- xv -

965 33 6
                                    



☪⋆。˚┊˚✩ ┊


"Heto na po ang inyong pinahanda, mahal na Dukeng Kavner."

Ipinatong ang platong may takip sa kanyang harapan. Iniangat ang takip ng kanyang lingkod at umalingasaw ang mabangong amoy ng karne at gulay. Pagkatapos ayusin ng lingkod ang unan sa kanyang balakang, tumayo na ito sa gilid ng silid upang maghintay ng anumang utos.

"Matagal kitang hindi natikman," bati ng matanda sa karne na parang si Brigitte ang kanyang kausap.

Hindi naman masama ang batang iyon.

Nang bilhin niya ito sa mababang halaga, nalaman niyang hindi naman pala siya magsisisi sa kanyang nabili. Inalagaan niya si Brigitte at pinabalik ang lakas nito. Buong araw silang nagku-kwentuhan tungkol sa buhay ng isa't-isa.

Halos papasa na sila bilang mag-ama. Iyon ang hindi niya matupad-tupad sa kanyang buhay. Ang magkaroon ng anak.

Kaya tuwing makakabili siya ng konsorte, hindi niya ito tinuturing na alipin para sa pakikipagtalik tulad ng ibang duke. Tinuturing niya ang mga dalaga bilang anak.

Napakasayang kausap ng batang iyon, isip niya.

Pero mas mahalaga ang kanyang buhay kesa sa dalaga. At ngayon, dumating na ang araw upang mapakinabangan ang lahat ng kanyang mga ginawa.

Nagsubo siya ng isang hiwa.

Perfecto. Sumasabog sa sarap ang karne. Kaya mabilis niyang iwinasiwas ang kubyertos. Hiwa. Subo. Nguya. Lunok. Isa iyong gawaing kinasanayan niya.

Nang matapos siya sa isang plato, dinala ang isa nanaman. Limang plato pa ang naubos niya bago siya makarating sa panamis: ang puso.

Ang puso, na siyang elixir ng lahat ng katulad niya. Ang makakakumpleto sa gusto niyang marating na estado ng lakas at edad.

Ang paboritong parte ng lahat.

Kinamay niya ito at ibinitin sa ere sa tapat ng kanyang bibig, nilalasap ang dugo na tumutulo dito. Napakasarap. Dumulas ito sa kanyang dila at nginuya niya ito na parang isang kakaibang prutas.

Mahimbing ang tulog niya nung gabing iyon. At kinabukasan, tumatawa siyang nakatunghay sa salamin. "Matagal kitang hindi nakita!"

Kausap niya ang kanyang repleksyon: isang makinis at morenong binata, edad tatlumpung taong gulang. Pulang mata at pilak na buhok.

Wala na ang kulubot sa kanyang balat at ramdam niya ang lakas at pagkabata. Nag-unat siya at tinabig ang saklay sa tabi ng kama na ngayo'y hindi na niya kailangan.

"Getham!" tawag niya sa kanyang lingkod. "Kumuha ka ng dyobos at kulayan mo ang aking buhok."

"Masusunod, Duke."

Tumingin siyang muli sa salamin, kuntento sa naging resulta ng Pagkalap para sa kanya. Ngayon, kailangan ko ng kunin ang pabor ng magiging Prinsipe. Masaya siyang hinainan ng iba pa nyang lingkod ng almusal.

"Maraming salamat, Brigitte."


☪⋆。˚┊˚✩ ┊

☪⋆。˚┊˚✩ ┊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ParaislaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon