Chapter 37:
(Alex's POV)
I am expecting na sa isang prestigious condominium ang punta namin pero nagulat ako na sa isang apartment pala kami hihinto.
To think na ang business niya ay all about hotels and condominiums pero how come na sa isang apartment siya tumutuloy?
Actually, maayos yung place. Malinis ito at maaliwalas. Para na rin naman siyang mini-condo pero isang malaking bahay nga lang ang labas. May common gate at apat na floors. Walang elevator at tanging side stairs ang dadaanan pa-akyat. Kitang kita ito mula sa labas, despite of the huge gate at medyo malamlam na paligid. Kahit papano, mukhang maayos din naman ang security system.
Pinasok namin sa loob yung sasakyan ko. Si Cliff na ang nagbukas ng gate at hinintay nalang akong makalabas pagka-park.
Infairness, may parking space pala diba? Anyway, nauna na si Cliff umakyat habang ako naman ay nakasunod sakanya.
Sa pang-apat na floor kami tumigil. Actually, may isa pang set ng hagdanan, papunta sa fifth floor, pero sabi niya, parang tambayan at sampayan nalang naman daw iyon.
Bago makapasok sa mismong floor, may gate pa na binubuksan, para nadin daw sa safety ng mga tao, lalo na ng mga bata. Bale nasa kaliwang side lang lahat ng pinto at ang kanan naman ay parang terrace na ng bawat tenants. At kagaya ng impression ko sa labas, malinis rin ang bandang ito. Tahimik narin ang paligid at mukhang tulog na ang mga umo-okupa dito dahil late narin masyado.
Nasa pinaka-dulong pinto bago ang fire-exit/stairs ang hinintuan namin. Ito na siguro ang kanya. Apat na pinto lahat ang nadaan namin at pang-lima ang kay Cliff.
Kinuha niya lang ang susi sa bulsa niya at prenteng binuksan ito. He switched on the lights and checked the place before Cliff offered me to go along with him inside.
Studio type ang style ng apartment. Pero may dalawang pinto kang makikita sa loob. Kumpleto ang mga gamit at hindi makalat. May sofa set, TV, center table, maliit na kitchen at counter with high chairs ang naroroon. Pamalit na siguro sa dining ang set-up non.
"Sorry at masikip ang bahay ko..." Cliff said habang iminu-mwestrang maupo muna ako.
"Nah, not a big deal." Halos wala akong masabe. Ano nga ba ang masasabi ko? Halos dine-describe ko nga lang lahat ng nakikita at napapansin ko dito. I don't even have any slightest idea sa nangyayari sakin, sa sasabihin ko pa kaya ngayon kay Cliff? Haaayts.
"Gusto mo ba ng maiinom o makakain? Or pamalit? Gusto mo bang mag T-shirt?" Pag-aalok nito. And ngayon ko lang na-realized na naka sports bra padin ako. Hindi ko kasi nasuot na yung jacket ko. Ang tanging hawak ko nga lang ngayon ay yung planner at phone kon'g nakapatay.
BINABASA MO ANG
Stupidity to Infinity ∞ (UNDER MAJOR REVISION)
ActionMeet Alexandra Phoebe Fontanilla Araza or also called Apa, Cone, Alex, A, Fibi and so on. She has too many aliases to mention. She's not the typical girl you can easily read. She's someone with ample of issues in life. Someone who certainly and deep...