- xix -

953 32 3
                                    



☪⋆。˚┊˚✩ ┊

Patay na ang mga ilaw at nakahiga na sa kama si Kahra, pinagmamasdaan ang kanyang bestidang pang-kasal na nakasuot sa manekin sa gilid ng kanyang silid.

Nakangiti nang malapad ang dalaga at hindi na makapaghintay sa koronasyon bukas. Sa wakas ay makukuha na rin niya lahat ng kanyang mga pinapangarap.

Isang gabi na lang.

Nakatulog siya nang mahimbing. Ngunit isang oras pagkatapos ay bigla na lamang siyang nagising nang may matabang kamay na nagtakip ng kanyang bibig.

"Magandang gabi, Prinsesa."

Bumati sa kanya ang dalawang pulang mga mata. Napuno ng takot si Kahra at sinubukan niyang sumigaw ngunit ang diin nang pagkakatakip sa kanyang bibig.

Tumawa ang dukesang nakatakas mula sa mga selda. "Bukas na nga pala ang iyong kasal, hindi ba?"

Dukesa Caleid!

Pumatak ang mga luha ni Kahra habang kumakapa sa kanyang kama ng kahit ano. Kahit anong makakapagligtas sa kanya.

Iligtas niyo ko, pakiusap niya sa kanyang isip, ngunit malalim na ang gabi at kahit ang buwan ay hindi siya naririnig.

"Ipagpaumanhin mo na, Prinsesa." Dinura ng dukesa ang huling salita na parang insulto. "Ngunit ako ang magsusuot ng bestidang iyan bukas--" Tumawa si Caleid. "--ngunit sa pigura kong ito, hindi iyan magkakasya sa'kin."

Hinimas ng dukesa ang panga ng dalaga gamit ng isa pang kamay. "Kaya naman, pahiram ng iyong edad at ganda, Kahra."

Tumawa ang dukesa na parang demonyo at gamit ng matutulis na mga kuko ay ibinaon ang kanyang kamay sa tyan ng dalaga. Bumulwak ang mga mata nito at umagos ang dugo sa puting mga sapin.

Kumuha ng laman loob si Caleid at inilagay ito sa kanyang bibig.

"Kaysarap!" sigaw niya at tumawa nang nakakapangilabot.

Inulit-ulit ito ni Caleid at kumalat ang dugo sa kanyang damit at mukha at sa sahig. Nagkalat ang mga lamang loob sa kama. Mabagal na namatay si Kahra sa kanyang mga kamay at nang matapos magpyesta si Caleid sa dalaga ay tumayo ito sa harap ng salamin.

Nasinagan ng buwan ang kanyang napakagandang pigura at mukha.

Isang mukhang minsan nang kinahumalingan ni Prinsipe Gweneld.

Kung hindi lang ito umibig sa isang Napili ay matagal nang naging Reyna si Caleid. At kung hindi siya tinraydor ni Henrieta, siguro ay. . .

Nilasap niya ang dugo sa kanyang mga daliri at ngumiti sa kanyang repleksyon.

"Siguro'y oras na para isukat ang bestida," natutuwa nitong sabi.

Ngunit naalala niya ang pamahiin. Baka hindi matuloy ang kasal kung gagawin niya iyon sa gabi bago ang seremonyas. "Di bale na nga."

Pumunta siya sa kama at hinaplos ang noo ng nakadilat na si Kahra. "Pasensya na, babalikan ko na lang yung damit bukas. Salamat sa pagkain!"

At maalindog siyang lumakad palabas ng kwarto.


☪⋆。˚┊˚✩ ┊

☪⋆。˚┊˚✩ ┊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ParaislaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon