- xviii -

929 33 2
                                    



☪⋆。˚┊˚✩ ┊


Siyam na taon ang nakakaraan . . .




"Huh?!" sabi ng sampung-taong gulang na batang lingkod, mga asul na mata'y napakaseryoso. "Mali ba ako ng narinig, Kamahalan?"

Ang sampung-taong gulang na Prinsipe ay umiling habang nakaupo sa harap ng piano. Ngumiti ito nang matamis at nagningning ang pula niyang mga mata. "Tama ang iyong narinig, Lax."

"Pero--" Nag-aalangan ang batang lingkod. "--Hindi ko iyon kayang gawin."

Pumindot ng isang tipa sa piano ang prinsipe. "Kaya mo. Nagtitiwala ako sa'yo."

"Ngunit kaibigan kita! Paano ko--"

"Kaya nga dapat tuparin mo ang pangako mo sa'kin."

Ngumiting muli si Naven at kinuha ang kamay ni Lax. Ipagkakatiwala niya sa kaibigan niya ang kanyang hiling. Ang kanyang buhay.

"Naven," naiiyak na sabi ni Lax.

Pinagyakap ni Naven ang hinliliit nilang dalawa sa isang pangako.

"Tuparin mo ang pangako mo sa'kin Lax," sabi nito habang nakatitig sa mga asul niyang mata. "Na kapag natapos na ang rebelyon at napagtagumpayan niyo nang patayin ang buong angkan ko, ikaw mismo. . . ang pupugot ng aking ulo."

Hindi makapagsalita ang kanyang kaibigan.

"Lax," udyok nito. "Ipangako mong ikaw ang papatay sa'kin."

Umiiyak na ang batang lingkod. Pinunasan niya ang mukha gamit ng payat na braso. "P-Pangako, Kamahalan."

Kuntentong ngumiti ang Prinsipe. "Salamat nang marami, Lax. Salamat."

Hindi nila alintana, na sa labas ng bulwagan, sa likod ng pinto ay may nakikinig sa kanilang usapan.

Ang tiya ng Prinsipe. Ang nagsilbing ina ng prinsipe simula pagkabata. Ang tinuring na ina ni Naven kesa sa babaeng nagpanganak sa kanya.

"Patawarin mo ako, Naven," bulong ni Henrieta at naglakad na palayo. "Ngunit sa lahat ng iyong hiling, ito ay. . ."

Inalala ni Henrieta ang prinsipeng kanyang minahal at ang pangakong ginawa niya dito.

"Kapag wala na ako para sa anak ko, maaari mo ba siyang iligtas?"

. . . Ang prinsipeng kinuha sa kanya.

Prinsipe Gweneld, parehas tayong may nais protektahan. Ikaw ang iyong anak.

At ako. . .

Ang kinabukasan ng kahariang ito.


☪⋆。˚┊˚✩ ┊

☪⋆。˚┊˚✩ ┊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ParaislaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon