8: Lunch With The Guys

228 5 4
                                    

Chapter 8:

(Alex's POV)

"Food is ready!" Lumabas na si Nathan galing Kitchen. Sa wakas, akala ko kinain na siya ng mga kaldero sa loob sa sobrang tagal nito.

Tulak tulak niya ang cart na nagdadala ng mga pagkain namin. Buti nalang talaga at dumating na siya. Everything gets awkward na kasi after. . .
Psh. Forget it. It's nonsense.

Nathan served the food gidilly when he reached our table.

"Sumabay kana sa pagkain N."

"Oh? Hindi ba ako makaka-abala?" Tumingin ito sa direksyon ni Jin matapos sa akin. Ngumiti lang naman ang huli. Wala rin naman kasi siyang magagawa kahit ano pang opinyon niya. Aware na siguro siya doon.

"Of course, hindi ka abala. Ikaw pa ba? Tara na, sit down beside me. Para maka-libre kami." Pang-asar na nginitian ko ito kapagkuwan.

"Bad, Alex." Tugon naman nito sa blangkong ekspresyon. Gaya-gaya pa sa poker face aura ko. Psh. Walang originality.

Inilapag muna ni Nathan ang huling plato ng pagkain na kanyang hinanda bago naghila ng upuan para sa kanyang sarili at tahimik na sumalo sa amin.

"Ang bango naman." Sabi ni Jin ng i-angat ni N ang nakataklob sa main course na pagkain.

"That's the magic of herbs." Masayang kwento ni N habang akmang sasandukan ako nito ng pagkain.

"Ako na." Pigil ko dito sabay agaw ko ng sandok

"Nahiya kapa, pag wala ka namang kasama ako naman nagawa nito ah? Ako pa naghihimay ng chicken mo." Panunukso pa nito. Nakatingin lang naman sa amin si Jin.

"F.Y.I. Hindi ako nahihiya. Magkaiba ho ang nahihiya sa nagugutom. Pihadong pag ikaw na naman ang nag sandok ng pagkain ko, eh diet na naman ang labas ko nito. Ayoko. I wanna eat a lot." Pahiya onti si Nathan. Hahaha! Totoo naman kasi, pinagbabawalan niya ako kumain ng madami. Akala naman niya ang taba-taba ko.

"Conscious lang naman ako sa health mo. You eat a lot of unhealthy foods." Sermon pa nito.

"I have an active lifestyle N. In case you forgot, I burn those fats and bad cholesterols very well."

Stupidity to Infinity ∞ (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon