- xx -

1K 35 1
                                    



☪⋆。˚┊˚✩ ┊ 


Iniwan ni Lax at Astrid ang mga walang-ulong katawan nina Caleid at Barkins sa naglalagablab na apoy at umalis na para hanapin si Iris at Naven. Nagpatakbo-takbo sila sa mga pasilyo ng ilang minuto, at minsan ay papatay ng mga nagkalat na Sinumpa.

"Maghiwalay tayo," sabi ni Astrid at tinahak ang ibang pasilyo.

Dumiretso naman si Lax habang paulit-ulit na nagdadasal na sana'y ligtas si Iris at sana maabutan pa niya ang dalawa. Nang makarating siya sa dulo ng palasyo, nakita niya si Ninette na nakasalampak sa sahig at umiiyak.

"Nasa'n ang ate mo?" tanong ni Lax

Tumuro si Ninette sa isang daanan. Tumango ang binata at kinuha ang kamay ng bata saka tumakbo papunta sa tinuro nito. Ramdam ni Lax ang bilis ng kanyang puso sa kaba. . . Lalo na nang marinig niya ang mga sigaw. Mga sigaw na puno ng sakit at paghihirap.

Mga sigaw ni Iris.

"Dito ka lang." Iniwan niya si Ninette sa gilid ng pinto at pumasok.

Ngunit natigilan siya nang makita si Naven, kalat ang dugo sa kanyang bibig at ang kamay nito'y nakabaon sa tyan ni Iris. 

Tumigil ang mundo niya. 

Nagyelo ang kanyang mga binti at umikot ang kanyang paningin. Hindi. . . Bakit. . .

Naven. . .?

Sa isang segundo, nais niyang putulin ang ulo nito nang walang awa. Nais niyang tadtarin ito ng saksak hanggang mamamatay ito sa kanyang mga kamay.

Ngunit nang makita niya ang ngiti ni Iris at ang pagsara ng kanyang mga mata, wala siyang ibang nagawa kundi bumagsak sa sahig at umiyak.

Tumawa ang Reyna nang malakas. "Sabi ko na nga ba eh! Magagawa mo! Magagawa mo, Naven."

Tumayo ang umiiyak na Prinsipe, ang kanyang pilak na buhok ay nagliliwanag, at puno ng suklam at galit na tumingin sa kanyang mga magulang.

"Magagawa mo dahil anak ka namin; dahil nasa dugo mo na ang pagiging halimaw!" sigaw ng Reyna.

Mabilis siyang sinugod ni Naven gamit ang lakas, pagkamuhi sa kanyang puso. "Hindi mo ako anak!!!"

Naramdaman niyang muli sa kanyang katawan-- ang enerhiyang matagal nang hinahanap ng kanyang sistema. Ang kapangyarihang matagal niyang hindi natikman. Ang kakayahan na matagal niyang tinanggihan.

Hindi ko sasayangin ang buhay mo, Iris.

Maging si Lax ay sumugod na rin sa Hari at lumaban dala ang galit niya. Ang kanyang puot. Kinuha na nila si Ina. . . ngayon, pati ang babaeng mahal ko! Nagpatalon-talon ang Reyna at Hari papunta sa kadikit na chapel ng bulwagan.

"Bumalik ka dito!!"

Hindi nakatakas ang lahat ng nangyari kay Ninette, na siyang nakasilip sa pintuan, tahimik na umiiyak. Nang makitang wala na ang mga halimaw, marahan niyang nilapitan ang nakahandusay niyang ate sa sahig. Nanginginig ang kanyang mga tuhod at nais niyang maduwal sa nadatnan niya.

"A-Ate?" bulong nito na parang gigising si Iris ilang minuto lang.

Tumulo ang mga luha niya at kinuha niya ang kamay ng kapatid. Ngunit dumulas lang ito sa kanyang hawak. "Ate. . . Ate Iris. . ."

Inalog niya ang balikat nito. "Ate. . ."

Hinawakan ang braso. "Gising. . .Pakiusap--"

Idinikit niya ang kanyang noo sa noo ni Iris at humagulgol. "Ate, parang awa mo na. Gumising ka! . . ."

Hindi niya matanggap. Hindi matanggap ni Ninette ang lahat. 

Hindi dapat ganito ang nangyari. Hindi dapat ganito ang resulta ng Pagkalap. Hindi dapat patay ang Ate niyang babalik sa kanyang piling!

Ngunit malamig na ang katawan ni Iris, isang maliit na ngiti sa kanyang mga labi. Patay na siya, isip ni Ninette. Patay na ang ate ko. . .

"Ninette."

Nilingon ng bata ang kanyang likuran at isang babaeng naka-talukbong ang bumungad sa kanya.


☪⋆。˚┊˚✩ ┊ 

☪⋆。˚┊˚✩ ┊ 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


ParaislaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon