Chapter 14:
(Alex's POV)
Ipinagbilin ko si Cliff sa secretary nito ng makalabas na ako ng opisina niya. Walastek, ang kalat ng loob!Puro pinagbalatan ng chichirya at basyo ng beer ang makikita sa paligid. Magagalit na naman 'yon panigurado pag gising niya. Cliff is a neat freak kasi, hindi nga lang halata.
Nakigamit pala ako ng phone kanina at tinawagan si Tiddy. Pinakuha ko sa driver namin yung sasakyan ko sa school at pinapadaan ko sa malapit na café sa hotel na 'to. Doon muna ako tatambay. I wanna take-off some stress.
Bukod pa dun, hindi pa ako nagla-lunch! Hindi ako nabusog sa junk foods na hinain ni Cliff. My stomach needs real foods!
Tumingin ako sa relo ko. Pasado alas tres na pala. Naglakad nalang ako papunta sa café na iyon dahil makulimlim naman. Tyaka may side walk talaga na puro puno at halaman kaya nakakagana din maglakad. Hindi din naman ako conscious na mangitim kaya carry on lang.
At habang naglalakad ako, isang batang lalaki na may pagka-chubby ang tumatakbo at napadaan sa harap ko. Nakuha nito ang buong atensyon ko dahil paano ba naman? Bigla kasi itong nadapa.
Aray.
Nilapitan ko ito. Nakayuko at mukhang umiiyak yung bata. Sabagay, masakit kaya 'yon. Sino ba ang hindi iiyak kapag nasaktan? Ay, ang lalim ng hugot ko doon.
Lumuhod ako para mapantayan ito.
"Hey..." I poked him to get his attention.
Aba't hindi ako pinapansin. Deadma. Sinubukan ko ulit kausapin.
"Hey kid..." Yinugyog ko ito ng mahina.
Psh. Hindi niya talaga ako pinapansin. Humihikbi lang ito at nakayuko padin.
Tumayo na ako. Kakangalay kaya yung pwesto ko kanina.
"Haaaaaay, sayang naman. Manlilibre pa naman sana ako ng cake ngayon, kaso, mukhang ayaw ng batang napili ko." Pagpaparinig ko sa bata.
Sinilip ko ito.
Tumigil ang pag galaw ng balikat nito. Maya-maya pa, ini-angat na nito ang ulo at tiningnan ako.
Pagkain lang pala ang katapat para pansinin ako nito eh. Hindi ko tuloy mapigilang matawa sa isipin na 'yon.
Wait, parang may kamukha itong batang 'to ah?
Nginitian ko nalang ito ng magtama ang aming mga mata.
"Tumayo ka na dyan. Baka mamaya may makakita sayo, akalain pang sinasaktan kita." Nagpunas muna siya ng luha niya. I kneel down again para mas makita ito ng ayos.
"Anong pangalan mo?"
"Noel po." Humihikbi padin siya.
"Ilang taon kana?"
"9 years old po." Tumango tango lang ako. Chineck ko yung tuhod niya kung may sugat, buti naman at wala. Namumula lang.
BINABASA MO ANG
Stupidity to Infinity ∞ (UNDER MAJOR REVISION)
ActionMeet Alexandra Phoebe Fontanilla Araza or also called Apa, Cone, Alex, A, Fibi and so on. She has too many aliases to mention. She's not the typical girl you can easily read. She's someone with ample of issues in life. Someone who certainly and deep...