aalala ako sayo punyeta ka!" Sigaw ko.
Nagulat siya pero naka-bawi rin agad siya, ngumisi bigla kaya mas lalong kumunot noo ko.
"So.. You’re concern," inirapan ko lang ito at tinalikuran siya. "Come here, sit beside me."
YOU ARE READING
The Last Girl Standing
RomanceChivalry lives a life that most people would never understand. To others, she's just a normal student trying to get through school and enjoy time with her friends. But behind that simple life is a world she has always known-one that requires strengt...
