Raven's POV:
Ang tindi ng babaeng 'to.
Nagpasundo pero ayaw naman umuwi sa kanila. Tulog na tulog na siya ngayon at hindi ko na talaga magising kaya no choice ako kundi dalhin nalang siya sa bahay.
Parang naiinis nadin kasi sakin ang driver ng taxi dahil wala akong masabi kung saan kami bababa.
Akala ko ay kung anong nangyari nang tawagan niya ako kanina, yun pala ay nasa bar nanaman siya. Nag iinom at mukhang may tinakasan na lalaki.
"Can you pick me up, baby?"
Malambing ang boses niya ng itanong niya yan sakin kanina. Kahit nagr-review at nagpapahinga na dapat ay hinanap ko agad siya sa mga bar ng Roxas.
Kung saan saan ako nagpunta at ilang tao din ang napagtanungan ko.
Alam ko din na hindi naman dapat ako ang tatawagan niya dahil nga iba ang tono ng boses niya kanina at 'baby' pa ang tawag.
Yun yung Yasher.
Hindi ko alam kung sila talaga pero halata naman na may something sa kanilang dalawa. Pinagseselosan din ako nung field trip.
Ah, walang may pake Raven.
Wala naman talaga dapat akong pakialam at hindi dapat ako apektado dahil gusto ko lang naman siya. Kumbaga, crush lang.
Hindi ko din alam kung paano at kailan ko siya nagustuhan. Aminadong mapili ako sa babae at pag aaral lang talaga ang focus ko ngayon pero nung nakilala ko siya ay nahulog agad ang loob ko.
Sa totoo lang ay siya pa lang ang nagustuhan ko ng ganito. Pero alam ko naman na hindi pwede dahil nasa iba na ang atensyon niya.
"Faye? Gising, huy..."
Marahan kong tinapik ang balikat niya at dahan dahan naman siyang nagising. Binayaran ko agad ang taxi at inalalayan siya palabas.
"Where are we?"
Tanong niya habang nakapikit. Nakahawak ako sa katawan at bewang niya para mas maalalayan siya sa paglalakad.
Bakit kasi siya naglasing?
"Is this your apartment?"
"Oo."
Humiga agad siya ng makita ang kama ko sa gilid. Isang kwarto lang kasi ito dahil ako lang naman ang mag isang nakatira.
"Ano bang nangyari sayo? Bakit ka naglasing?"
"I'm not drunk okay? He fucking spike my drinks."
Yamot niyang sabi habang nakahiga at nagkakamot ng paa. Napaiwas ako ng tingin dahil tumaas ang maikling palda na soot niya.
Umayos ka, Raven.
"Alisin mo nga 'to, ang kati."
Suminghap ako at lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang isang paa niya at maingat na tinanggal ang soot niyang heels.
"Fuck. My head is spinning."
Bulong niya habang nakadukdok ang mukha sa unan. Tinanggal ko ang pangalawang sapatos niya at binaba ang tumataas niyang palda. Napangiwi ako ng mabilis niyang hampasin ang kamay ko.
"Hayaan mo nga yan!"
"Tumataas yung palda mo-!"
"So what?! Tss."
Kinuha ko nalang ang kumot at pinatong sa katawan niya. Napasimangot naman siya at agad iyong tinapon sa sahig.
YOU ARE READING
INLOVE WITH A GAY
Novela JuvenilSamara Faye Schmidt is deeply inlove with Yasher Monteverde. Her gay bestfriend. and the worst part is, Yasher never look at her way, even if she grow penis in her body like a man or beg him to love her too. He's just too good for her. But Faye can'...