- 6 -

1.6K 55 3
                                    



☪⋆。˚┊˚✩ ┊


Naglalakad ako sa isang malawak na damuhan.

Hinahangin ang aking buhok at sa asul na langit ay malayang nakakalipad ang mga ibon.
Kayganda ng Dana, ang Berdeng Isla, dahil dito matatagpuan ang mga sakahan, taniman at halamanan.

Pero hindi lang ito berde-- isla ito na puno ng iba't-ibang mga kulay. Pula, kahel, lila, tsokolate, dilaw at marami pa.

Pinadaan ko ang aking mga kamay sa matataas na damo, isang ngiti sa aking labi. Sa taas ng mga burol, nagka-kantahan ang mga manggagawa, bibit ang mga inaning prutas sa balikat, at ang mga bata'y nagtatakbuhan sa hardin ng mga bulaklak.

Kabigha-bughani ang islang ito. Sana'y dito na lang ako, malayo sa mga taong namumugot ng ulo ng mga dalaga.

Bigla na lamang naging pula ang langit.

At umulan.

Nagsigawan ang mga bata at nagtakbuhan ang mga tao. Naiwan akong nakatayo sa damuhan, saka ko napagtantong. . . ang damit at buhok ko'y puno na ng dugo--

"Tulungan mo ko."

Isang kamay ang mahigpit na humawak sa aking bukung-bukong.

Ang babaeng pinugutan kanina! Gumagapang ito at wala ng mga paa.

"Tulungan mo ako. . . Mga halimaw sila!"

"Bitawan mo 'ko," naiiyak kong sigaw habang pinipilit kumawala sa hawak niya. "Parang awa mo na. . ."

Ngunit siya'y bingi sa aking pakiusap.

"Halimaw sila! Halimaw! HALIMAW!!"

Nabalot ako ng matinding takot, lalo na ng mapalitan ang mukha niya. . . ng mukha ko.

"MGA HALIMAW!!!!!"




☪⋆。˚┊˚✩ ┊



Nagising akong hinihingal at pawisan ang noo. Panaginip? Hindi-- bangungot!

Nanginginig akong umupo at niyakap ang aking mga tuhod pagkatapos kong himasin ang aking mga paa. Pakiramdam ko'y nasa paanan ko pa rin ang babae at gapos pa rin niya ako. Balot pa rin ako ng takot.

Si Lax. Kailangan ko si Lax.

Mabilis kong kinapa sa dilim ang isang pindutan sa dingding sa uluhan ng kama at pinindot iyon. Sabi ni Lax darating daw siya kaagad kung sakaling kailangan ko ng tulong niya. Pinindot ko iyon nang paulit-ulit sa kagustuhan kong mapabilis ang pagpunta niya.

Kalma, Iris. Kumalma ka.

Ayaw matanggal sa isip ko ang pagsigaw ng babae ng 'Halimaw!' at ang mga maliliit na ngiti sa mukha ng Hari at Reyna. Ayaw niya. Ayaw. Ayaw. Ayaw.

ParaislaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon