CHAPTER 39: RAMP

0 0 0
                                    

Faye's POV:

"Sinong nagpapasok sayo?"

Napataas ang kilay ko kay Christine ng makita ko siya sa living room namin. Magt-text palang dapat ako sa kaniya kaya nagulat ako na nandito na siya agad.

"Yung maid niyo. Si Neca hehe."

Umirap ako at umupo sa tabi niya. Napansin ko ang bitbit niyang malaki at lumang bag.

"Anong laman nyan?"

"Ano...damit. kasi ito yung mga dress ko sa bahay. Papapiliin sana kita kung anong mas maganda na gamitin ko. Magaling ka tumingin sa mga damit diba, Faye?"

Ofcourse.

"Let me see."

Napangiwi ako ng makita palang ang tela ng mga damit niya. Kinuha ko ang mga iyon at sinipat. Bago pa naman ang iba pero lahat ay pang old fashioned at pang manang sa laki.

"Seriously? Ito na yon?"

"Oo. May napili ka ba?"

Wala.

"This is all so plain and boring. Dapat tinatapon na mo na 'to o kaya binabasahan."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at mukhang na offend para sa mga damit.

"NICA! Come here!"

"Yes ma'am?"

"Pakikuha mo nga yung yellow plastic sa kwarto ko. Nandon yung mga dress na ibibigay ko na kay Christine. And get us a two glass of juice."

"Okay ma'am. What flavor po? Orins o grips?"

A what?!

Seriously? May sakit ba sa dila itong si Nica?

"Lemonade. Bilisan mo na." Nagtitimping sabi ko.

"Oki ma'am."

Napatingin ako kay Christine na manghang nakatingin sa buong bahay namin. Para siyang tangang nakatulala sa malaking tv.

"Ang ganda talaga ng bahay nyo, Faye. Nandyan ba ang mommy mo?"

"She's in her office. Why? Takot ka parin ba sa kaniya?"

"Oo. Nakakatakot kaya siyang tumingin."

Nung nakita kasi kami ni mommy na magkasama noon ay nagalit ito. She told me that I shouldn't hang out with someone like her. Bagay na hindi ko naman sinunod dahil mabait naman si Christine at matigas din ang ulo ko.

I don't like it when she's telling me what I should do.

"Try to walk again. That's my heels."

Tinuro ko ang red heels ko na kasing taas lang nung nagturo si Denise sa amin. Kinuha niya naman ito at agad sinoot.

"Fit ba sayo?"

"Oo sakto lang. Lalakad naba ako?"

"Yeah. Start over there."

Pumaling ang ulo ko at pinanood ang paglalakad niya. Mabagal iyon at para siyang matutumba.

So Denise was right about her huh.

"Sa harap ka tumingin at wag sa mga paa mo. Walk again."

INLOVE WITH A GAYWhere stories live. Discover now