20: We kissed?

117 2 0
                                    

Chapter 20:

(Clifford's POV)





I am now on my way to where that caller told me. Tsk. Naiinis ako. Halos paliparin ko na 'yung sasakyan sa sobrang bilis. Sana talaga maabutan ko pa 'yung babaeng 'yun. Kung bakit naman kasi. Hays! Namaaaan oh!

Hindi ako sigurado kung totoo nga ba 'yung sinasabi ng caller na yun, pero I can't just let this pass without checking. Mas mabuti ng sigurado.

Nawala tuloy 'yung hang over ko.

While on the way, I decided to dial dad's number para na rin ipaalam 'to. Ang kaso, nagri-ring lang. Mukhang tulog na ata ang tatay ko. Dibale, bukas na nga lang. Iiwanan ko nalang itong sasakyan sa malapit na pwedeng pag parking'an.





Pagdating ko sa place, hinanap kaagad ng mga mata ko si Alex. Hmm.

Alex... Alex... Alex...

Bigkas ko ng pabulong sa pangalan nito habang nililibot ng paningin ko ang buong lugar.

'Yun!

Nakita ko itong naglalakad papasok sa loob ng bus.

Sinundan ko ng tingin ang signboard kung saan papunta iyon. . .

'Sabang, Palawan'

Shit! Magpupunta siya ng Palawan? Via roro? Insane! Ang haba at tagal ng byahe nito. Tsk! At balak niya pang umalis mag-isa? Nababaliw na talaga siya.

Agaran akong bumili ng ticket. Buti nalang at wala gaanong tao, mabilis lang akong nakabili. Pagkaraan ay tiningnan ko mula sa labas ng sinasakyang bus ni Alex kung nasaan ito banda nakapwesto.

Nakaupo na siya sa bandang unahan katabi ng bintana. Tahimik lang ito at mukhang may malalim na iniisip.

Tsk, papaano ko kaya siya lalapitan ngayon? Baka kasi suntukin ako 'non eh.

Hay, ang laking problema naman nito. Umuwi nalang kaya ako? Nakita ko naman na ligtas siya eh.

Hindi, hindi.

Papaano pag sa byahe naman may hindi magandang nangyari sakanya? Baka makalbo ako ng tatay ko nito. Nalaman ko na pala na baka mapahamak si Alex pero pinabayaan ko? Tsk. Napakamot ako. (-_-)7

Bahala na nga si Robin! I have to do this!

Paakyat na ako ng bus. Susugurin ko sana ito para biglain ng saktong mag headset naman si Alex. Ay shet, bastos lang.

Hmm, paano ko na ngayon tuloy 'to lalapitan ng hindi kamao ang sasalubong sakin?

Nasa kalagitnaan pa ako ng pag-iisip ng maya maya, nakita kong nilabas ni Alex yung cellphone niya. Tama! Tatawagan ko nalang siya. Ang talino ko talaga. Hehe!

So, I dialed her number.

Nag ring. 'Yun!

Tinitingnan ko naman ang reaksyon ni Alex. Nagulat pa ata siya na may tumawag sakanya. Nakatingin lang sya sa cellphone nito. Parang wala pa atang balak sagutin. Naku po!

Please please. Answer the phone. Pogi na nga natawag sa'yo eh. Choosy ka pa?

Andddd, she picked it up. Yes! My pogi charm never fails.

"Ghad Alex, I've been calling you for ages!" Umarte ako na sobrang nag-aalala. Pero nag-aalala naman talaga ako— Erase that. Hindi ako nag-aalala. Nautusan lang. Napilit. Tama. 'Yun lang iyon.

Stupidity to Infinity ∞ (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon