- 10 -

1.4K 49 6
                                    



☪⋆。˚┊˚✩ ┊


Umiiyak akong tumakbo papunta sa kwarto.

Pagpasok ko sa aking silid, nakita kong wala si Lax. Sinabunutan ko ang aking sarili. Hindi. Hindi ito maaari. Hindi ako pwedeng i-auction. Rinig ko pa rin ang tawa ni Kahra at ang mga masasakit na salita niya.

"Pasensya na lang ha, Iris?" sabi niya. "Wala ka nang tsansang maging Prinsesa. Pero sa totoo lang, alam ko namang mangyayari din 'to."

At tumawa siya kasabay ng aking pagluha.

Lax, nasaan ka? Kailangan kita ngayon. Parang awa mo na.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa silid ni Brigitte, katabi lamang ng akin. Pero bago ko buksan iyon, napatigil ako.

Paano kung hindi ako pwedeng pumasok dito? Ngunit wala namang sinabing bawal kaming bumisita sa kapwa naming Napili, di ba?

Huminga ako nang malalim at saka pinihit ang pinto.

Berdeng mga dingding at kulay ng apricot ang sapin sa kama. Ang mga mwebles ay gawa sa kahoy ng narra. Napakaganda. Isa nga itong kwarto ng Danaian. May mga paso ng halaman at bulaklak sa iba't-ibang sulok ng kwarto. Malinis at maayos ang lahat ng gamit.

Ngunit wala dito ang babaeng hinahanap ko.

Tahimik ang silid at tila hindi pa nagagamit. Tumaas ang mga balahibo ko sa mga naiisip. Hindi kaya may masama nang nangyari sa aking kaibigan? Nasaan na si Brigitte?

Isang kamay sa'king balikat ang gumulat sa'kin.

Agad akong napalingon sa likuran at nakita ko si Lax. "Iris, anong ginagawa mo dito?"

Walang ibang salita, pinalibot ko ang mga braso ko sa kanyang bewang at nilapit ang aking sarili sa kanyang init. "Lax, ayoko. . . Ayokong umalis. Dito lang ako."

"Ha? Pero, hindi ka dapat nandito. Magagalit si Henrieta."

Kumalas siya sa'kin at gamit ng dalawang hinlalaki ay pinunasan ang mga luha ko. Pagi-intindi ang nakaguhit sa kanyang mga mata.

"Sa labas na tayo mag-usap--"

"Hindi!" Pinigilan ko siya. Histerikal man ako sa paningin niya, wala akong pakialam.

Gusto kong magtago. Gusto kong malayo sa auction. Ayokong maging pagmamay-ari ng kahit sino.

"Dito lang ako, Lax. Ayokong lumabas. Ayokong pumunta doon!"

Bumuhos muli ang mga luha ko at hinawakan ni Lax ang gilid ng ulo ko. "Hinahanap ka na nila doon, Iris. Kapag hindi ka pa nagpakita... Baka--"

"Dito lang ako." Nanliliit ako sa pigura ni Lax. Nanginginig ang mga labi ko. "Dito lang ako. Hindi ako pupunta doon."

Huminga nang malalim si Lax at seryoso akong tiningnan. "Kailangan mong pumunta doon dahil nandun ang kaibigan mo."

ParaislaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon