- 12 -

1.4K 45 14
                                    



☪⋆。˚┊˚✩ ┊


Hanggang sa mga hita ko ang kanyang polo. Mas mahaba pa sa mga braso ko ang manggas, ngunit ako'y komportable. Ang sarap sa pakiramdam.

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko ang Prinsipeng nakaupo sa kama na may binabasa. May maliit na twalya ito sa kanyang leeg at nakapagpalit na rin siya sa isang puting kamiseta.

May suot siyang salamin. Ah, napakagwapo niyang tingnan na may salamin!

Nag-angat siya ng tingin sa'kin at ngumiti. Nahuli ang puso ko sa aking lalamunan. "Ah, tapos ka na pala."

". . . Salamat sa pagpapahiram ng damit, Kamahalan."

"Walang anuman. . ." Binaybay ng kanyang mga mata ang aking pigura na nagpamula sa aking mga pisngi.

"Nakakatawa," sabi nito at inusog ang salamin sa kanyang ilong. "Tuyo na ako ngunit ako'y nilalamig pa rin."

Lumapit ako sa kanya at parang pusang umakyat sa kanyang kama. Umupo ako sa harap niya, sa gitna ng mga nakauwang niyang hita, at isinandal ang aking likod sa kanyang dibdib. "Sapat na ba ang init ko, Kamahalan?"

Huminga ito nang kuntento at kinulong ako sa kanyang mga braso. "Mm."

Nakita ko ang hawak niyang libro. O tingin ko'y isa itong libro, ngunit may makintab at makinis na mga pahina. "Ano iyan?"

"Ah ito? Isa itong magasin mula sa Hana," sagot niya. Binuklat niya pa ang mga pahina at nakita ko ang mga litrato dito ng iba't-ibang isla.

Ngunit ngayon ay naka-sentro ito sa Isla ng Rena. Ang aking pinagmulan. "Saan mo gagamitin ito?"

May saya sa kanyang boses. "Naisip ko kasing dapat kong pag-aralan ang pamumuhay sa mga isla ngayong malapit na akong maging Hari. Kahit na sa libro lang ito, pakiramdam ko'y nakapunta na ako doon."

"Hindi pa kayo nakakapunta sa kahit anong isla?" gulat kong tanong.

Umiling si Naven. "Mahigpit ang Hari't Reyna. Lalo pa't ako lang ang tagapagmana nila."

Tinuro niya ang isang litrato ng bata sa magasin.

"Naalala ko ang mga sinabi mo sa'kin noon. Na maraming nagugutom na bata sa Rena. Sa totoo lang, marami akong nais gawin upang solusyunan iyon balang araw."

Pinanood ko ang sinseridad sa kanyang mga mata habang tinititigan ang mga litrato. Wala akong ibang masabi. Nawalan ako ng mga salita na gusto kong sabihin sa kanya.

Noon, akala ko'y isa siyang aroganteng prinsipe na minamaliit lamang ang mga nasasakupan niya.

Ngunit ngayon. . .

"Noon wala akong rason at ganang manahin ang kaharian. Buong pagkabata ko'y tanging agawan lang sa kapangyarihan ang aking napagmasdan. Naisip kong. . . Ayoko nito. Ayoko ng kapangyarihan," mahinang sabi ni Naven at hinaplos ang aking pisngi. "Ngunit nagpapasalamat akong dinala ka ng Pagkalap sa'kin, Iris. Dahil sa'yo, natuto akong magpasalamat sa anong meron sa'kin."           

ParaislaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon