Chapter 22:(Alex's POV)
"Saan ba tayo pupunta?" Cliff asked.
We're now walking hand in hand pagkalabas ng barkong iyon. Hindi ako nagsasalita.
Actually, kanina pa ako hindi nagsasalita.
Simula ng. . .
Simula ng umamin siya.
Nag-init na naman tuloy yung pisngi ko sa isipin na iyon. Psh. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, maski ako hindi makapaniwala.
Normal pa ba 'to? Parang hindi na kasi eh.
Tiningnan niya ako.
Parang tanga lang eh. Umurong bigla yung dila ko, ni wala akong masabi sa mga simpleng tinatanong ni Cliff ngayon. Potek na 'yan.
*LUBDUBLUBDUBLUBDUB* What the! Ang oa namaaaan!
Tiningnan lang, nagwala na agad yung puso ko? Grabe! Pati ba naman tibok ng puso ko, nagkaka-diperensya na din?
"Siguro, mas maiging mag punta na muna tayo sa mall. Wala kasi akong dalang damit eh." Pagka-sabi nito'y ngumiti pa siya.
Kainis!
Parang may mga kung ano naman ngayon sa tiyan ko na hindi ko ma-explain na naramdaman ko nalang bigla pag-ngiti niya. Psh.
Nagiging abnormal na ata ako?
No! I couldn't be!
Kasalanan to ni Cliff eh.
Siya ang dahilan ng lahat ng to! Fcker.
Hindi pa rin ako sumagot. Hindi ko pa rin kasi kaya. Ano ba naman 'tong mga simptomas na nararanasan ko? I'm getting insane.
Baliw kana Alexandra. Baliw!
Psh.
At dahil no reaction pa rin ako, hinila nalang niya ako para maglakad.
So ganun? Kaladkarin na ko nito?
Ayyy, ano ba 'yan brain! Please stop!
So, in the end, wala din naman akong nagawa at nagpatianod nalang sa kung saan man niya balak magpunta. At dahil probinsya, wala naman kaming makita na taxi na napapadaan. First time ko kasi dito kaya pasensya na, noob lang.
Lagi lang kasi akong out of the country eh. *sabay flip ng hair* Such air of confidence, I know. Haha! Charot lang naman.
Anyway, biglang binitawan ni Cliff 'yung kamay ko at lumapit sa mga babaeng nakatayo sa nadaanan namin na tindahan. Hindi ko man naririning yung pinag-uusapan nila pero halatang kilig na kilig yung mga babaeng nilapitan niya. Grabe, lakas talaga ng charms. Hanggang probinsya ang hatak ng karisma nitong unggoy na 'to.
Maya-maya bumalik na din siya at hinawakan na naman ang kamay ko. Namumuro.
"Tara na. Walking distance lang naman pala eh." At hinila na naman niya ako.
Nasa Puerto Princesa pala kamu ngayon. Buti nalang at makulimlim kaya hindi hassle maglakad. Fresh air pa ang hangin.
Habang naglalakad kami, halos lumuwa naman yung mata ng mga babaeng nadadaanan namin sa pagtingin kay Cliff.
BINABASA MO ANG
Stupidity to Infinity ∞ (UNDER MAJOR REVISION)
ActionMeet Alexandra Phoebe Fontanilla Araza or also called Apa, Cone, Alex, A, Fibi and so on. She has too many aliases to mention. She's not the typical girl you can easily read. She's someone with ample of issues in life. Someone who certainly and deep...