CHAPTER 33: TEASE

0 0 0
                                    

Faye's POV:

As expected, hindi ako pinapansin at kinakausap ni Yasher. Nagalit din ang organizer ng malaman na umalis ako ng hindi nagpaalam.

"Yash... let's talk please."

Bulong ko sa gilid niya na hindi naman nya pinapansin. Nagdadaldal ang organizer at ang tour guide sa harap pero imbes na makinig ay kinukulit ko lang siya.

"Yash please. Sorry na."

Bulong ko ulit pero nakita kong umirap lang siya habang nasa harapan ang tingin. Napalingon ako sa likuran at nakitang nakatingin sa amin si Raven.

"Yash. Let's talk-"

"Faye."

Nagpatahimik ako ng marinig ang warning voice ni ma'am na nasa tabi ko na pala. Tinignan ko siya at nakitang masama na ang tingin nito sakin.

Problema nito?

"Wala ka bang respeto? May nagsasalita sa harap, hindi ka nakikinig." Madiing bulong niya.

Napairap ako at tinignan si Yasher na hindi parin namamansin.

Kainis.

Bukas ng umaga ay uuwi nadin kami pabalik ng Maynila kaya binigyan na kami ng oras para mag enjoy at maligo dito sa hydro falls.

Maganda ang falls at malinaw ang tubig pero hindi naman ako makaligo dahil naka napkin ako ngayon.

Badtrip diba? Sumabay pa talaga.

"Yash. You really wouldn't talk to me?"

Tanong ko nang mapadaan siya sa harapan ko. Napahinto naman siya sa paglalakad pero nanataling nakatalikod sa akin. Mukha din syang maliligo dahil wala na siyang damit at may nakapatong na tuwalya sa balikat.

Topless ang bakla.

"What's there to talk about?"

Napahinto ako ng marinig ang seryosong boses niya. Lalaking lalaki at hindi inipit o pina arte.

"I don't want us fighting like this. Let's talk please."

"No."

Nagpatuloy siya sa paglalakad at hindi na nilingon pa ang mga pagtawag ko. Lumapit siya sa batuhan at nilapitan agad ni Bianca.

"Faye."

Lumingon ako kay Raven na nasa likod ko. Napaiwas ako at napairap ng makitang nakatitig nanaman siya sakin.

Hindi naman ako galit dahil hindi nya din naman kasalanan pero naiinis ako.

"What?" Mataray kong tanong.

"Sorry. Ako pa yata ang dahilan kung bakit kayo nag aaway ngayon."

"It wasn't your fault."

Lambing lang naman ang kailangan ni Yasher para makapag ayos kami.

Nilingon ko siya at nakita syang naka yuko. Suminghap ako at hinawakan ang kanang balikat niya.

"Really. It's okay. Don't worry about it. Ako pa nga ang dapat humingi ng pasensya sayo dahil nakitulog ako sa inyo."

He smiled.

Napaiwas agad ako dahil kakaiba talaga ang aura niya kapag nakangiti siya sakin.

Sorry lord. Loyal ako kay Yasher pero tao lang. Nag-gwapuhan.

INLOVE WITH A GAYWhere stories live. Discover now