- ix -

1K 46 1
                                    




☪⋆。˚┊˚✩ ┊
━━━━━━━━━━━━━━━━

ANUNSYO

Ang sinumang makakapagbigay ng impormasyon o makakapagturo ng lokasyon ng kuta ng mga rebelde sa Palasyo ay mabibigyan ng karampatang halaga ng brilyantes.

Sinuman ang tutulong o sasali sa rebelyon ay mapaparusahan ng kamatayan kasama ng mga kaanak.

Hindi hahayaan ng Palasyo ang ganitong kapangahasan!

Mabuhay ang Hari't Reyna!

Mabuhay ang Paraisla!

━━━━━━━━━━━━━━━━

.

.

.


Takot na sila.

Iyon agad ang kanyang naisip pagkatapos mabasa ang ipinadala sa kanya. Hindi halata dito sa loob, pero pinapakita nila iyon sa mga isla.

Mga hangal.

Walang magagawa ang mga pananakot na ito sa mga rebelde. Dahil matagal na nilang inalis ang takot. Matagal niyo na silang sinira kaya't wala na silang takot. Matagal na silang naghintay para sa araw na ito.

Ngayon. . .

Hawak pa rin niya ang lukot na papel na dala ng isang kalapati galing Rena. Isang ngiti ang gumapang sa kanyang mukha. Ang mga asul na mata niya'y nagliliwanag sa dilim.

"Nagsimula na ang mga plano, Astrid," bulong nito.

Tinapat niya ang papel sa kandila sa kanyang maliit na silid at unti-unti itong nasunog. Hinayaan niya itong malaglag sa kanyang kamay at maging abo sa sementong sahig. Saka niya tinapakan gamit ng kanyang sapatos.

Kumuha siya ng bagong puting papel na ipinuslit niya mula sa tambakan ng palasyo at isang panulat.


Nakahanap na ng sakripisyo. Lahat ay umaayon.


                 
Ni-rolyo niya ang maliit na papel at isinilid sa isang maliit na kawayang lalagyan. Itinali niya ito sa paa ng kalapati, binigyan ito ng pagkain at saka pinakawalan sa bintana.

Pinanood niya ang kalapating lumipad pabalik sa isla kung saan nagsimula ang lahat. Inisip niya ang nakaraan, ang kinabukasan at lahat ng nasa pagitan.

Isang pasanin. Isang layunin. Isang misyon.

"Pababagsakin natin ang kahariang ito."


☪⋆。˚┊˚✩ ┊

☪⋆。˚┊˚✩ ┊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ParaislaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon