Chapter 23:
(Alex's POV)
"Nasaan pala yung attaché case mo?" Napansin ko kasing puro mga pinamili lang namin 'yung dala dala niya.
"Ah, iyon ba? Naiwan ko sa barko. Sa information, kung san mo ako nakita." Kampanteng sagot ni Cliff.
"Ha? Eh diba puro mga gadgets lang dala mo? Sayang yun!" Naalala ko kasi na laptop lang halos laman nun. Ngumiti siya pero hindi tumitingin sakin.
"Okay lang 'yun. Atleast nadala ko yung cellphone ko. Naitawag ko na sa management lahat ng nangyari. Papakuha ko nalang yun. May lock naman yung case kaya h'wag mo ng isipin 'yun."
"Ah..." Tumango-tango nalang ako. Sabi niya eh.
"So by the way, saan na pala tayo nito?"
"Uhm..." Nilagay ko yung kanang hintuturo ko sa baba habang nag-iisip.
Nasa parang isang small seaport kami. Tinawagan ko na kanina yung dapat na magsusundo samin, pero bakit kaya wala pa ito?
"Ang alam ko, dapat nandito na yun ngayon." Tiningnan ko 'yung relo ko. Magtatanghali na din pala.
"Maaaaaam Phoebe!" Napalingon ako sa direksyon ng sumisigaw. Humahangos na lumapit ito sa amin.
"Maaaaam P-Phoebe. . ." Hawak-hawak nito ang dibdib habang nagsasalita sa harap namin. Halatang nagmadali at pawis na pawis ito.
"Ah... Sino ka?" Takang tanong ko sa kaharap.
"Uhm, ako po si Lenre. Ako po yung inutusan ni Nanay Lenny. Asawa po ni tatay Rene. Anak po nila ako." Nakangiting sabi ng batang kaharap ko. Halos hindi na makita yung puti ng mata niya kapag nakangiti. Ang singkit at ang puti ng batang 'to.
Talaga bang nasa probinsya na ako? Halata nga ding anak siya nila Nanay at Tatay eh. Pangalan palang, obvious na. Hahaha!
"Ahh... ikaw ba yung pinapunta nila para sunduin kami?"
"Opo. Tara na po doon." Sabay turo niya sa isang speed boat.
"Ako na po magbibitbit ng mga gamit niyo." Akmang kukunin niya naman yung mga gamit namin.
BINABASA MO ANG
Stupidity to Infinity ∞ (UNDER MAJOR REVISION)
ActionMeet Alexandra Phoebe Fontanilla Araza or also called Apa, Cone, Alex, A, Fibi and so on. She has too many aliases to mention. She's not the typical girl you can easily read. She's someone with ample of issues in life. Someone who certainly and deep...